Chapter 17: Moodswing (Part 2)

43 3 0
                                    

Calvin POV

     Miyerkules ngayon at buti na lang ay wala kaming pasok dahil may seminar daw ang mga teacher namin.

Pag-baba ko ng hagdan mula sa second floor papunta rito sa ground floor ay agad akong dumiretso sa living area.

Sa pag-pasok ko ‘y nakita ko si kuya na pinatay ang TV at  nakakunot noo pa ito kaya lumapit ako sa puwesto nito na siya namang nilingon ako at gano’n parin ang itsura.

Umupo ako sa tabi nito bago mag-salita. “What‘s wrong at parang badmood ka?”

“Paanong hindi ako maiinis eh, pinaiyak nila si Spongebob.”

Dahil sa sinabi niyang iyon ay muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.

Langya! Ganito ba nagagawa ng pag-bubuntis?!

Wait? Spongebob? Hindi naman nanunuod ang kuya no’n dahil pambata lang daw ang panuorin na ‘yon.

“Seriously, kuya Michael?! Naaasar ka dahil lang pinaiyak nila si Spongebob?” Tanong ko rito.

Nagulat pa ako dahil narinig kong humikbi pa siya indikasyon na umiiyak ito.

Gosh!

“Nag... Nag-k-ka-mali lang naman s-siya sa pag-bibigay ng o-order t-tapos pinagalitan pa s‘ya a-at t-tinanggal sa t-trabaho...” Paliwanag nito at tuluyan ng lumuha.

Napa facepalm na lang ako dahil sa sinabi nito.

“K-Kung alam k-ko lang a-ang c-cellphone number ni Spongebob a-ay tatawagan ko s-s‘ya para sa kompanya na lang ni Tito Gab siya m-mag-trabaho..”

Hinilot ko ang sintido ko dahil sa nang-yayari ngayon.

Tumayo ito sa pag-kakaupo sa couch at agad rin naman itong nag-salita.

“Kukuha lang ako ng pag-kain.” Pag-papaalam nito bago lumabas nang living area.

Sinundan ko na lang ito ng tingin at  iiling-iling ko na lang itong pinag-masdan habang paalis ito.

Kinuha ko na lang ang remote ng TV para manuod.

Ano kaya ang puwedeng mapanuod, hmm?

Agad nag-pop up ang gusto kong panoorin na ghost fighter buti na lang at sakto ako dahil mag-sisimula palang.

Dumating si kuya at may dalang pag-kain bago tumabi sa akin.

Napaayos ako ng upo ng maalala ko na ang mag-lalaban pala sa araw na ito ay si Eugene at Taguro.

Habang nag-p-play ay tutok na tutok talaga ako at walang kurap-kurap.

“Sige! Ayan! Suntukin mo lang, Eugene! ‘Wag kang mag-papatalo!” Saad ko at parang nandoon rin ako sa eksena ng laban nila.

“Ano ba ‘yan! Lumaban ka naman Taguro!” Sigaw ko pa at ‘di ko namalayan na nakatayo na ako.

“Teka nga lang?! Kanino ka ba talaga kampi sa bida o sa kalaban?” Tanong ni kuya na halatang naiinis na kaya na paisip rin ako kung kanino ba talaga kakampi.

Awkward akong tumawa bago sagutin ang tanong ni Kuya Michael.

“Sa bida syempre,”

“Ayun naman pala.” Ani nito na mag-kasalubong pa ang dalawang kilay.

Agad akong napabalik nang tingin sa screen ng TV nang inanunsyo na ang nag-wagi sa laban ay ang kopunan nina Eugene dahilan upang sabay kaming mapatayong dalawa ni kuya sa pag-kakaupo sa sofa.

“Ano nang-yari kay Taguro?!” Si kuya Michael na parang iiyak dahil sa sinabi ng hurado.

“Waaahh! Bakit natalo si Taguro!?” Ani ko naman at namumuo na ang mga luha sa aking mata ng makita ko ang sinapit nito sa laban.

“Michael! Calvin! What's wrong mga anak?” Sulpot bigla ni Mommy kasunod nito si Tito Gab at pareho silang humahangos na makarating sa living area.

“Waaahhh!! Natalo Mommy si Taguro!!” Sabay naming balita sa kanila habang lumuluha na ipinagtinginan naman nilang dalawa sa isa ‘t isa.

“Eh, bakit naman kayong dalawa umiiyak d‘yan? Hindi ba dapat masaya kayo dahil nanalo ang bida sa laban?”

Nang marinig namin iyon ni kuya ay nag-tinginan muna kami bago ibalik kina Mommy at Tito ang tingin ay handa na sanag humagulgol nang iyak ngunit agad si Mommy na nag-salita.

“Nag-bake ako ng cookies kaya tayo na don't cry my babies.”

Feeling ko ‘y nag-iba ang mood ko ng marinig ko iyon.

“Cookies!!” Sabay naming sigaw ni kuya at sabay na lumabas sa living area.

“Careful!” Sigaw na lamang ni Tito Gab saamin.

Pag-katapos nang masayang meryenda ng cookies ay nandirito ako sa kuwarto ni kuya habang ang isa ay busy sa kung ano man ang pinag-kakaabalahan nito sa kaniyang laptop ako heto at busy sa pag-scroll sa Facebook.

“Kuya,” tawag ko rito bago patayin ang cellphone ko.

“Hmm?” Ani nito ng hindi man ako nilingon.

“ ‘Di ba, hanggang bukas ay walang pasok tayo dahil seminar nang mga teacher?” Tanong ko dahilan upang lumingon na ito sa dereksyon ko.

“Ngayon?” Balik nitong tanong sa‘kin.

“Gala tayo sa bagong tayong park bukas.”

Agad itong napahinto at parang nag-isip pa.

“Okay lang naman kung may gaga—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumagot ito.

“Sige. Na-miss ko rin ang mamasyal.”

Napabangon ako sa pag-kakahiga sa kama at niyakap ito na nakaupo sa tabi ko.

“Yiee! Thank you!” Sagot ko kasabay noon ay niyakap rin ako nito pabalik.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon