Calvin POV
(2 weeks later)
This day is a special day for us, wala namang aayaw sa araw na ganito hindi ba? Lahat ay makikita mong nakangiti at masaya.
Ang buong paligid ay napalilibutan ng iba‘t ibang mga kulay ng bulaklak ang entabladong pag-darausan ng espesyal na araw para saaming mga estudyante kasama ang aming mga magulang at guro ay nakaayos na.
Ang bawat kapwa ko estudyante ay nakaputing toga kahit saan ka tumingin ay may kan‘ya-kan‘ya silang ginagawa tulad nang mag-papa-picture sa kaklase‘t kaibigan habang hindi pa nag-sisimula ang nasabing palatuntunan.
“Hoy, guys! Picture naman tayong lima, remembrances lang.” Ani ni Kaleah na ikinalingon naming apat sa direksyon niya.
“Sige para kahit papaano hindi n‘yo ma-miss ka-guwapohan ko.” Turan ni Ian dahilan upang makita kong umikot ang mata ni Kaleah habang kaming tatlo nina Naomi ay natatawa at naiiling na lamang.
“Gosh! Ga-Graduate ka na lang Ian ang hangin parin,” saad muli ni Kaleah.
“Tara na Kal, ba ka may mapatay ka pa ng wala sa oras.” Si Christian iyon at hinila ang babae.
Kinuha ni Mommy ang camera na hawak ni Kaleah pag-katapos ay nag-puwestuhan na kaming lima.
Bale ako ang nasa gitna habang sa kanan ko ay si Kaleah si Naomi ang nasa kaliwa at sa katabi ni Kaleah doon nakapuwesti si Ian katabi naman ni Naomi si Christian.
“Okay. One, two, three!” Saad ni Mommy kasabay ng pag-flash nang ilaw sa camerang hawak nito.
Agad naman namin iyong tiningnan doon ko nakita na hindi seryoso ang ginawa naming lima.
Si Ian ay duling kay Kaleah ay mala-mafia girl dahil naka-eyeglasses ito. Ako simpleng wakey lamang habang si Naomi ay naka-heart sign ang kamay ngunit kay Christian naman ay hindi ito nakatingin sa camera habang ang kaliwang kamay nito ay nasa ibabaw ng kilay na parang may tinatanaw sa malayo.
Napailing na lamang ako dahil sa kalokohan naming lima.
Tulad sa GHU ay ganito rin ang makikita mo sa LHSA ang lahat ay naka-suot nang kulay asul na toga.
“Michael,”
Nilingon naman ng binata ang taong tumawag sa kan‘yang pangalan habang kausap nito ang ibang kaklase.
“Tito Gab, bakit po?”
“Kuhanan ko kayo ng litrato, remembrances lang naman.”
Tumango nalamang ang binata bago ngumiti.
“Okay na po!” Sigaw ng mga kaklase ng lalaki at kan‘ya-kan‘yang post.
“One, two, three!”
Pag-katapos ay agad nag-puntahan ang iba para makita ang picture.
“President Michael, send mo iyan sa GC natin.”
“Oo nga para meron din kaming kopya.”
Tanging tango na lamang ang ginawa ng lalaki.
Agad nawala ang focus nang binata sa litratong pinagkakaguluhan ng kan‘yang mga kaklase ng maituon ang atensyon sa isang barkadahan sa ibang section.
“Michael,”
Mabilis nitong nilingon ang boses nang taong iyon.
“Are you okay?” Tanong ng kan‘yang Tito Gab.
Tumango ito. “Oo naman po.” Bago matamis na ngumiti.
Kahit hindi sabihin ni Michael ay alam ni Gabriell na malungkot ang pamangkin at tumingin rin siya sa gawi ng mga estudyanteng kanina lamang ay pinagmamasdan ng binata.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampirStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...