Naging maganda at tahimik ang bawat bayan pati na rin ang iba‘t ibang kaharian sa mundo ng Noterra.
Habang ang mundo naman ng mga tao ay maayos rin at limot na ng iba ang mga nang-yari noon.
Sa kaharian naman ng Algeria Kingdom ay kinoronahan na ang mga magulang nina Calvin at Michael nang bumaba sa puwesto ang mga magulang ni Caleb na ang dating hari at reyna na sina Mr. Dominic Langston Valeriano Velasco at Mrs. Victoria Zamorano–Velasco.
Kasabay ng koronasyon nina Gabriella at Caleb ay sinabay na rin ang kasal nang mga ito.
Ibinigay rin kina Michael at Calvin ang position ng pagiging Prinsipe sa Algeria at kinoronahan din ang mga ito.
Hindi rin nag-pahuli sa celebration ng kasal sina Timo at LJ dahil sa nalalapit na panganganak ni LJ sa kanilang magiging unang supling.
Samantalang ang mga kaibigan ni Calvin na sina Ian, Kaleah at Naomi ay nililigawan at nanligaw kina Samantha, Tristan at Jayden sa bawat bahay kaharap ang mga magulang ng mga ito.
Habang sina Dashiell, Daphne at Aiden naman ay malulusog na lumaki sa pangangalaga ng kanilang ina.
Ngunit sa mataas na bato at tanaw ang bayan ng Wavell habang kita ang kaharian ng Algeria Kingdom ay may mga pares ng sapatos na pambabae ang bigla na lamang nag-pakita.
“Mag-pakasaya lang muna kayong lahat dahil hindi pa nag-uumpisa ang totoong bangungot n‘yong lahat.” An’ya bago humalakhak.
Kasabay no’n ang pag-papakita sa likuran nito ng mga nakakatakot na halimaw na yumuko sa kan’ya bago tiningnan ang nasabing babae at ang bayan na tanaw sa puwesto nila.
“Mag-sipaghanda kayo aking mga alaga dahil muli natin silang uubosin at sa pag-kakataong iyon ako ang mag-hahari sa mundong ito.” Saad nito bago sumilay sa mapupula nitong labi ang isang ngiting nakakakilabot at hindi mo kakayaning makita man lang iyon.
Bago ito sumulyap sa napakapulang buwan sa kalangitan na nag-papahiwatig sa isang madugong simula.
Agarang nag-laho ang nasabing babae na naka-suot nang itim na balabal kasama ang iba‘t ibang nilalang sa magandang gabing iyon.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...