Chapter 14: Hospital (Part 1)

43 3 0
                                    

Calvin POV

      Nasa loob kaming apat sa kotse habang patungong hospital para isugod ang kuya dahil bigla na lang itong nawala ng malay habang ramdam kong ang bilis nang takbo nitong sasakyan.

Maya-maya lang tanaw na ang logo ng hospital ay mas binilisan pa ni Tito Gab ang pag-mamaneho.

Nang makaparada ay mabilis na bumaba sa driver seat si tito at binuksan ang back seat kung saan kami ni kuya at binuhat ito habang ako nama ‘y nakasunod lang sa kanila.

Agad dinala si kuya sa emergency room kami namang tatlo ay nandirito sa labas nang E.R.

Doon ko nakita si Mommy na lumuluha habang si Tito Gab ay pinapakalma si Mommy. Ako? Heto at parang maiiyak na rin dahil sa nang-yari.

Mag- kakalahating oras na kaming nandirito ngunit kahit isa sa loob nang E.R ay wala paring lumalabas.

Nasa gano’n kaming lagay ay siya namang pag-labas nang lalaking doctor na sa tingin ko ‘y ka-edad lang nina Mommy at Tito.

Agad kaming napatayo saaming kinauupuan ng bumukas ang pinto kung na saan si Kuya Michael.

“Doc. kamusta ang anak ko? He's okay, right?” Sunod-sunod na tanong ni Mommy ng makalapit kami sa kinaroroonan ng doctor na tumingin kay Kuya.

Ngumiti ito saamin bago mag-salita. “Mrs. don't worry they're okay.”

Napakunot noo ako sa sinabi nito saamin.

Okay? Okay lang sila? Eh, isa lang naman si kuya—

“Whag do you mean na okay sila? At isa pa, isa lang isinugod namin dito?” Tito Gab commented.

“Dideretsohin ko na kayo. Your son is not a normal male, he have a two organs at maaari or kaya n‘yang mag-buntis o mag-dalang tao. Normal lang rin na mag-suka o biglaang mawalan ng malay ang isang taong buntis o nag-dadalang tao. Sa cases naman niya o ng mga taong ganito ay delikado rin sa kanila ang ma-i-stress ba ka makunan pa.”

Napatulala kami dahil sa sinabi nito.

S-Si kuya b-buntis...

Nandirito na kaming tatlo sa loob nang kuwarto nito at hinihintay na magising ito.

Michael POV

      Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at puting kisame ang bumungad sa akin.

Teka? Na saan ako?

Agad kong hinawakan ang aking ulo.

“Michael! Kuya!”

Napalingon ako ng lumapit sila sa akin.

“Asaan ako?” Tanong ko sa mga ito habang iniisip ang mga nang-yari kanina.

“Nasa hospital, anak.” Mommy said.

Taka naman akong tumingin sa kanila.

“Bakit ako nandito?” Tanong ko habang dahan-dahan akong bumangon ng pigilan ako ni Tito Gab na siyang ikinahinto ko.

Pansin kong nag-tinginan silang tatlo upang hintayin ang sagot nila.

“A-Anak. Nawalan ka kase ng malay kanina kaya ka namin isinugod rito,” si Mommy iyon.

“And? Ano sabi ng doctor? May sakit raw ba ako? Malala na daw ba?” Sunod-sunod kong tanong na ikinailing nila.

“Michael, your pregnant.” Tito Gab said na ikinahinto ng buong sistema ko.

“Me? What?”

Tiningnan ko agad si Mommy na nag-aalala sa akin.

Agad akong humalakhak nang tawa na sila namang nabigla.

“Tito, nice joke.” Sagot ko habang nakangiti.

“K-Kuya hindi k-kami nag-bibiro,” sabi ni Calvin na ikinawala ng ngiti ko habang ito ay nakayuko sa harap ko.

“P-Paano? I-I'm pregnant? But I'm a boy, mom!” Sigaw ko na agad rin nila akong pinakalma.

“Michael, calm down.” Si Tito.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa ang isang lalaki sa tingin ko ‘y ito ng doctor na tumingin sa akin.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Tanong nito.

Tumango na lang ako na siya namang tipid na ngumiti sa akin.

“Kung gano‘n, this is the list na dapat mong inumin at para sa baby mo. Nasabi ko na rin sa parents mo ang mga bawal mong gawin dahil napakaselan ng pag-dadalang tao ng mga katulad n‘yo.” Pag-katapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito.

Ako heto at hindi parin makapaniwala sa nang-yayari at sa katotohanang buntis ako?!

Nandirito na kami sa bahay at nasa living area naman ako kaharap sina Mom at Tito habang katabi ko naman si Calvin.

Nakayuko lang ako at hindi kayang tingnan ang aking ina dahil sa nararamdamang hiya.

Ramdam kong nanunubig na ang gilid nang aking mga mata.

“M-Mom... s-sorry po. Sorry p-po.” Ani ko at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha.

Naramdaman kong niyakap ako nito upang lalong doon na ako lumuha.

Bakit napaka iyakin ko naman ata ngayon dati hindi naman.

“Sshh! Stop crying, son. Hindi makakabuti iyan lalo na sa baby mo.” Pag-papatahan nito.

Lumayo ako ng kaunti at pinunasan ang aking mga luha na nasa mukha ko.

“Maaari ba naming makilala ang tatay niyan?” Tanong ni Tito Gab sa‘kin.

Kahit hindi s‘ya ang aming tunay na ama ay nag-paka ama ito saamin ni Calvin.

Umiling ako bago mag-salita. “Hindi na po kailangan Tito Gab. Wala na rin naman siya.”

Nakita kong nag-taka ito sa naging sagot ko.

“What do you mean by wala na—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mommy.

“Iniwan na naman n‘ya ako, mom. Umuwi na siya sa tunay niyang mundo. S-Si David, siya ang ama nito.”

Doon ko napansin na nagulat sila.

“K-Kuya. Si Kuya David ang ama niyan!” Sigaw ni Calvin at napatayo pa sa kinauupuan niya.

“At isa pa. Wala na akong pake alam sa kan‘ya. Kaya kong palakihin mag-isa ang baby ko ng wala siya!” Saad ko at umalis dahil bigla na lang nag-init ang dugo sa taong iyon.

Agad akong tumaas sa second floor para makarating sa kuwarto ko at makapag-pahinga dahil feeling ko ‘y napagod ako.

Nang makaalis si Michael sa living area ay nag-tinginan sina Gabriell at Gabriella ng marinig iyon sa bintana habang si Calvin ay sinundan na lamang ng tingin ang kapatid.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon