Chapter 29: Shopping

23 3 0
                                    

Calvin POV

  Biyernes ngayon at nandirito kami sa isa sa mga Mall sa Manila para mamili ng gamit nang baby.

8th months na rin kasi ang tiyan ko kaya kailangan mag-handa kung sakaling lalabas na si baby.

Kasama ko si Kuya pati na rin sina Ian, Kaleah, Naomi at Christian na excited pa sa akin.

Tinulungan ako ni kuya mamili ng gamit.

Nandito ako ngayon sa mga damit at pumipili.

“Bibilin ko ito.” Saad ko sa sales lady kanina pa nakasunod saamin ni Kuya Michael.

“Sige po at kukuha lang po kami ng stock.” Sagot nito bago kami iwan.

“Iyan na lang ba ang bibilin natin?” Tanong ni Kuya sa‘kin.

Tumango muna ako. “Yes, iyan na lang dahil sure akong nabili na nung apat yung ibang gamit.” Sagot ko.

“Nga pala, bakit hindi mo sinama ang kambal para kahit papaano ay nakapasyal ang mga anak mo?” Dugtong na tanong ko rito.

“Mukhang nakalimutan mo ata noong ipinasyal ko sila sa maraming tao?” Turan ni kuya na naging patanong ang sagot sa‘kin ng malala ko naman ang ibig nitong iparating.

Sabagay noong inilabas kase namin sila para ipasyal eh, daig pa ang artista lalo na si Dash maraming nag-pa-picture sa batang ‘yon gano‘n naman si Daph pero mas marami talaga ang pumansin sa pamangkin kong si Dash.

“Sure akong ba ka maging artista ang batang iyon.” Wika ko naman dahilan upang makatanggap ako ng masamang tingin kay Kuya.

“Excuse me. Heto na po iyong damit na bibilhin n‘yo.”

Agad kaming napalingon ng may mag-salita buhat sa aking likuran.

Nag-pasalamat naman kami bago pumunta sa cashier upang mag-bayad.

Pag-katapos namin sa pamimili sa department store ay nag-kayayaan para kumain.

“Guys, kain tayo.” Si Kaleah iyon na sinang ayunan pa ni Christian.

“Okay. Saan n‘yo gustong kumain?” Biglaang tanong ni kuya saamin.

Wow! Himala! Ano kayang nakain nito? Anang isip ko.

Nang mag-pasya ang lahat na sa Jollibee na lang daw kami kumain.

Nang makarating sa Jollibee ay agad nag-hanap ng lamesa na pang-anim na tao habang sina Ian at Kuya Michael ay pumunta sa counter para mag-order.

Nang makahanap naman kaming apat nina Kaleah nang mauupuan ay agad na kaming nag-tungo at umupo.

“Calvin, kumusta na nga pala ang kambal?” Biglaang tanong ni Naomi sa akin.

“Ayun, ayos naman sila at malulusog.”

“So, sino ang ka-mukha si Kuya Michael o yung.... AMA? Si Kaleah naman ang nag-tanong habang diniinan ang word na ‘ama’.

“Edi, yung.. tatay.” Sagot ko bago lingunin ang dalawang tao sa counter at nag-o-order.

“Paano kung bumalik ang mga iyon—” Hindi natapos ni Kaleah ang dapat nitong sasabihin ng biglang umeksena si Naomi.

“Ay, naku! Mag-co-confece talaga ako kay— Aray!”

Agad namang sinapok ni Kaleah si Naomi na dumaing sa sakit.

“Alam kong gagawin mo ‘yan at susuportahan ka namin, okay? Ang point ko is. What if bumalik? Or hindi ganoon ang mang-yari. Like, paano kung mag-krus ulit ang landas nang bawat isa saatin?” Turan ni Kaleah.

Natahimik ako dahil doon.

Paano nga kaya? Ano kayang gagawin namin, anang isip ko.

“Heto na ang order!”

Naibalik ko ang aking sarili sa reyalidad nang biglang ibaba ni Ian ang tray na siya ring nag-salita.

“Ayun!” Si Christian iyon bago kunin ang pag-kain n‘ya.

Masaya kaming nag-salo-salo sa pag-kain habang nag-ku-k’wentuha.

5:00 PM na nang hapon ng tumapat kami sa bahay ni Christian dahil siya na lang ang huling aming naihatid.

“Babye, Calvin at Kuya Michael. Ingat po!” Turan nito ng makababa ng Van na minamaneho ni Kuya.

“Bye!!” Sabay naming sagot ni Kuya pabalik.

Nang maisara nito ang pinto ay agad na rin kaming umalis dahil aayusin ko pa ang aming pinamili sa kuwarto ko.

“Haysstt! Sawakas tapos na rin.” Ani ko at pinagmamasdan ang naging pag-aayos ko ng mga gamit na pinamili namin kanina sa Mall.

“Oh, mag-meryenda muna kayong dalawa.” Saad ni Mommy ng makapasok ito sa loob nang aking kuwarto na siya namang sinalubong ni Kuya Michael.

Lumabas naman agad si Mommy habang kami ni kuya ay naka-upo sa kama ko at kumakain ng cookies na mukhang bake pa ni Mommy dahil mainit-init pa ito.

“Kinakabahan ka?” Tanong bigla ni kuya sa akin.

Agad akong napahinto sa pag-nguya bago ito tingnan at tumango.

Agad niya naman akong inakbayan bago niya ipatong ang ulo ko sa kanan nitong balikat.

“Gan’yan din ang naramdaman ko pero lagi mong tandaan na nandito kami.” Turan nito na ikinatingala ko bago tumango at ngitian ito.

“Sabay natin silang palalakihin ng tayo lang kasama sina Mommy at Tito Gab lang.” Wika nito sa seryosong tono na siya namang tinanguan ko.

Tama si kuya palalakihin namin kayo, anang isip ko at hinimas ang tiyan ko.

Napatigil ako ng maramdamang sumipa ito.

“Hala! Kuya sumipa siya!” Turan ko rito ng may gulat sa tono ng boses.

Doon ko rin nakitang nagulat ang ekspresyon ng mukha ng kapatid ko dahil naramdaman rin nito.

“ ‘Wag ka daw kasing mag-drama,” wika naman ni kuya sa akin na sinamaan ko ng tingin.

“Kuya naman eh!”

Sabay naman kaming tumawa dahil doon.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon