Michael POV
Nandito ako ngayon sa living area kasama ang kambal at si Calvin nanunuod nang TV.
Sabado ngayon kaya wala rin ang aming mga kasambahay dahil day off nang mga ito at sa lunes ang balik nang mga ito sa bahay.
Nasa kusina rin sina Mommy at Tito Gab at busy sa pag-luluto ng pag-kain.
Nasa placematt sa ibaba nakahiga ang kambal at mahimbing na natutulog habang kami namang mag-kapatid ay nanunuod nang TV.
“Michael,”
Napalingon ako ng may tumawag sa‘kin at nang makalingon ay doon ko nakita si Mommy na may hawak na plastic bag na kulay itim.
“Mom,” ani ko bago tumayo at lapitan ito.
“Puwede mo ba itong ilagay at itapon sa basurahan sa labas?” Tanong nito na s‘yang nginitian ko bago tumango.
“Kuya, tulungan na kita.” Ani ni Calvin na ikalingon namin ni Mommy.
“Calvin, ‘wag na ba ka mapano ka pa.” Turan ko.
“Tama ang kuya mo, anak.” Sabi ni Mommy.
“Kaya ko naman eh.”
Wala akong nagawa kaya heto kami sa labas at abalang nag-tatapon ng basura.
Nang matapos ay agad kaming pumasok ngunit napatigil kami sa pag-pasok sa main door nang may mag-salita.
“Velasco brothers,”
Mabilis kaming napalingon ni Calvin sa likuran at doon namin napansin ang isang lalaki habang ang kulay ng balat nito‘y parang nyebe.
“Sino ka at paano ka nakapasok?” Tanong ko dahil alam kong wala naman kaming kasunod na pumasok sa gate ni Calvin kanina.
Umukit ang ngisi bago ito mag-salita. “I'm a Class-S: Monster kung hindi kaya ng Class-A na patayin kayo edi ako ang gagawa noon!”
Nagulat ako ng bigla itong sumugod dahilan upang protektahan ko si Calvin dahil buntis ito.
“Ouch!”
Napatingin ako kay Calvin dahil dumaing ito.
“Ayos ka lang ba?” Tanong ko habang mahihimigan ang pag-aalala sa aking boses.
“Okay lang ako kuya.”
Nilingon ko iyon at nakatingin ito saaming direksiyon.
“Michael, Calvin. What happ—” Lumabas sina Mommy kasunod si Tito Gab nang mapatigil ang mga ito.
“Class-S.” Turan ni Tito Gab sa mahinang tono ngunit narinig ko parin iyon.
Humaba ang mga kuko nito bago kami sugurin ngunit kasabay nito ang pag-talsik nito bigla.
Napatingin kaming dalawa ni Calvin sa isa‘t isa at muling tumingin sa direksyon nina Mommy na gulat na gulat.
“Kuya, a-ang itsura mo...” Boses ni Calvin kaya nilingon ko ulit ito dahilan upang mabigla rin ako sa itsura ng kapatid ko.
“I-Ikaw rin,”
“Magaling! Nailabas n‘yo rin ang inyong totoong anyo.”
Muli kaming napatinging mag-kapatid sa taong iyon na nakangisi.
Agad kaming bumuwelong mag-kapatid bago sumugod dahilan upang mabigla ang kalaban saaming ginawa.
Sa isang kisap mata ay naging abo ito.
Samantalang pag-kabigla at pag-kagulat dahil sa ipinakita ng dalawang mag-kapatid ay nag-tinginan ang mag-kapatid na sina Gabriell at Gabriella dahil sa nakita.
“Hindi na sila dapat manatili sa mundong ito, Ela.” Saad ni Gabriell sa kapatid.
Tanging pag-tahimik at walang kibo lang ang ginawad ni Gabriella sa naging sinabi ng kapatid.
Nang matapos iyon ay agad naman kaming bumalik sa dati ni Calvin at lumapit kina Mommy na naka-tayo lang sa labas nang main door nang bahay.
“Mommmy, Tito Gab, okay lang po ba kayo?”
Tanong ko na sila namang pag-tingin nila saamin.
“O-Oo naman, ‘nak. Kayo ayos lang ba? Hindi ba kayo nasaktan?” Sunod-sunod nitong tanong saamin na s‘yang inilingan naming dalawa ni Calvin bago kami sabay-sabay na pumasok sa loob.
Nang-matapos ang mga nang-yari kanina ay nandito ako sa aking kuwarto at kakalabas lang ng banyo.
8:00 PM na rin ng gabi at heto abala akong nag-papatuyo ng buhok nang mapalingon ako dahil may kumaluskos sa gawi ng crib kung na saan ang kambal.
Agad akong napatayo at tiningnan ang loob nang mga ito.
Doon ako nabigla ng gising ang mga ito at inosenteng nakatingin sa‘kin.
Hindi ko alam pero ang saya ko dahil sa‘king nasaksihan ngunit agad rin ko iyong naiwaksi ng pag-masdan ang dalawa dahil ka-mukha ni Dash ang lalaking iyon at si Daph naman ay female version nito tanging ang kulay lang talaga ng balat ko ang namana ng mga ito.
Napanguso naman ako dahil sa aking napag-tanto na ‘wala akong maitatago sa sira ulong iyon.’
Teka?
Bakit nga ba ako nangangamba eh, hindi na rin naman kami mag-kikita ng mga iyon?
Eh, ano pa nga bang pino-problema ko ngayon?
“Tama, tama. Michael, ‘wag mong problemahin ang hindi naman mang-yayari.” Ani ko sa sarili ko.
“Giggle!!”
Nawala ang iniisip ko ng marinig kong biglang humagikgik nang tawa ang kambal kaya naman ay maingat ko itong binuhat sa dalawa kong mga bisig.
“Ano ang tinatawa ng mga baby ko?” Tanong ko sa mga ito bago maingat na inilapag sa kama ko at hinarangan ng mga unan sa mag-kabilang gilid nila.
Inosente akong tiningnan ng mga ito ng may maalala.
“Ow! Gusto n‘yo ng dede? Sige gagawa ako.”
Tatayo na sana ako para pumunta sa drawer kung na saan ang mga bote nila at gatas nang umiyak na lamang ang mga ito.
“Teka lang, heto na ang dede.” Saad ko at mabilis na dinampot sa drawer kung saan nakapatong ang bote ng kambal bago ko ito ibigay sa kanila.
Ngunit nabigla ako ng sabay nilang ibinalibag sa ibang bahagi ng kama ang mga bote na may lamang gatas at pumalahaw ng iyak.
Dahil sa taranta ko ay sabay ko silang binuhat nang magulat akong sabay nilang inililis ang damit ko at doon sumuso na ikinatigil rin ng dalawa sa pag-iyak.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa inasta ng mga anak ko.
Sumandal ako sa headboard nang kama habang ang kambal nakapatong sa aking dibdib.
Pinagmasdan ko na lamang ang mga ito ng maramdaman kong bumibigat na ang talukap nang aking mata bago ako lamunin ng dilim.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...