Chapter 47: Pag-iwas

32 4 0
                                    

Michael POV

   Nandirito ako ngayon sa hardin ng palasyo at tahimik na inaamoy ang mga bulaklak na naririto.

“Prinsipe Michael, may gusto pong kumausap sainyo.” Saad nang isang guwardiya ng palasyo upang lingunin ko ito at doon ko nakita si David bago ko sinenyasan ang isang kawal na umalis.

Sa pag-alis nang nasabing kawal at kaming dalawa na lamang ang nandirito.

“ ‘Wag kang mag-alala aattend ako sa kasal mo at hindi mo na kailangan pang pumunta rito. Naipadala na rin ng fiáncee mo ang invitation for your wedding.” Saad ko dito ng hindi man lang tinatapunan ito ng tingin.

“Michael, mali ang iniisip mo—”

“Paanong mali?” Tanong ko at huminto saglit bago mag-patuloy. “Hindi mo na kailangan mag-paliwanag at okay na rin naman ako. Don't hurt her ba ka masapak lang kita.” Dugtong ko bago ito tingnan ngunit nagulat ako ng lumuluha ito sa harap ko.

“M-Michael, please. Let me explain.”

“Explain for what? David, may mababago ba kung sakaling mag-explain ka? No. Because this is the reality!”

“I... I like you— No, I love you, Michael. I really d-do.” Utal nitong sabi habang walang tigil sa pag-luha ang mga mata nito.

“David... Please, ibigay mo na lang ‘yang pag-mamahal mo sa magiging mag-ina m-mo...”

“Michael... S-Sabihin mo l-lang na m-mahal mo a-ako i-ilalaban kita.... please s-say you love m-me patutunayan kong m—”

“Enough.” Turan ko ng may diin at pilit pinipigilan ang pag-tulo ng luha.

“Ayokong may masira—” Naputol ang sasabihin ko dahil pinutol nito.

“Wala kang sinisira, Michael!” Bulyaw nito na ikinagulat ko.

Ngunit na bigla ako ng halikan ako nito na siyang ikinagulat ng buong sistema ko kaya naman ay buong lakas ko itong itinulak bago ito sampalin.

“I-Ikaw lang naman sa‘ting dalawa ang nag-mahal dahil kahit kailan hindi ko minahal ang katulad mo.” Buong lakas kong sinabi ito at tinatagan ang pag-titig ko sa mga mata nito.

Doon ko nakita ang gulat at sakit na dumaan sa mga mata nito ngunit bago pa man ako unahan ng awa ay nilagpasan ko ito.

“Sana, ito na ang una‘t ulit nating pag-uusap.” Saad ko bago tuluyan itong iwan.

Napatigil ako ng makita si Keylee kasama sina Timo, LJ at Del na lumuluha rin ngunit nilagpasan ko lang rin ang mga ito.

Kasabay noon ang kaninang emosyon na pinipigilan ko‘y lumandas na sa aking pisngi habang mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ko upang makalaya at makabalik sa loob nang palasyo.

Samantalang si David ay napaluhod habang lumuluha at hawak ang dibdib dahil sa nararamdamang sakit pati ang apat ay dinamayan ito sa pag-tangis.

Sa isa sa mga silid sa loob nang kastilyo ay ang pag-hikbi at pag-luha ni Michael dahil sa sakit nang nararamdaman.

Nag-daan ang mga araw ay pilit akong kinausap ni David ngunit pilit ko rin itong iniwasan at pilit tinuturuan ang puso na alisin ang nararamdaman para sa binata.

Tulad kay David ay iniwas ko rin ang tatlo na sina Timo, LJ at Del na minsan ay gusto rin akong kausapin ngunit hindi ko iyon pinahihintulutan.

Nag-daan ang dalawang araw ay doon ko napansin na hindi ko na nakikita si David na sinasamahan si Keylee mag-lakad-lakad dito sa labas at loob nang palasyo.

Tanging mga dama na lamang ang umaalalay sa dalaga.

Kahit nga si Keylee ay iniwasan ko rin sa tuwing tatangkain nitong kausapin ako ay ako na ang lumilihis nang daan na tatahakin.

Ayoko ng makagulo pa sa relasyon ng dalawa gano’ng malapit na ang kasal nang mga ito.

Hanggat kaya kong umiwas ay iiwas ako at tanggap ko namang hindi ako ang makakasama nito may kasabihan nga tayo hindi ba?

‘Saatin sila nag-tagal pero sa babae sila ikakasal’.

Masakit pero kailangan tanggapin at mag-patuloy na lamang sa buhay.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon