Michael POV
Miyerkules ngayon at nandirito ako sa loob nang SSG Office habang busy sa pag-tipa sa laptop ko.
Yes, balik eskwela na naman kaming dalawa ni Calvin.
Habang busy sa aking ginagawa ay bigla na lang nag- vibrate ang aking cellphone indikasyon na may natanggap akong mensahe kaya agad ko itong tiningnan kung kanino galing.
Sa aking pag-bukas ay napakunot noo ako dahil galing ito kay Calvin kaya naman wala akong inaksayang oras para hindi ito tingnan.
Message 1
Bunso
(Calvin Clarence A. Velasco)
9:00 AMKuya, sabi ni Mommy pag-tapos nang school diretso raw tayo hospital. I know check up natin.
Nang mabasa ko iyon ay napatampal ako sa aking noo.
Oo nga pala muntik ko ng makalimutan.
Agad kong tiningnan ang calendar na nakapatong sa aking mesa at lalo na ang schedule ko ngayon gano’n rin ang kay Calvin.
Nang wala namang tatamaang schedule ay agad kong tinapos muna ang ginagawa ko para wala na akong balikang gawain.
Samantalang sa loob naman ng section Hope ay nag-uusap ang dalawang mag-kaiban na sina Calvin at Christian.
“OMG! True ba talaga na kayo ng kuya mo ay buntis?” Bulong iyon ni Christian na pinipigilan ang kilig na nararamdaman.
Mahina naman siyang pinalo sa kaliwang balikat ni Calvin at sinenyasan na ‘wag lakasan ang boses.
Ito lang kasi ang pinagsabihan sa kalagayan nilang mag-kapatid.
“Eh, paano kung mag-kita ulit kayong lahat kung sakali lang naman? Beshy, may karapatan rin naman ata ang mga iyon. Anak rin naman nila iyan.” Ani ni Christian at hininaan ang huling sentence habang ibinalik ang atensyon sa hawak na cellphone.
Natahimik naman si Calvin dahil roon. Tama naman kasi ang kaibigan dahil sa sinabi nito pero mali rin ba sila sa gagawin na itago ang mga anak sa mga ama na iniwan sila ng wala man lang dahilan.
“ ‘Wag n‘yo muna iyang isipin basta sama ako mamaya wah? Soon to be ninang kaya ako.” Turan ni Christian na tinanguan at nginitian lamang siya ni Calvin.
Sa SSG Office naman nag-liligpit naman si Michael sa mga gamit na nakakalat sa table nito.
Habang busy na nag-liligpit ako ay muling nag-vibrate ang cellphone ko ng makitang galing iyon sa kapatid ko.
Message 2
Bunso
(Calvin Clarence A. Velasco)
10:00 AMKuya papunta na kami d‘yan.
Hindi ko na lang inabala pang sagutin ito.
Nang matapos mag-ligpit ay sakto namang may kumatok sa pinto.
“Tok-tok-tok”
“Come in.” Ani ko ng hindi nakatingin habang may inaayos.
Narinig kong nag-bukas iyon kaya sumulyap naman agad ako at saka nakita ang dalawa kaya napatingin ako sa aking kapatid bago ito tingnan ng nag-tatanong.
“Kuya... Ahmm.. a-alam n‘ya,” sabi nito at tiningnan ako na nag-aalinlangan.
Inilipat ko naman kay Christian ang aking tingin.
Sumenyas muna ito na tatahimik ito bago mag-salita. “ Don't worry Kuya Michael, walang makakalabas po. Basta ako kunin n‘yong ninang wah!” Paliwanag nito saamin.
Bumuntong hininga muna ako bago mag-salita. “Aasahan ko ‘yan.”
Agad nitong itinaas ang kanang kamay na akala mo ‘y nanunumpa.
“Promise po. Kahit mamatay pa yung langgam ngayon.”
Napangiti at naiiling dahil sa sinabi nito dahilan upang magulat ang dalawa at mag-tinginan pa sa isa ‘t isa.
“OMG! Kuya, ngumiti ka?!” Calvin shocked habang ang mga labi ay naka-formed na O.
