Third Person POV
Isang babae ang matatagpuang naka-upo sa isang trono kung na saan napapalibutan ng pulang tela, ang hugis nang kan’yang katawan ay average ang mukha nitong v-triangle at ang labi nitong heart shape na ang kulay ay pula habang ang kilay nitong high arch na bagay sa mata nitong asian shape na may kulay silver.
Samantalang ang ilong nito ay aquiline at ang kulay ng balat nitong alabaster habang ang buhok nitong naka-waterfall at ang kulay ay cherry sa tuktok nito ay makikita ang isang korona.
Hindi rin papahuli ang kasuotan nitong mala Frederica dusty dress na kulay red rin.
Agad itong tumayo sa pag-kakaupo sa kan’yang trono.
“Dumating na ang ating pinakahihintay,” huminto ito bago tumawa ng ikinangiti ng kan’yang mga kasama na nasa bulwagan.
“Alam n‘yo ang gagawin, Davis twin sisters.” Dugtong nito sa sasabihin ng tingnan ang dalawang dalaga na mag-kamukha habang nakangisi bago mabilis na nawala sa paningin nila.
Calvin POV
Kasama ko ang Kuya lalo na ang mga bata na nandirito sa garden ng palasyo.
Nag-lalaro ang tatlo habang pinagmamasdan naming mag-kapatid ang mga ito.
“Naks naman! Puwede ba kaming maki-join?” Napalingon kaming lahat nang dumating sina Christian, Kaleah, Naomi at Ian na magaganda ang kasuotan.
“Tito Ninong, Tita Ninang!!” Sigaw ng kambal habang ang anak kong si Aiden ay nakatingin lamang sa mga bagong dating.
“Bapadalaw ata kayo?” Tanong ko sa kanila.
“Ayaw mo ba?” Balik na tanong ni Kaleah sa akin.
“Hindi naman—” Hindi ko natapos ang sasabihin ng muli itong nag-salita.
“Ang totoo niyan ang mga inaanak namin ang dinadalaw namin hindi kayo.”
Napangiwi ako dahil doon.
Napakasama kahit kailan ng babaeng ito.
“Kain,” alok ni kuya sa kanila ng lingunin naman ng mga ito ang direksyon ng Kuya Michael.
Nasa kalagitnaan kami ng masayang pag-uusap nang maputol iyon.
“Prinsipe Michael, Prinsipe Calvin!”
Napalingon kaming lahat nang may biglang sumigaw at doon namin nakilala si Ate Ivy isa sa tagasilbi sa palasyo.
Hingal na hingal itong nakarating sa puwesto naming lahat.
“Anong problema?” Takang tanong ni Kuya Michael sa kan‘ya.
“Ang Hari at Reyna pati rin po ang inyong Ina at ama kahit ang inyong Tito ay bigla na lamang pong nawawala.”
Pag-kasabi nito ay agad napatayo ang kuya bago umalis n siyang hinabol namin ngunit agad kong ibinilin kay Ate Ivy ang tatlong bata.
Nandirito kami sa harap nang trono ng aming Lolo at Lola kasama ng ibang tagasilbi at guwardiya ng palasyo na ngayon ay nakayuko at nangangamba.
“Anong nang-yayari?” Ma-awtoridad n tanong ni kuya sa mga ito.
“Prinsipe Michael, bigla na lang po kasing nag-pakita ang dalawang babae na buhat sa bayan ng Yoshuvalon sa kaharian ng Mystical Kingdom.” Si Ate Claire.
“Wala kaming magawa kanina at bigla na lang silang dinukot.” Turan ni Kuya Daniel saamin.
“Prinsipe Michael, Prinsipe Calvin ang ibang kalapit bayan kung saan matatagpuan ang iba pang kaharian ay gano‘n rin ang nang-yari.” Agarang ulat ni Ate Helen na kararating lang upang sa kan’ya mapatingin ang lahat.
“Eh, anong gagawin natin?” Si Naomi ang nag-tanong at halata sa boses nito ang pag-aalala para sa lahat.
“Ibigay sa akin ang impormasyon ng kaharian ng Mystical Kingdom.” Napatingin ang lahat nang sabihin iyon ni Kuya Michael.
Niyukuan naman kami ng lahat bago iwan.
“Kuya, anong binabalak mo?” Tanong ko at alam kong ramdam n‘ya ang pangamba sa boses ko.
Niyakap ako nito. “Sa ngayon wala pa pero gagawin ko lahat maibalik lamang sina Lolo, Lola, Mom, Dad at Tito Gab.” Wika nito sa‘kin.
Nandirito naman kami ngayon sa Library ng palasyo at may mga bundok na libro ang kaharap naming anim nang ibigay ni Kuya Daniel ang mga dapat naming malaman sa nasabing bayan at kaharian.
Upang mapaghandaan rin namin itong mabuti bago gumawa ng hakbang.
Marami rin kaming nalaman tilungkol sa kanila hindi rin Class-A: Monster ang matatagpuan mula rito meron ring Class-S at Class-E: Monster.
Napag-alaman rin namin na ang nasabing bayan ay dito makikita ang bulaklak na red spider lily.
“Nakakasakit rin pala ng ulo ang kaharian na ito.” Saad ni Christian na siyang ikinalingon namin.
“True ka d’yan, parang math problems lang.” Si Ian iyon na ikinatawa naman namin.
Talaga naman kahit dito ay ginagawa nilang laro ang isang problema, anang isip ko.
Ibinalik ko ang tingin sa mga librong nasa harap ko at binasa ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampirosStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...