Michael POV
Nandirito kami ngayon sa isang garden ng palasyo habang kaharap na naka-upo sa isang blanket at puro pag-kain ang nakalatag dito.
“Mga anak,”
Napasulyap kami ni Calvin kay Mommy na kaharap namin ngayon katabi ang isang lalaki.
“Meet your true father.” Turan pa ni Mommy bago sulyapan ang lalaking katabi nito gano’n din ito bago kami sulyapan ni Calvin.
“It's you.” Saad ko na ikinakunot noo ni Mommy.
Nilingon nito ang lalaking katabi at para bang nag-tatanong kung ano ang ibig kong sabihin.
“Ikaw ang taong nag-ligtas saamin noon sa mga kakaibang nilalang hindi ba?” Tanong ko rito.
“S-Siya yung tinutukoy n’yo?” Tanong ni Mommy na halatang nagulat.
“O-Opo siya yun, Mommy.” Si Calvin naman iyon na nasa tabi ko.
Ngumiti ang lalaki saamin. “I am”
“I'm Caleb James Zamorano Velasco.” Pag-papakilala nito saamin.
Nag-tinginan pa kaming mag-kapatid nang banggitin nito ang pangalan at mapansin namin na siya rin ang taong dinaluhan namin sa GHU noon.
Nag-tayuan kaming dalawa ni Calvin na ipinag-taka nina Mommy bago kami nag-unahang lumapit sa puwesto nila.
“Ako muna ang yayakap, Calvin! Ako ang panganay!” Ani ko bago yumakap kay Daddy na mukhang nagulat pa.
“Kuya, ako ang bunso! Kaya ako muna!” Turan naman nito na masamang nakatingin sa‘kin.
Nagulat kami pareho ng sabay kaming hinila ni Daddy upang yakapin ng mahigpit at narinig namin itong humikbi.
“S-Salamat.” Bulong nito saamin.
Pag-katapos nang naging drama namin ay masaya kaming nag-bounding.
Doon rin namin nalaman na kahapon lang nag-propose ang Daddy kay Mom na sinuportahan namin namin.
Hindi rin na wala ang pag-papakilala namin ni Calvin saaming mga anak na apo rin ni Daddy.
Doon rin nito nalaman kung sino ang ang ama ng mga ito na sinabi rin namin lalo na ang dahilan kung paano.
Na saamin daw ang disisyon pero sana pag-isipan daw naming mabuti ang disisyon patungkol dito.
May karapatan daw rin naman ang mga ito na makilala ang mga bata.
Agad kong sinulyapan ang kambal na mahimbing na natutulog dahil sa nang-yari ngayong araw.
Dinampian ko ang mga ito ng halik sa noo bago maingat na kinumutan ang mga ito bago maingat na lumabas sa silid nang mga ito at bumalik sa‘king silid.
Napahinto ako sa pag-lalakad nang tumapat ako sa veranda nitong palasyo bago lumapit doon.
Kita rito ang napakagandang puting buwan na siyang nag-sisilbing ilaw sa lugar na ito.
Agad akong nabalik sa aking ulirat nang mapag-tantong parang may nakatingin sa‘kin mula sa ibaba kaya agad ko itong mabilis na ibinaba ang tingin na ikinagulat ko.
Apat na puting malalaking lobo ngunit ang napansin ko ang isa sa kanila dahil may suot itong korona bago ko maalala na sila rin iyong nakita ko sa school.
Hindi ako puwedeng mag-kamali sila nga iyon.
Wala sa sariling agad tumalon mula sa veranda nitong palasyo pababa dahil alam kong mataas iyon ay wala sa akin ang takot.
Ngunit nagulat ako ng isa sa mga puting lob ang sinalo ako gamit ang buntot nito at doon ko nakita kung kanino iyon.
Ang puting lobong may suot na korona sa ulo nito.
Hindi rin nakaligtas sa king paningin ang pag-aalala na duman sa mata ng apat na puting lobo.
Naramdaman ko namang maingat ako nitong ibinaba ngunit hindi inaalis ang tingin nila sa akin.
“Pasensya na kung nabigla kayo sa aking ginawa. Kung bababa pa ako ng hagdan ay sure akong hindi ko na naman kayo maaabutan.” Saad ko at para namang naintindihan ako ng mga ito.
Napangiti ako sa loob ko na kung sino man ang makakamita sa‘kin sure akong tumatawa na ito dahil kinakausap ko ang isang werewolf.
“Anong ginagawa n‘yo dito? Nag-hahanap ba kayo ng pag-kain?” Sunod-sunod kong tanong sa mga ito ngunit tanging pag-titig lang ang nakuha kong sagot.
Hindi naman tagala ang apat na werewolf ang kinakausap ko ngayon kun‘di ang hindi ko mawari kung tao nga ba iyon o ano pa man na nasa likuran ng apat na puting lobong kaharap ko ngayon.
“Hindi ako natatakot.” Ani ko bago mag-palit nang kulay ng mata mula sa itim at naging pula ito na alam kong nabigla ang mga kaharap ko dahil doon.
Agad akong tumakbo patungo sa apat na werewolf at nilagpasan ang isa sa mga umalalay sa akin kanina ng tumalon ako.
Agad nag-pakita ang isang nilalang na pasugod rin sa akin.
Ngumisi ako bago siya unahan sa pag-atake.
Nagulat ko ito ng hindi ko inaasahang mabilis itong susugod upang harangan ko na lang ang sarili gamit ang aking kamay ngunit agad ko rin iyong inalis dahil sa pag-kagulat nang may biglang lumapa sa nilalang na iyon.
Ang lobong sumalo kanina sa akin ay nakita kong galit na galit ito habang kagat ang pangit na nilalang na iyon.
“Kuya!”
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Calvin na tumatakbo papunta sa direksyon ko ngunit nagulat ako ng may isa pang nilalang ang biglang umatake sa likuran nito.
“Calvin!” Sigaw ko at sinaklolohan ang kapatid ko bago yakapin ito at inikot upang ako ang matusok nang kuko nito ngunit ilang minuto ay wala naman akong maramdaman kaya nilingon ko iyon kung ano ang nang-yari.
Nabigla ako ng makita kong sakal iyon ni Zayden habang pula ang mga mata kasama nito ang iba pa.
Muli kong nilingon ang apat na werewolf ngunit na supresa ako ng maging tao ang mga ito at doon ko nakilala kung sino ang mga ito.
Sina David.
“Ayos lang ba kayong mag-kapatid?”
Napalingon ako sa taong nag-salita at ngayon naman ay palapit saaming direksiyon si Lucas ang panganay sa mag-ka-kapatid na Galvez na hanggang ngayon ay pula rin ang mga mata.
“Mukha ba kaming nagalusan?” Pilosopo kong tanong dito.
Agad akong siniko ni Calvin dahil doon kaya naman ay nilingon ko at tiningnan na nag-tatanong.
Sinamaan ako nito ng tingin bago ibinalik kay Lucas ang tingin at nag-pasalamat pa ito na hindi ko na lang tunutulan.
“Eh, kayo ba bakit nandirito kayo?” Tanong ko at mahihimigan na hindi gusto na narito silang lahat.
“Naramdaman kase naming nasa panganib kayo.” Si Zayden ang nag-salita ngunit sa kapatid ko nakatingin kaya humarang ako upang sa‘kin ito tumingin.
“Gano’n ba? So mang-huhula na kayong lahat?” Sarkastikong tanong ko rito.
“Michael,”
Nag-pantig ang tenga ko sa taong tumawag sa‘king pangalan kaya nilingon ko rin ang puwesto ng mga ito.
“Oh, mang-huhula na rin ba kayo ngayon? Anong ginagawa n‘yo dito?” Sunod-sunod kong tanong sa seryosong tono.
“Gusto ko lang sana na makausap ka—” Naputol ang sasabihin nito dahil nag-salita ako.
“Then, talk to our lawyer.” Simpleng sagot ko sa mga ito.
“Wala kayo no’n.” Turan ni Zayden.
Ngumiti ako rito. “Buti alam n‘yo. So, wala kayong kakausapin. Bye, goodbye!”
Agaran kong hinatak papasok sa palasyo si Calvin at iniwan ang mga taong iyon sa labas.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...