Pag-katapos nang mga kaganapan sa SSG Office at nandirito kami ngayon sa parking lot at hinahanap ang kotseng ginamit namin ni Calvin papunta rito sa school.
Nang makita ko ay nag-sisakayan na rin kami.
Habang nasa b‘yahe ay nag-kuwetuhan kami para hindi mabagot.
Doon ko nakita na ang logo ng hospital na pupuntahan namin ngayon ay binilisan ko pa ang pag-papatakbo.
Agad akong nag-tungo sa parking lot nila at nag-hanap nang mapopuwestuhan bago kaming tatlo ay bumaba.
Pinag-buksan naman kami ng guard na nag-babantay sa entrance nitong hospital bago kami batiin na nginitian ko na lang pabalik.
Nag-tungo ako sa nurse station para sabihin na may appointment kami kay Dr. Morales na siya namang may tiningnan sa screen ng computer.
“Ah, okay po. This way po Mr. Velasco.” Anya bago kami iginaya patungo sa opisina nito.
Nang makarating kami sa harap nang opisina nito ay ito na rin ang kumatok bago ito pumasok.
Hindi naman kami nag-hintay ng matagal sa labas nang bumukas ito bago kami sinenyasan na pumasok.
Lumabas muli ang nurse na nag-guide saamin papunta rito bago kami iwan.
“Good afternoon, Velasco brothers.” Dr. Morales said to us habang si Christian ay naiwan na lang sa labas.
“Have a sit.” Turan pa nito na ginawa namin.
Check-up naming dalawa ni Calvin sa kan‘ya ngayon.
Agad naman niyang tiningnan ang aming mga portfolio.
“So, sino sa inyong dalawa ang gustong ma-una sa gagawin kong test?” Tanong nito saamin.
“Ako na lang po muna,” si Calvin iyon na tiningnan ako na agad kong tinanguan ng mag-pasya si Dr. Morales na tumayo bago pumasok ang dalawa sa isa pang pinto na naririto sa loob nang opisina nito.
Ilang minuto ang lumipas nang bumukas ang pinto at lumabas ang dalawa.
Tumayo ako ng senyasan naman ako ni Dr. Morales habang si Calvin naman ang umupo kung saan kami kanina.
Pag-pasok ko ‘y pinahiga ako nito sa isang higaan bago ako inutusan na itaas ng kaunti ang aking damit para makita ang aking tiyan.
Agad naman nitong nilagyan ng jell.
Maya-maya lang ay binigyan naman ako nito ng tissue para pahiran ang tiyan kong may jell.
Sabay kaming lumabas at muli naman akong tumabi sa aking kapatid.
“Tok-tok-tok”
Napasulyap kaming lahat nang may kumatok na agad namang bumukas nang kaunti at sumilip mula roon ang isang nurse.
“Do. heto na po pala yung resulta.” Ani ng babaeng nurse na agad ito bago bumalik sa mesa kung na saan kaming dalawa ng kapatid ko.
“Hawak ko na ang resulta n‘yong dalawang mag-kapatid,” ani nito bago tingnan ang papel na hawak nito.
“Calvin, base sa naging resulta mo sa ginawa kong test is,” huminto ito saglit at tiningnan pa ang ibang papel.
Habang kami ay nag-iintay ng susunod notong sasabihin.
“Your 3 months pregnant besides malakas naman ang kapit nang baby pero kailangan parin mag-ingat at yung mga nireseta ko ay always mong i-take.” Dugtong nito saamin.
Pansin kong nakahinga ng maluwag ang kapatid ko.
“Sa‘yo naman Michael. Your 5 months pregnant at tulad sa kapatid mo ay malakas rin ang kapit ng baby and take your med.” Turan ni Dr. Morales sa akin.
Pag-katapos nang naging usapan namin ay palabas naman kaming tatlo sa nasabing hospital.
Nang makalabas sa exit ay dumiretso naman kami sa parking lot habang nag-kuwentuhan ang dalawa dahil sa naging resulta ng pag-uusap kanina.
Pag-karating sa parking lot ay agad rin kaming nag-sisakayan sa kotse at pinaandar ito para maka-uwi na rin kaming tatlo habang masayang nag-ku-kwentuhan.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...