Chapter 13: Morning Sickness (Part 1)

45 4 0
                                    

Michael POV

“Tok-tok-tok”

“Sir Michael, gising na raw po at ba ka ma-late daw po kayo.” Beses iyon ni Ate Helen isa sa mga kasambahay rito sa bahay ang siya palang kumakatok sa labas nang aking kuwarto.

Nakabalik na pala sila?

Kahit inaantok pa ay pinilit kong sumagot upang ipaalam na gising na ako.

“I'm awake!”

Narinig ko na lang ang bawat yapak nitong papalayo indikasyon na umalis na ito.

Pilit kong idinilat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko nitong mga nag-daang araw ay parang kakaiba ang aking nararamdaman, minsan pa nga ay gusto ko lang matulog na hindi ko naman ginagawa noon.

Kahit ayaw ng katawan kong bumangon ay pinilit ko ngunit nang sa aking pag-upo ay siya namang pag-baliktad nang aking sikmura kaya wala sa oras akong napatakbo sa Cr.

“Bruock! Bruock!”

Doon ko napansin na tanging laway lang ang isinusuka ko.

Isa pa ito sa tuwing gigising ako ganito lagi ang nang-yayari at pangatlo ko na nga ito.

Agad akong nag-mumog at ginawa ang morning routine ko ngayong umaga.

Pag-baba ko ay dumiretso agad ako sa dinning area nitong bahay.

Nang makarating ay sila namang pag-tigil sa kanilang masayang kuwentuhan.

“Mukhang ngayon ka lang na late ng gising?” Si Mommy ang unang nag-salita pag-pasok ko.

Tinungo ko ang puwesto nito at hinalikan sa kan‘yang pisngi ganoon rin kay Tito Gab bago umupo.

“Bago ‘yun, na late ka kuya.” Calvin commented.

“Napagod lang siguro kahapon dahil sa daming trabaho sa SSG Office.” Ani ko sa kanila.

“Are you sure?” Tito Gab ask na tiningnan ko naman at doon ko napansin ang mga tingin nitong mapanuri.

Tanging tango lamang ang ginawa ko at sumubo ng isang slice ng hotdog.

“ ‘Wag ka muna kayang pumasok at ba ka mapano ka pa.” Si Tito Gab parin.

“Tito, I'm okay. Kaya ko naman po at saka don't worry I can handle myself.”

Bumuntong hininga ito bago tumango.

Pag-katapos nang masayang almusal ay siya namang pag-hatid ni tito saamin sa school.

Nag hiwalay na kami ni Calvin dahil kailangan na nitong pumasok sa klase niya habang ako heto at papunta sa classroom ko rin.

Nang makarating sa room ay agad kong hinanap ang puwesto ko ng may lumapit na isa sa kaklase kong babae.

“President Michael, okay ka lang ba? Mukhang hindi ka kase okay dapat ‘di ka muna pumasok.”

“Tama siya pres!” One of my boy classmate.

Gano‘n ba talaga itsura ko?

Para hindi na rin sila mag-alala ay binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti na nag-sasabing ‘okay lang ako.”

Habang nag-di-discuss ang aming teacher ay feeling ko ‘y ang boring ngayon kaya kahit gusto kong makinig ay inaantok talaga ako kaya dumayukyok na lamang ako sa aking mesa.

Ngayon ko lang naman ito gagawin ang matulog sa loob nang klase.

Maya-maya lang ay nagising ako dahil sa may yumuyugyog sa aking balikat.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon