Michael POV
Tamad akong bumangon sa‘king kama yung feeling bang ang dami mong ginawa nitong mga nakaraang araw o kaya naman ay pasan mo ang buong mundo gano’n ang nararamdaman ko ngayon.
Nang makalabas ako ng banyo ay pagsak kong inihigang muli ang aking katawan sa‘king malambot na kama.
Hindi ko rin alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame ng aking kuwarto ng muli ko na namang maalala ang pag-alis nila, niya.
Naramdaman kong nag-init ang gilid nang aking mga mata at nanlabo ito kasabay ng pag-tulo nito sa aking pisngi.
Tang-ina, ang sakit parin pala.
Akala ko tanggap ko na, hindi parin pala.
“Tok-tok-tok.”
Agaran kong pinahid ang aking mga luha at maingat na bumangon sa‘king higaan.
“Bukas ‘yan.” Ani ko habang naka-upo sa kama.
Bumukas ito at iniluwa ang aking kapatid na tulad ko ‘y mugto rin ang mga mata.
Agad itong lumapit at niyakap ako kasabay ng pag-hikbi nito sa balikat ko.
Niyakap ko siya at hinagod ang likod nito upang kahit dito lang ay mapagaan ko ang loob niya.
“K-Kuya,” saad nito sa pagitan ng pag-hikbi.
Pilit kong ‘wag mag-padala sa emosyong nararamdaman ko dahil ayokong maramdaman niya na mahina rin ako ngunit napakataksil nang aking mga luha pilit ko mang pigilan ngunit siya ring pag-tulo nitong muli.
Gabriella POV
“Malalim ata ang iniisip mo?”
Napalingon ako sa taong kumuha ng aking atensyon.
Nandirito ako sa kusina at nag-huhugas nang mga pinggan.
Agad kong ibinaba ito at pinatay ang gripo para harapin ang taong iyon.
Bumuntong hininga muna ako bago mag-salita.
“Pansin ko kase nitong mga nakaraan parang ang lungkot nang mga bata? Kapag tinatanong ko naman sila ang lagi lang nilang sinasagot ay ‘ayos lang sila,’ ” saad ko rito.
“Gab, nag-aalala na ako.” Dugtong ko pa.
“Bakit hindi mo sila ka usapin, Ela. Ina ka nila, alam naman natin na darating din tayo rito. ‘Wag nating isipin ang mang-yayari ang isipin mo kung ano ang magiging resulta kung mag-tatagal pa ito. Alam kong gumagawa na rin sila ng paraan para mahanap sila at alam mo sa sarili mo ang mang-yayari kung mahuli ang lahat.” Ani nito bago lumabas nang kusina at ang tanging ginawa ko na lang ay tanawin ito.
Nandirito ako saaming kuwarto ni Gab at may kinuha sa drawer. Ito ay isang lumang kahon kung saan nakatago ang mga mahahalagang bagay na nalipasan na ng panahon.
Kinuha ko ang isang lumang litrato kung saan may tatlong lalaki at apat na babae, kasama ako sa picture lalo na si Gab.
Binalingan ko ang isang taong seryoso ang mukha sa nasabing larawan, kuha iyon noong college day pa kami.
Pansin kong may pumatak na tubig roon kaya pinahiran ko agad nang mapagtanto kong galing iyon sa‘kin.
“Sorry. S-Sorry kung hindi man ako nakapag-paalam sa‘yo bago man ako umalis nang walang paalam.”
Mabilis kong pinahiran ang natitirang mga luha sa ‘king mata at inilapag sa kama ang litratong hawak at tumingin pa sa kahon ng ibang bagay na itinago ko na ibinigay nito noon sa akin.
Nakita ko pa ang mga lumang liham nito na naitago ko rin pala, lahat nang iyon ay puro may mga okasyon.
Doon ay lumuha na ako at mahinang napahikbi habang yakap ang mga iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...