Michael POV
Dumating ang gabi bago ko iwan ng halik sa noo ang mga anak ko habang mahimbing na natutulog bago lisanin ang silid nang mga ito at dumiretso sa bulwagan.
Habang nag-lalakad ako sa hallway nitong palasyo ng makasalubong ko si Kuya Daniel bago yumuko tanda ng pag-galang bago ako harapin.
“Ang ibang bayan ay nasa bulwagan na at ikaw na lang ang iniintay, Prinsipe Michael.”
Pag-karating ay tama nga ito ako na nga lang ang inaantay.
Umupo ako sa nag-iisang bakanteng upuan katabi ni Calvin.
Doon ko lang napansin na ang mga ito‘y mga kanang kamay lang ng bawat royalties sa iba‘t ibang palasyo.
‘Tsaka ko rin nalaman na kasama sa mga nabihag ay ang mga taong kilala rin naming anim.
Pasimple kong tiningnan si Calvin na gano’n rin ang ginawa nito sa‘kin.
“Ano ang naiisip n‘yong plano upang mailigtas ang lahat, Prinsipe Michael?” Tanong ng isang heneral sa kaharian ng Delan Kingdom.
Dahil sa tanong na iyon ay napunta ang tingin ng lahat sa akin.
Agad kong sinabi ang gusto kong mang-yari upang mailigtas ang lahat.
“Kung gano’n ang gusto mong mang-yari ay mauuna kaming lulusob para saamin sila matuon ang atensyon habang kayo namang anim ang papasok sa loob nang kaharian?” Tanong naman ng isa sa kaharian ng Elphame Kingdom.
Tumango ako sa tanong nito.
Sumang-ayon naman agad ang lahat sa naging disisyon ko sa gagawin naming pag-liligtas sa lahat.
Lolo, Lola, Mom, Dad at Tito Gab. Please, just wait. Ililigtas namin kayo, anang isip ko.
Nang matapos ang pulong na naganap saaming palasyo ay nihatid naman ng iba ang aming mga bisita dahil lumalalim na rin ang gabi at bukas magaganap ang pag-salakay namin sa bayan ng Yoshuvalon.
Nandirito ako sa veranda ng palasyo habang tanaw ang puting buwan sa langit.
“Kasama rin ba sa pag-aalala mong iyan ang ama ng kambal?”
Napalingon akong bigla ng marinig ko ang boses nang kapatid ko.
“Tsk, bakit napunta sa kan’ya ang usapan? Lahat sila ay dapat ligtas na makuha natin.”
“Sabi mo ‘yan eh.” Wika ni Calvin na sumilay ang mapang-asar na ngisi sa labi.
Naiiling akong umalis doon kahit tinatawag ako nito na hindi ko na lang siya nilingon pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...