Michael POV
Miyerkules ngayon at hanggang ngayon ay tengga parin kami ni Calvin rito sa bahay dahil bakasyon parin ng mga estudyante pero feeling ko nabubulok na ako rito sa bahay, dati kase kapag sumasapit ang bakasyon ay palaging nasa labas ako kasama sila—
Teka lang? Bakit ba iniisip ko ang mga iyon? Wala na nga dapat akong pake alam sa kanila kung umalis ang mga iyon at sana rin ‘wag na silang bumalik at ba ka masapak ko pa ang mga iyon. Tsk!
Nandirito ako ngayon sa living area habang prenteng nakaupo habang nakasandal sa sandalan nitong couch at ang ulo ay nakatingala kaya kita ko ang kisame nitong living area.
Bumalik sa alaala ko ang mga nang-yari kahapon lalo na ang kuwento ni Mommy sa buhay pag-ibig nito.
Minsan kaya hinanap rin ni Daddy ang Mommy o kaya alam rin ba nito na may anak silang dalawa?
Aaminin kong nag-karoon ako ng konting galit kay Dad sa ginawa nito kay Mommy pero sabi nga bago tayo magalit sa isang tao ay alamin muna natin ang kanilang eksplanasyon bago tayo mag-tanim nang galit sa isang tao katulad lang iyan sa libro hanggat hindi pa natin alam ang point of view nang isang tao o karakter ay h‘wag muna natin silang husgahan..
“Kung nakakapag-salita lang iyang unang hawak mo ay kanina pa niya sinabing nasasaktan siya.”
Wala sa oras akong napalingon sa boses nang nag-salita.
Calvin..?
Doon ko lang napansin na ang higpit na pala ng hawak ko sa unang nasa hita ko iyon nakapatong at kung hindi ko pa ito tigilan ay ba ka masira na ito.
‘Tsaka ko lang napansin na may pag-kain itong dala at tumabi ng upo at pag-katapos ay inalok ako.
“Gusto mo?”
Kumuha na lang ako ng isang buong cookies na nakalagay sa maliit na mangkok habang siya naman ay inaabala ang sarili sa pag-bukas nang TV.
“Nag groceries sina Mommy at Tito Gab.” Saad nito ng makaupo sa tabi ko.
Ngayon ko lang napansin na tahimik pala ang buong bahay wala ang mga kasambahay namin dahil day off nila.
Ang pag-kakaalam ko tuwing Sunday ang day off nang mga iyon o ba ka nag-bago? Sa bagay lagi naman kaming wala rito noon dahil laging may pasok.
“Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao na nakatutok tayo ngayon sa isa na namang hindi maipaliwanag na pang-yayari. Ngayon-ngayon lang po dito sa kahabaan ng Edsa ay may natagpuang bangkay ng isang lalaki at hindi pa matukoy ang pag-kakakilanlan ng biktima. Kung makikita n‘yo ay parang tinusok nang matulis na dalawang bagay ang leeg nito at may kalmot sa dibdib. Marami rin akong naka-usap at ang sabi ng iilan ay ba ka kagat nang ahas dahil sa leeg nito habang kalmot naman ng aso ang nasa dibdib ngunit ang iba ay sabi aswang habang ang iba naman ay bampira at lobo. Iyan muna ang update mula rito sa TV News.”
Nag katinginan kaming mag-kapatid dahil doon.
“Grabe naman atang pag-patay iyon?” Puna ni Calvin.
“Wala tayong magagawa kung gano’n ang sinapit niya.”
Mabilis kaming napalingon sa nag-salita na nakatingin lang sa TV.
“Tito Gab, nandiyan na po pala kayo.” Ani ni Calvin na nginitian lamang nito bago kami iwan.
Sinundan naman ito ni Calvin kaya ako lang ang naiwan rito.
Pinatay ko na lang ang TV dahil puro ganoon ang topic nang iilang reporters sa iba ‘t ibang istasyon ng balita.
Napag pasyahan kong pumunta na lang sa kusina dahil rinig ko ang mga boses nila.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...