Michael POV
Araw ng Biyernes ngayon balik pag tuturo na naman ang lahat nang mga guro rito sa LHSA dahil kahapon ay intrams namin.
Sinulyapan ko ang oras sa relong suot ko 10:00 am iyon nandirito ako ngayon sa room at hinihintay ang sunod n klase ng bumukas ang pinto nitong silid.
Pansin kong lalaki ito ang professor ko sa history subject ko.
Kung tutuosin ako lang ang nahiwalay sa apat dahil iba ang course ng mga gunggong.
“Okay, class. Lesson for to day is also about vampires and werewolf again. Itutuloy lang natin ang naudlot nating lesson.”
Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi nito.
“Alam kong ang iba sa inyo ay hindi naniniwala or gawa-gawa lang ang kuwento nila. Class, ang mundo ay hindi natin masabi minsan ay may mga hindi maipaliwanag ng ating siyensya.” Pag papatuloy nitong may bigla na lamang nag taas nang kamay sa mga kaklase ko.
“Eh, Sir. Kahit gan‘yan parin po ang sasabihin n‘yo hindi po talaga pinapaniwalaan na may gan‘yang creatures sa mundong ito, anless kung makakakita tayo doon maniniwala pa po kami.” Sagot nang kaklase kong lalaki habang ang iba ay tumango-tango at yung iba ay sumang-ayon.
Sa bagay may point rin siya.
“Okay. Ganito na lang get one fourth sheet of paper class and write your answer sa tanong na. Kung pag bibigyan kayo ng pag kakataon. Ano ang gusto n‘yong maging, bampira o lobo?” Saad nito na ginawa naman naming lahat.
“Pag okay na ay ipasa rito then you may go for your lunch.” Pahabol pa nitong sabi ng mag tayuan isa-isa ang lahat.
Tamad ko na lang isinulat ang sagot ko pag katapos ay binitbit ang bag pack ko at dumiretso sa table ni Sir para ibigay ang papel ko pag katapos ay lumabas.
Pabagsak akong umupo sa harap nang mga kaibigan ko na nasa cafeteria.
“Mukhang pagod ka?”
Napadilat ako at seryosong mukha ni David ang bumungad sa‘kin.
Oo napagod ako sa lintek na sagot sa history!
Bumuntong hininga na lang ako bago ito sagutin.
“Sinong hindi mapapagod sa sagot na isasagot mo para may maisagot ka sa history?”
“Pre, may naintindihan ka?” Takang tanong ni LJ kay Del.
Umiling naman ng mabilis ang isa bago siya sagutin. “Wala, pre. Puro sagot lang naintindihan ko.”
Pinag babatok ko ang mga walang hiya na ikinadaing nila.
“Ano ba ang tanong?” Nilingon ko si Timo ng mag tanong ito.
“Kung pag bibigyan kayo ng pag kakataon. Ano ang gusto n‘yong maging, bampira o lobo?”
“What’s your answer?” Tanong ni David habang ako tinutusok ang spaghetti na in-order nila para sa‘kin.
“Ano ba dapat isagot ko?” Balik na tanong ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sa pag kain ko.
“So, nag pasa ka ng blangkong papel?!” Si Del iyon.
Binato ko ang tinidor na hawak ko rito na agad namang nasalo nito pabalik. “Natural. Hindi!”
Pareho namang nakahinga ng maluwag sina LJ at Del dahil sa isinagot ko.
“Both ang sagot ko sa tanong na ibinigay ni Sir.”
“Bakit?” Sabay-sabay na tanong ng apat sa‘kin.
Nag kibit-balikat ako sa kanila dahil kahit ako hindi ko rin alam ang isasagot sa kanilang tanong.
Walang nag sasalita saamin buhat nang lumabas kami ng cafeteria ngayon ay nandirito kaming lima sa garden dahil wala daw klase sa hapon dahilan sa biglaang meeting ng mga teacher.
Nakatingin ako ngayon sa asul na langit habang unan ang bag ko sila nakaupo lang habang sa‘kin nakatingin.
Ramdam ko iyon kahit hindi ko sila tapunan ng tingin ng may biglang mag pop-up na tanong sa utak ko na naitanong sa kanila.
“Guys, do you believe on mate?” Tanong ko ng nakatingin na ako sa kanila at muling ibinalik ang tingin sa asul na kalangitan.
“Bakit mo naman na tanong ang gan‘yang bagay, Mike?” Si Del iyon.
“ ‘Cause I believe on it.” Sagot ko at nilingon sila.
Doon ko nakita ang mga gulat na ekspresyon nila.
Agad akong umupo at hinarap sila.
“Nabasa ko lang na ang bampira at lobo ay may itinalagang mate sa kanila o yung nakatakda para mahalin nila.” Saad ko sa mga ito habang hindi na babago ang ekspresyon ng mga mukha nila.
“Michael,” bulong nilang lahat na narinig ko pa rin.
Ngumiti lamang ako sa mga ito at nag salita.
“ ‘Wag n‘yo nang intindihin ang sinabi ko may saltik lang siguro ako ngayon.”
Tumayo na lamang ako upang mag unat-unat at inaya ko na lamang sila na hanapin ang kapatid ko na sinang ayunan naman nila.
Habang paalis ang grupo ni Michael ay siya namang pag papakita sa itaas nang isang puno ang nasabing misteryosong lalaki.
Ngumiti lamang ito habang tinatanaw ang lima.
“Matagal n‘yo ng nakilala ang bawat mate n‘yo tanging ang oras na lamang ang inaantay para mag kakilala ulit kayo.”
Unti-unti itong nag laho sa hangin.
“Malapit-lapit na rin ang ikalawang muling pag sikat ng pulang buwan.” Ani nito ng tuluyang mag laho.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampirosStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...