(2 days later)
Michael POV
Nag-lalakad ako dito sa labas ng palasyo habang binabati naman ako ng ibang dama at guwardiya na nakakasalubong ko o kaya ay nag-ta-trabaho ng mapadpad ako sa garden kung saan may malaking fountain doon ng mahagip ko ang dalawang taong nag-uusap doon ay huminto ako bago sinigurado kung sino ang mga iyon.
Doon ko nakita sina David at yung Keylee na masayang nag-uusap habang nag-tatawanan.
Ngunit lalo atang piniga ang puso ko ng mapansin ang hindi kalakihang tiyan ni Keylee habang ang kamay ni David ay naroon at maingat na hinihimas iyon.
Agad akong napaigtad sa gulat nang mag-tagpo ang aming paningin ni David at doon rumihistro ang gulat sa mga mata nito ng makita ako.
Agad itong tumayo sa pag-kakaupo sa gilid nang fountain ng nilingon rin ako ni Keylee na halata rin na nabigla ito.
Nang mapansin kong gumalaw ang paa ni David at may balak akong puntahan sa kinaroonan ko ay agad akong tumalikod bago gumawa ng malalaking hakbang paalis sa lugar na ‘yon.
Ilang minuto ay pansin kong nakalayo na ako sa garden lalo na sa mga ito ay agad kong hinawakan ang aking kaliwang dibdib kung na saan ang aking puso.
Hindi ko namalayan na lumalandas na pala ang aking mga luha kasabay ng nararamdamang sakit at selos dahil sa nakita ko.
Tangina naman oh, bakit ko ba nararamdaman ito? Nakalimutan mo atang walang kayo, Michael, anang isip ko bago na upo sa isang tabi.
“Kuya?”
Nang marinig ko ang boses ni Calvin ay mabilis kong pinahid ang mga luhang tumakas sa‘king mata bago ito hinarap nang nakangiti.
“C-Calvin, kanina ka pa?” Ani ko at ngumiti para hindi nito mahalata ang nang-yari.
“Hindi naman.”
“Buti naman kung gano’n.” Bulong ko habang sa ibang direksyon nakatingin.
“Huh? May sinasabi ka kuya?”
Mabilis kong nilingon ang kapatid ko bago mag-salita. “Huh? A-Ah! Sabi ko ano ang ginagawa mo rito?”
Kunot noo itong tumingin sa‘kin. “Eh? Dito ako nakatira kuya.”
“I mean, ‘di ba kausap mo raw si Zayden dahil dumating ito kanina.” Ani ko na ikinatango nito.
“Hmm, oo. Kaya lang ka-aalis lang so pabalik na sana ako ng makita kita rito.”
Tatango-tango naman akong sumagot rito.
“Hindi mo ba nakita si Kuya David? Ikaw ang ipinunta dito kaso sabi namin tulog ka pa at sabi n‘ya hihintayin na lang daw n‘ya ikaw, nag-kita na ba kayo?” Sunod-sunod nitong tanong sa‘kin.
“Iba naman ata ang pinuntahan..” Bulong ko.
“Ano ‘yon kuya?”
“Ah! W-Wala, wala naman. Sabi ko nakapag-usap na kami.” Pag-dadahilan ko.
“Ah, gano’n ba—” Naputol iyon ng may mag-salita.
“Michael,”
Napalingon kaming dalawa ni Calvin sa likod at doon ko nakita si David na ikinatayo ko sa kinauupuan ko kanina pa.
“Kuya David kayo po pala.”
“Maaari ba tayong mag-usap?” Tanong ni David na nakatingin sa akin ng seryoso.
“Akala ko po ba nakapag-usap na ka—” Pinutol ko ang sasabihin ng kapatid ko.
“Naku! Nakalimutan ko pala na may ipinag-uutos pala ang Mommy sa‘kin. Sa susunod na lang huh? Sige, bye!” Ani ko bago nag-mamadaling umalis sa lugar na iyon at iwan ang dalawa doon.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...