2 days after
Michael POV
1 year old na ang kambal habang nasa sala ang mga ito at nanunuod ng TV kasama si Calvin na 9 months na ang tiyan kaya anytime ay puwede na itong manganak.
Sana naman ay ka-mukha ng kapatid ko ang pamangkin ko pareho kasi silang cute, anang isip ko habang nandito ako sa kitchen at tumutulong kina Mommy at Tito Gab mag-luto.
“Kuya!”
Napalingon kaming tatlo ng sumigaw si Calvin na siyang ikinatakot ko palabas nang kusina papunta sa sala.
“What happen?!” Agad kong turan pag-kapasok ng living area habang nag-aalala ang boses.
“K-Kuya! Manganganak na ‘ko!” Ani nito habang nakahawak sa tiyan kaya agad napunta ang atensyon ko sa paa nito ng makita kong dinudugo ito.
Wala akong sinayang na oras at agad kong binuhat ang kapatid ko habang si Tito Gab ay naunang lumabas nang bahay habang kasunod ko si Mommy na nasa likuran ko.
Nasa back seat kaming dalawa ni Calvin habang si Mommy ay sa passenger seat at si Tito Gab ang nasa driver seat habang ramdam ko ang bilis nang takbo namin.
“Waaahh! Kuya, manganganak na ‘ko! Where's the doctor!” Sigaw nito habang nakakapit sa buhok ko.
“Fuck! Calvin, bitawan mo ang buhok ko masakit!”
“Tangina! Na saan ba ang doctor manganganak na ‘ko ‘t lahat-lahat wala pa siya!”
“Damn it, Calvin! Wala pa tayo sa hospital!”
“Baby, clam down okay? Inhale, exhale.” Si Mommy iyon na nakaharap saamin.
Nang makarating sa hospital kung saan rin ako nanganak ay agad kong binuksan ang pinto ng back seat at binuhat ang kapatid ko.
Pag-pasok ko‘y sisigaw na sana ako ng unahan ako nitong buhat-buhat ko.
“Manganganak na ‘ko! Anybody someone help us!?”
Agad namang nag-lapitan ang mga nurse bago ko isakay ito sa stretcher upang dalhin naman siya sa Operation room.
Kami namang tatlo ay nasa labas lamang para mag-antay.
Ilang minutong pag-hihintay ay lumabas na si Dr. Morales sa OR na ikinatayo rin naming tatlo.
“Congrats, its a baby boy. And besides okay rin ang pasente. Excuse me.” Saad ni Dr. Morales saamin na pinasalamatan na lamang namin bago pumunta sa kuwarto ni Calvin.
Tahimik kaming nag-hihintay na magising ito.
Nandirito rin ang apat na sina Ian, Christian, Kaleah at Naomi na dumalaw sa kapatid ko.
Calvin POV
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa‘kin.
Agad kong hinawakan ang tiyan ko ng maalala ang nang-yari at agad ko iyong tiningnan dahil sa aking nakapa.
“Whhhaaaa! Where's my baby!”
“Calvin!!”
Tiningnan kong mabuti ang mga taong nandirito sa loob nang kuwarto.
Nandirito silang lahat?
Napunta naman ang aming atensyon sa pag-bukas nang pinto ng kuwarto ko at iniluwa ang isang nurse na may hawak na sanggol.
Agad itong lumapit sa puwesto at maingat na ibinigay ito sa akin.
“Wow! Ang cute!” Sina Kaleah at Naomi iyon.
“Anong name niya?” Tanong ni Christian dahilan upang lingunin namin ito bago ko muling tiningnan ang baby ko.
Ngumiti muna ako bago mag-salita. “Aiden. Aiden Cassius.... Velasco.”
“Beautiful name,” si Kuya Michael iyon.
Habang ang kambal ay buhat nito at inusenteng nakatingin sa pinsan nilang mahimbing na natutulog sa aking mga braso.
Naka-apat na araw ako sa hospital at ngayon naman ay heto ako sa kuwarto ko habang nasa kama si Aiden at ang kambal ay naka-upo at nakatitig dito.
Napangiti ako dahil ang cute nilang tingnan habang si kuya heto at nasa gilid nang aking kama na naka-upo.
Nagulat pa kami ng sabay na halikan ng kambal ang mag-kabilang pisngi ng anak ko ng mabilis na kunin ni kuya ang dalawa at saka lumabas.
Mahina akong napatawa dahil doon bago ako tuluyang nakaramdam nang antok ay agad kong tinabihan ang anak kong payapang natutulog.
Doon ko naramdamang bumigat ang talukap nang aking mga mata at tuluyang nilamon na ng dilim habang yakap ang aking anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...