Michael POV
Nasa labas ang lahat at hindi mabilang na hukbo ng iba‘t ibang bayan ang nandirito sa kaharian ng Algeria Kingdom.
“Ready na ang lahat sa pag-lusob. Signal n‘yo na lang po ang hinihintay.” Isa sa mga heneral sa bayan ng Ceyonait Kingdom.
“Susunod kami, ma-una na kayo. Alam n‘yo na ang gagawin pag-dating doon.”
Yumuko ito bago bumalik sa mga kap‘wa heneral nang iba‘t ibang bayan upang sabihin ang sinabi ko.
Nilingon ko ang mga anak ko na kasama nina Manang Emma na maiiwan s palasyo.
“Mommy, b-babalik ka po ‘d-di ba?” Hikbing tanong ni Daph sa‘kin.
Binigyan ko sila ng matamis na ngiti ang dalawa. “Babalik si Mommy, promise.”
“Dash, ikaw ang panganay.” Tiningnan kong mabuti ang anak kong lalaki na lumuluha rin bago tumango.
Pinuntahan ko si Calvin na yakap si Aiden na yakap rin ang kapatid ko.
“I‘ll wait you, Mom...” Si Aiden iyon.
“Let's go, Calvin.”
Agad kaming sumakay sa kan’yang-kan’yang kabayo palasyo sa kaharian.
Habang tumatagal ang biyahe nina Michael at nang iba patungo sa kanilang patutunguhan habang sa bayan naman ng Yoshuvalon ay puro apoy habang nakakalat ang dugo sa iba‘t ibang paligid nang bayan.
Hindi rin nakaligtas ang bawat daing ng mga taong na roon at hiyaw dahil sa sakit.
Kita ko ang dulong bahagi at doon ko nakita ang makapal na usok galing sa bayan na pupuntahan namin ang Yoshuvalon.
Binilisan ko pa lalo ang pag-papatakbo ng kabayo tulad ko‘y gano‘n rin ang ginawa ng lima ko pang kasama.
Nang makarating sa arkong may nakasulat na Yoshuvalon ay agad kong inihinto ang kabayo dahil saaming na datnan puro bangkay sa kahit saan at puro dugo ang makikita mo ngayon sa paligid nito.
“Gosh! Eww!” Rinig kong turan ni Kaleah.
“Ganiti pala ang mundo natin?” Saad ni Ian na nilingon namin.
Inilibot ko ang tingin at sinang-ayunan ang sinabi ni Ian sa isip.
Muli kong tiningnan ang kastilyo nasa dulo kahit nandirito ka palang sa arko ng bayan ng Yoshuvalon ang kaharian ng Mystical Kingdom.
“Tayo na.” Ani ko bago muling patakbuhin ang kabayong sinasakyan ko.
Habang tumatakbo ang kabayong sinasakyan ko‘y lumapit rin kami sa palasyo na ang ibang bandera nito ay sira-sira na.
Lalong dumami ang mga bangkay na nakakalat sa daraanan namin.
Walang kahirap-hirap na nakapasok kaming anim sa gate ng kastiyo habang sa ibang paligid ay nag-lalaban-laban ang mga hukbong tumutulong saamin laban sa hukbo ng Mystical Kingdom.
Hindi espada o palaso ang gamit nila upang mag-patayan kun‘di ang mga kuko nilang mahahaba at ang bawat mata nila ay nag-lalaro lang sa kulay pula at gintong dilaw lamang.
Agad kaming bumaba sa bawat kabayong sinasakyan namin kanina pa.
Bago kami pumasok sa pinto ay bumungad naman saaming lahat ang mga bangkay.
Dumiretso kami sa hallway at nag-lakad ngunit nag-papakiramdaman kaming lahat nang mapahinto ako gano’n rin ang mga kasama ko.
Doon ko napansin ang double door na kulay itim senyales na ito na ang dulo ng hallway na tinatahak namin.

BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...