Chapter 21: Surprise!

37 3 0
                                    

Calvin POV

     Kasama ko ngayon si Christian na pumunta sa SSG Office dahil sinabihan ako kahapon ni kuya na may ibibigay ito sa akin.

Nang makarating ay agad akong kumatok na agad naman n‘ya kaming pinapasok.

“Have a sit,” aniya nito saamin.

Agad naman kaming umupo bago ako mag-salita. “Ano ba yung ibibigay mo sa‘kin?”

“Here,” saad nito bago ibigay ang isang parihabang puting envelope sa akin.

Kahit nag-tataka ay kinuha ko na lang ito bago buksan.

Nang mabuksan ko na ay agad kong kinuha ang papel na nasa loob nito bago basahin.

Ang kaninang nag-tataka at naka-kunot noo kong mukha ay napalitan ng pag-kagulat dahil sa aking nabasa at mabilis na tiningnan si kuya.

“S-Seryoso ka d-dito?” Hindi makapaniwala kong tanong dito.

“Ayaw mo ba? Puwede ko namang bawiin?” Sunod-sunod nitong tanong sa‘kin.

Mabilis pa sa alas kuwatro akong umiling bago niyakap ito.

“Thank you, kuya!”

Niyakap naman ako nito pa balik at kinausap rin si Christian.

Nag-tataka siguro kayo kung ano iyong nakasulat sa papel.

Tungkol iyon sa pag-babalik ko sa GHU kasama si Christian dahil pumayag rin itong mag-pa-transfer.

Ilang taon rin akong nanatili sa LHSA kaya kahit papaano ay nalulungkot rin dahil parang pangatlong tahanan ko na rin at lalong ma-mi-miss ko ang Section Hope na naging pangalawang mga kaibigan ko rin.

Excited na rin akong makita sina Kaleah tagal ko ring hindi na nakakausap ang tatlong iyon dahil sa daming gawain sa eskwelahan.

Siguro‘y su-supresahin ko na lang ang mga iyon.

“Mukhang excited ka sa pag-lipat natin.” Biglaang sabi ni Christian upang lingunin ko ito.

Matamis akong ngumiti rito bago sumagot. “S‘yempre naman, na miss ko rin naman ang lugar na iyon.”

“Sabagay. Pero, nga pala hindi mo ba sasabihin kina Ian na babalik ka na sa GHU?”

Marahan akong umiling bago mag-salita. “No. Gusto ko silang i-surprise, ako nga isinurprise ni kuya dapat sila rin.”

“Sabagay,”

Masaya kaming nag-ku-kwentuhan habang pa balik nang aming classroom.

This is my last day here in LHSA kaya dapat sulitin na kahit may halong lungkot at excitement.

See you soon again, GHU!

At s‘yempre see you soon sainyong tatlo mag-kikita na naman ulit tayo.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon