Chapter 15: Moodswing (Part 1)

30 2 0
                                    

Michael POV

    Sabado ngayon kaya nandirito kaming dalawa ni Calvin kasama ang mga kasambahay wala sina Mommy at Tito Gab may importante daw na pupuntahan.

Alam na rin dito sa bahay na buntis ako kaya todo asikaso at pag-babawal sila sa akin.

“Nand‘yan ka lang pala kuya.” Biglaang sulpot nitong kapatid ko sa harap ko.

Nandirito kase ako sa living area at nanunuod nang TV.

“Nakabalik ka na pala,” ani ko at saglit na tinapunan ng tingin ito bago ibinalik sa screen ng TV.

Nag-paalam kase ito sa‘kin na pupunta lang raw s‘ya ng 7/11 na pinayagan ko naman.

Agad itong umalis habang may mga dalang plastic bag kaya agad akong tumayo at sundan ito.

Hindi pa naman gaanong malaki ang tiyan ko kaya kahit pa-paano kaya ko pa naman tumulong sa maliit na bagay.

“Kuya, ‘di mo na ako kailangan tulungan pa. Kaya ko naman—” Hindi ko na ito pinatapos pa sa kan‘yang sasabihin ng bigyan ko s‘ya ng masamang tingin.

“Sabi ko nga puwede mo akong tulungan.” He whispered na narinig ko kahit mahina iyon.

Ewan ko ba ang bilis mag-bago ng mood ko lately at mabilis na akong mainis na hindi ko naman dati nararamdaman dahil siguro ito sa pag-bubuntis ko.

Kahit ngayon ay hindi parin pala ako makapaniwala na kaya kong mag-ka-anak o mag-karoon ng anak.

“Kuya, ba ka mahiya na kaming gumamit nang lababo dahil sa kakintaban at kalinisan niyan.” Saad ni Calvin sa tabi ko ng mapansin kong gigil na gigil ako sa pag-pupunas rito.

“Tsk!” Sagot ko at bigla na lamang lumabas nang kusina.

Ewan ko bigla na lang kase pumasok sa isip ko ang taong iyon.

Nang makaalis si Michael roon ay tanging pag-iling lang ang ginawa ni Calvin dahil sa inasta ng kapatid nito.

Agad akong lumabas nang main door nang makalabas ako ng kitchen at dinning area.

Simoy ng hangin ang unang sumalubong sa akin at malamig sa bawat nang matuon ang pansin ko saaming gate na ikinakunot noo ko.

“Mang Samuel!” Tawag ko rito na siya namang pag-labas nito sa kan‘yang guard house na nasa tabi ng gate siya kase ang guard nitong mansion.

Tumatakbo itong lumapit sa akin.

“Sir Michael, bakit po?” Tanong nito ng makalapit sa puwesto ko.

“Wala ba kayong taste sa kulay ng gate? Ang pangit nang kulay at nakakairita pa,”

“Po? Eh, sir Michael. Kayo po kase ang nag-sabi ng gan‘yang kulay ang ilagay namin at isa pa po nung isang araw n‘yo pa po pinapalitan saamin ng kulay black kaya po pininturahan namin ng itim Sir.” Paliwanag nito na pinagtaka ko.

Totoo ako ba nag-utos na itim-an ang gate?

“Mang Samuel, gusto ko po kase ng kulay orange.” Hirit ko rito.

“S-Sige po Sir Michael papalitan po namin ngayong araw.” Sagot nito bago yumuko ng kaunti at umalis.

Agad akong umalis at pumasok muli sa loob nang bahay ng may bigla akong napansin.

“Manang Ida!”

“Yes, sir Michael?”

Lumingon ako sa dereksyon nito ng pumasok ito sa living area kung nasaan ako.

“Paki palitan po ang mga kurtina ng bulaklakin sana iyong design ang pangit ho kase ng red.” Paliwanag ko habang sa mga kurtina ang tingin.

“Ho? Pero sir Michael, ka-gabi n‘yo lang po pinapalitan saamin iyan,”

“Ka-gabi?” Tanong ko rito at nilingon ito.

Tumango ito sa itinanong ko sa kan‘ya.

“Ganoon ba,” saad ko sa malungkot na boses dahilan upang mataranta ito.

“N-Naku, sir. Ngayon rin ay papalitan namin para sa‘yo.” Sagot nito na ikinaliwanag ng mata ko.

Agad itong nag-mamadaling lumabas nang living area.

Pumanhik naman ako sa second floor para pumunta sa aking kuwarto dahil nakaramdam ako ng antok.

Siguro ay matutulog muna ako.

Nang makalabas naman si Calvin sa kusina at dinning area ay napansin niya na parang abala ang lahat sa living area kaya agad nitong tinungo iyon.

Sa pag-pasok nito ay agad itong nabigla at nataranta sa kan‘yang nakita.

“Ate Helen, bakit n‘yo po pinapalitan ang mga kurtina? Ba ka mag-alburuto naman ang kuya kung ang kurtinang iyan ang ipapalit n‘yo?”

“Naku, iho. Ang kuya mo ang nag-utos na palitan.”

Napalingon ang binata sa nag-salita na ng galing sa kan‘yang likuran at nang makita nito na si Manang Ida ito at mag dala ring kurtina.

“Po?!”

Tumango na lamang ang matanda sa binata at iniwan ito para gawin ang trabaho nila.

Napabuntong hininga ang binata at lumingon sa dereksyon ng hagdan.

Dumiretso naman si Calvin sa main door ngunit sa pag-bukas nito ay na alarma ito dahil sa kan‘yang nakita.

Agad nag-tatatakbo ang binata sa dereksyon ng gate kung saan ay nakikita nitong pinipinturahan ng kulay orange ang kulay itim na gate nila.

“Mang Samuel, Mang Joseph!” Sigaw ng binata dahil upang mapalingon ang dalawang matandang kasambahay nila.

Nang makalapit ay agad nitong pinigilan ng dalawa.

“Bakit n‘yo po pinapalitan ang kulay na iyan ba ka po magalit ang Kuya?”

“A-Ah, sir Calvin. Si Sir Michael po ang nag-utos na palitan po ang kulay nitong gate sa akin.

Napanganga naman ang binata sa nalaman nito.

“Gano’n po ba,”

Iniwan na lamang nito ang mga iyon at bumalik sa loob nang bahay at puntahan ang kapatid.

Nang makarating ito sa harap nang pinto ng silid nang kapatid ay kumatok ito ngunit walang sumagot kaya pumasok na lamang ito.

Doon niya nakitang mahimbing ang tulog nito kaya napailing ito at tipid na ngumiti.

“Gan‘yan siguro nagagawa ng buntis.” Saad nito at maingat na isinara ang pinto bago nito nilisan ang lugar na iyon.

Nandirito kaming lahat sa harap nang hapag-kainan at masayang nag-sasalo-salo.

“Michael, nabalitaan namin na pinapalitan mo sa lahat ang kurtina at kulay ng gate?” Tanong ni Mommy na ikinahinto ko.

“Yup. Nakakairita po kase yung kulay kaya pinapalitan ko.” Sagot ko at sumubo ng pag-kain.

Tatango-tango na lamang sila sa sinabi ko.

“Kuya, may pag-salubong sina Mommy at Tito. Heto longhadog ‘di ba favor—” Hindi ko na lang pinatapos si Calvin sa pag-sasalita.

“Tsk! Ayoko!” Tumayo ako para lumabas ngunit napahinto ako ng mag-salita ang Mommy.

“Michael, anak. Hindi ba ito ang paborito mo? Lalo na ‘t ito ang pinabibili mo kay David noon?”

Nag-pantig ang tenga ko sa binanggit nitong pangalan kaya hinarap ko sila.

“Puwede ba! ‘Wag na ‘wag n‘yo ng sasabihin kahit kailan ang pangalan n‘ya! Naiinis ako!”

Tumayo bigla si Mommy at nilapitan ako bago mag-salita. “Okay, okay. Calm down son. Hindi na namin siya babanggitin kung iyan ang gusto mo.”

Agad akong tumalikod at lumabas nang dinning area para makabalik sa aking kuwarto.

Hinawakan ko na lang ang tiyan ko ng makahiga ako sa akin kama.

“Ayaw mo rin sa kan‘ya?” Tanong ko habang hinihimas ang tiyan at napangiti.

Kasabay noon ang pag-bigat nang talukap nang aking mga mata kasabay noon ang pag-dilim nang paligid.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon