Chapter 43: Let them explain

36 2 0
                                    

Michael POV

   Pag-katapos nang laban ay ginamit naman ng mga healer ang mga sugatan at ang mga nasawi naman sa laban ay bibigyan ng disenteng living ng bawat palasyo.

Nag-uusap kaming mag-kapatid nang mapahinto ito at nakatingin mula sa aking likuran.

Kaya agad akong napalingon kung ano nga bang meron ng makita ko ang grupo ni Zayden kasama ang mga kapatid nito at ang grupo ni David.

“Ay, oo nga pala? Pupuntahan ko pa ang parents ko.” Biglang sabat ni Ian na nilingon namin.

“Sama ako, pupuntahan ko rin sila.” Turan ni Christian bago kumapit sa braso ni Ian.

“Hintayin n‘yo naman kami!” Sigaw ni Kaleah bago hilahin si Naomi.

“Maaari ko bang makausap si Calvin?” Tanong ni Zayden ng seryoso upang mapunta sa kan’ya ang atensyon ko at nag-bangga ang aming mata bago ko ito kunutan ng noo.

“Then go. Wala naman sa‘kin kung mag-usap kayo.”

“In private sana.”

Napalingon ako ulit dito dahil sa sinabi nito.

“Bakit private pa? Ayaw mo bang marinig namin?”

“Kuya,” ani ni Calvin bago ako sikuhin na tiningnan ko ng nag-tatanong na tingin.

“Michael, hayaan mong makapag-usap ang dalawa.” Si Lucas iyon na siyang sinamaan ko ng tingin.

“Michael. Gusto ko rin sanang makausap ka.” Biglaang sabat ni David upang malipat ang tingin ko sa puwesto nito.

“Talk to our lawyer, then.” Mahihimigan ang inis sa aking boses.

“Mike, wala kayo no’n.” Wika ni Del.

“Very good! The , wala kayong kakausapin.”

“Michael, anak.”

Napalingon kaming lahat at doon ko nakita si Mommy na may kasamang dalawang dama.

Nakatingin lang ito at kahit hindi ito nag-sasalita ay kita ko sa mata ang ibig nitong sabihin.

Napabuntong hininga ako bago muling tingnan ang dalawang grupo na tahimik lamang.

Sinenyasan ko naman si Zayden gamit ang dalawang daliri na tinutok ko sa aking mga mata bago ko inilipat ito sa puwesto nito na ang ibig sabihin ay ‘I watch you’.

Nilingon ko ang kapatid ko na nakatingin sa‘kin bago senyasan ng tango.

Umalis ang mga ito gano’n rin si Mommy kaya ang grupo ni David ang kasama ko.

“Mikey, si David na lang ang mag-papaliwanag ng lahat sa‘yo.” Si LJ iyon ng mapatingin ako sa tiyan nitong halata at may kalakihan habang nakaalalay si Timo rito.

“Your pregnant?”

Nakita kong nabigla ang mga ito dahil sa sinabi ko.

“O-Oo.” Utal nitong sagot.

“Congrats.”

“Thank you, Michael.” Si Timo iyon habang ngiti lang ang iginawad ni LJ sa‘kin.

“Gusto ko rin kayong makausap.” Saad ko ngunit hindi sila tinatapunan ng tingin at ramdam kong nagulat ang mga ito.

“Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang magalit nang matagal sainyo.” Paliwanag ko ng hindi parin sila tinatapunan ng tingin at tahimik lamang ang mga ito.

“Nung araw ng intramurals natin ay iyon din ang araw na naalala ko na lahat ngunit mas itinago ko na lang iyon kaysa ipaalam.” Huminto ako saglit bago mag-patuloy.

“Pinilit ko rin na ‘wag ipaalam ang totoong nararamdaman para sa‘yo, D.” Tiningnan ko ang direksyon nila at doon ko nakita ang pag-ka-bigla sa kanila.

“Ramdam kong mag-kaiba tayo, mag-kaiba ang mundong ating ginagalawan. Kaya mas pinili kong ilihim na lamang ang lahat kaysa ipaalam pa sa‘yo ang lahat.”

“Noon pa man alam kong may iniibig ka na kaya mas okay na rin na hindi ko sinabi.” Mahina akong tumawa.

“Michael,” bulong nila na narinig ko parin kahit pa-paano.

“Nga pala ano nga bang sasabihin n‘yo?” Pag-tatanong ko.

“About noon. Sorry kung hindi kami nakapag-paalam sa‘yo ng maayos. Napaaga kasi ang pag-uwi namin dito, sa tunay naming mundo.” Pa-una ni Del.

“Gusti ka pa sana naming makausap noon ngunit wala ng oras kaya sana maintindihan mo.” Paliwanag ni LJ bago nag-baba ng tingin.

“Pinipilit namin na kahit sandaling oras lamang ay makausap ka namin ngunit wala kaming magawa dahil hindi kami pinahihintulutan.” Si Timo naman iyon.

“Walang araw na hindi ko sinubukang bumalik sa mundo ng mga tao upang makapag-usap lang tayo at mag-paliwanag. Gumawa ako ng paraan ngunit hindi kami pinahihintulutan dahil tapos na ang mga natatanging tagapag-ligtas nang ating mundo at kayo ‘yon, Michael.” Mahabang paliwanag ni David sa akin.

“Noo pa man ang gusto kong sabihin no’n pa na may—” Naputol ang sasabihin nito ng may sumigaw.

“David!”

Napalingon kaming lahat at doon ko nakita ang isang babae na patakbong humahangos patungo saaming direksiyon kasabay noon ang pag-yakap nito kay David.

Hindi ko alam pero parang tinusok ang aking puso dahil sa aking nakikita ngayon.

She's the girl that he loves? Na naramdaman ko noong nasa mundo pa kami ng tao? Anang isip ko.

Posible dahil ramdam kong may nag-mamay-ari na ng puso nito. Kung siguro nag-sabi ako na gusto ko siya ay ba ka masaktan lamang ako. Mapait akong napangiti dahil sa na isip.

Napalingon naman ang babae sa direksiyon ko.

“P-Prinsipe Michael, nasaktan po ba kayo?” Tanong nito sa‘kin.

Ngumiti lamang ako bago mag-salita.

“H‘wag mo kong alalahanin ayos lang ako. Mas kailangan mong pag-tuunan ng pansin ang kasintahan mong ‘yan.” Ani ko bago ituro si David.

Hindi ko alam kung namalik mata ba ako o nag-kataon lang talaga na nagulat ang mga ito dahil sa sinabi nito.

“Michael mal—” Agad kong pinutol ang sasabihin ni Del.

“Excuse myself. Pupuntahan ko pa pala ang parents ko.” Pag-papaalam ko bago nag-mamadaling umalis doon dahil kung mag-tatagal pa ako doon ay ba ka masmasaktan pa ako.

Natanaw ko agad sina Mommy, Daddy at Calvin na nag-uusap upang maagaw ko ang atensyon nila.

“Maayos ba ang lagay n‘yo?” Tanong ko agad nang makalapit sa mga ito.

“Ayos naman kami, Michael.” Si Daddy iyon.

Agad may lumapit na guwardiya saamin at ipaalam na nandiyan na Ang mga sasakyang mag-dadala saamin pa-uwi ay agad na akong sumabay kay Calvin ng i-utos ni Daddy na ma-una n kami at susunod na lamang sila.

“Kumusta ang pag-uusap n‘yo?” Biglang tanong ni Calvin habang nag-lalakad kami patungo sa karwaheng sasakyan namin.

“Ayos lang naman.” Maikling ani ko dito.

“Yun lang?” Takang tanong ni Calvin sa akin.

Tumango na lamang ako dito.

Nang makarating sa iba‘t ibang karwahe ay nakita ko sina David at mukhang may balak pa atang pumunta sa puwesto namin ng agad akong pumasok sa karwahe.

Ramdam kong nagulat ang kapatid ko dahil sa ginawa ko ay hindi na lamang ako nito tinanong ng maramdaman kong gumalaw ang karwahe hudyat na aalis na kami para umuwi.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon