Chapter 45: Happy Family!

34 3 0
                                    

Michael POV

   Dahil sa nang-yari kahapon ay naging mailap ako sa kan’ya sa tuwing mangangahas itong lapitan o kausapin ako ay ako na ang unang iiwas dahil ayokong makasira ng masayang pamilya.

“Mom,”

Nilingon ko ang mga anak ko na nasa kuwarto ko kase ang mga ito at na babagot raw sa kanilang silid.

“Yes, baby?” Tanong ko sa dalawa ng na sa‘kin ang tingin ng mga ito.

“Look at this we draw a family.” Saad ni Dash habang nakangiti naman si Daph.

Doon ko nakita ang apat na tao na nakaguhit sa malinis na papel.

“This is you, kuya Dash, me and Daddy.” Daph said with a smile on her face.

Hindi ako nakapag-salita dahil sa sinabi ng anak kong babae.

“Mommy, ‘wag po sana kayong magagalit kasi po napansin lang po namin na never n‘yo pong ipinakilala kung sino ang Daddy namin.” Daphne commented.

“Daph is right, Mom. May Daddy po ba kami?” Tanong ni Dash sa akin na hindi ko man lang kayang sagutin.

“Nag-ta-trabaho kasi s-siya.” Pag-sisinungaling ko sa mga ito.

Alam kong darating ako sa araw na ‘to na hahanapin nila ang kanilang ama pero ayoko namang saktan sila at sabihin na may pamilya na itong bubuoin.

Niyakap ko na lamang ang dalawa para kahit pa-paano ay hindi nila maramdaman na may kulang.

“Masaya naman tayo k-kung tayo lang?” Tanong ko habang yakap sila ng maramdaman kong tumango-tango ang mga ito.

Agad kong hinatid ang mga ito sa kanilang silid upang matulog, tanghali naman ngayon at alam kong pagod ang mga ito.

Ngayon ay nag-lalakad akong muli sa hallway ng palasyo ng may marinig na tawanan sa may fountain kaya agad ko namang tinahak iyon n sana hindi ko na lang ginawa dahil muli ko na namang sinasaktan ang sarili ko.

Ang pinag-kaiba lang ay sinusubuan ni Keylee ng cake si David habang may hawak naman si David na mini-book na may salitang ‘babies name’.

Masaya akong bubuo ng masayang pamilya ang lalaking gusto ko noon pa man.

Maingat akong umalis doon habang mapait na nakangiti bago kumawala ang mga luhang kanina ko pa pilit pinipigilan ay masaganang lumalandas sa aking dalawang pisngi.

Nang makapasok sa main door nang palasyo ay nakasalubong ko si Manang Emma.

Ngumiti ito na siya namang ginantihan ko ng ngiti bago ako nito iwan at muling ibinalik ang seryosong mukha bago mag-patuloy sa pag-lalakad.

Agad akong nakarating sa isang pasilyo kung saan nakasabit ang bawat larawan namin at ang dalawang malaking picture frame kung saan ang masasabi mong masayang pamilya ang isa ay kaming apat nina Daddy, Mommy, Calvin at ako ngunit sa kabila nito ay kasama na namin sina Lolo at Lola.

Nangarap rin ako na sana kung darating ako sa stage na mag-kakapamilya o bubuo ng pamilya ay iyong katulad nang pamilya nina Mommy.

Pero ang lupit ata para sa‘kin ng tadhana hindi ko ata iyon mararanasan kahit kailan.

Nilisan ko na lamang ang lugar na iyon dahil alam kong masasaktan na naman ako sa isang pangarap na hindi naman kaylanman matutupad.

Ang pangarap ko para sa‘king mga anak ang isang buo at kumpletong pamilya.

Na tinatawag ng iilan na masayang pamilya...

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon