Michael POV
Pag-katapos nang gabing iyon ay nandirito ako sa hallway ng palasyo at nag-lalakad kasama ang iilang dama na nakabuntot lagi sa akin.
At isa pa utos raw ito ni Daddy kaya wala akong magagawa doon.
Agad lumapit si Manang Ida na sumulpot na lamang kung saan.
“May bisita ka, iho. Nasa bulwagan sila at hinihintay ka.” Saad nito bago ako tipid na nginitian at agad umalis.
Agad akong dumiretso sa bulwagan at nag-tataka kung sino ang bisita ko raw.
Nang tumapat ako sa pinto ng bulwagan ay agad sinenyasan ang mga damang kasama ko na umalis muna na sila namang yumuko bago umalis at sinenyasan ang bantay ng pinto para pag-buksan ako na ginawa ng dalawang guwardiya.
Napakunot noo ako dahil sa nakita ko.
Agad akong pumasok kasabay nito ang pag-sara ng pinto.
“Bakit kayo nandirito?” Takang tanong ko sa apat na nandirito ngayon at nakatingin sa akin habang may limang hakbang ang layo namin sa isa‘t isa.
“Maaari ba tayong mag-usap, Michael?” Tanong ni David sa‘kin habang seryoso itong naka-tingin sa akin.
Ang tatlong kasama naman nito‘y tahimik lamang sa kan’yang likuran at nakatingin sa‘kin.
Agad ko itong tinalikuran bago mag-salita. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.”
Inihakbang ko ang mga paa para sana lumabas sa nasabing bulwagan ng mapahinto ako dahil hinawakan nito ang pulsuhan ko sa kanang kamay para mapahinto ako.
“Please. Michael, I want to explain every—” Naputol ang sasabihin nito ng lumingon ako‘t binawi ang kamay kong hawak nito bago nag-salita.
“Explain? Sana ginawa mo iyan bago kayo umalis.” Ani ko na may diin sa boses at tiningnan sila isa-isa.
“Ayokong marinig pa kung ano man iyan ni kahit pag-mumukha n‘yo ay ‘wag n‘yo ng ipapakita pa sa‘kin! Alis!” Sigaw ko sa mga ito.
Agad akong nilagpasan ni David bago sumunod ang tatlo sa kan’ya na nilingon ko ngunit agad itong huminto bago nag-bitaw ng sasabihin.
“I'm a dominant alpha. Alam ko lahat at alam mo sa sarili mo na minarkahan kita ng gabing iyon. Pag-bibigyan kita ngayon pero may karapatan akong kunin ang dapat sa‘kin.” Saad nito bago tuluyang lumabas nang bulwagan.
A-Anong ibig niyang sabihin? ‘Wag mong sabihin na— Hindi, Michael wala iyon okay? Pag-kukumbinsi ko sa‘king sarili.
Nandito ako sa silid nang kambal habang nag-lalaro ang mga ito dahil ang laki ng kuwarto nila parang dalawang silid nga ang laki nito.
“Mommy!!”
Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw ang mga ito na. Nakapag-pabalik sa aking sarili sa reyalidad.
“A-Ano nga ‘yon?” Takang tanong ko sa mga ito.
“Kanina pa po kase kayo tulala, may problema po ba? Tanong ng anak kong babae na si Daph.
Napangiti ako sa loob-loob ko dahil kahit 7 years old pa lamang ang mga ito ay ang ma-matured na ng isip nila.
Nag-taka ka pa Michael eh, may pinagmanahan ang mga ‘yan. Anang isip ko.
“Ah, wala naman iniisip lang ni Mommy na.... ‘wag muna kayong lumaki.” Saad ko at malapad na ngumiti sa mga ito.
Nag-tinginan naman ang dalawa sa isa‘t isa dahil sa palusot kong sinabi.
“Okay po.” Sabay nilang turan bago sila bumalik sa pag-lalaro.
Hindi ako papayag na makuha mo sila sa akin makikipag-patayan ako para sa mga anak ko bago mo sila makuha.
Muli kong pinagmasdan ang kambal na masayang nag-lalaro.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...