Ian POV
Araw ng Miyerkules ngayon at hinihintay namin ang aming adviser na si Sir John, ito rin kasi ang science teacher namin ngayong araw.
Marami na ring nag-bago simula ng mawala ang mag-kakapatid na Galvez pati na ang mga kaibigan rin na ipinagtaka namin.
Walang nakakaalam kung na saan na nga ba ang mga ito at bigla na lang nag-laho na parang bula.
At isa pang nakakapag-taka ay hindi na rin nag-papakita ang misteryosong lalaki saamin na ipinag-pasalamat na lang rin namin.
Nabalik ako sa reyalidad nang bigla na lang bumukas ang pinto ng aming classroom at doon iniluwa ang taong kanina pa namin hinihintay.
“Good morning Section A!” Pag-bati nito saamin ng nakangiti.
Sabay-sabay namang tumayo ang lahat bago nag-salita. “Good morning din po Sir John!!”
Sinenyasan naman kami nito na umupo na ginawa rin namin bago ito nag-salita.
“You have a new classmates kaya sana ay maging mabait kayo sa kanila.”
Nabigla naman kami ng sabihin iyon ni sir saamin.
Seryoso may bago kaming kaklase?
Nag-tinginan naman kaming tatlo nina Kaleah at Naomi dahil doon.
“Sir, ilan po sila!?”
“Sana chicks,”
Iilan lang iyan sa mga sigawan at naririnig ko ngayon sa buong silid.
“Section A, tahimik nasa labas lang sila.”
Naging tahimik ang lahat dahil sa naging sagot nang aming guro bago kami talikuran at buksan ang pinto.
“Pumasok na kayo,” anyaya ni Sir sa kung sinong nasa labas nang aming room.
Ngunit nabigla ata kaming lahat nang pumasok ang dalawang estudyante sa loob nang aming room.
Christian, Calvin!? Anang isip ko.
“Can you please, introduce yourself to us?” Si Sir John.
“Hi! I'm Christian Marquis Pascua Ramos. Masaya akong makilala kayo.” Ani ko at matamis na ngumiti saaming lahat.
“Hello, I'm Calvin Clarence Alvarez Velasco. It's nice to meet you again.” Nakangiting turan ni Calvin.
“Maligayang pag-babalik, Calvin. And welcome to GHU, Christian.” Saad ni Sir John sa dalawang taong nasa harap nang aming klase ngayon.
Agad pinaupo ni sir ang dalawa. Si Calvin ay muling bumalik sa dati nitong upuan at katabi ni Kaleah habang si Christian naman ay sa likod naman ng mga ito siya umupo.
“Okay, class. Let's proceed to our lesson.” Saad ni sir saamin bago ito mag-simulang mag-disscus sa harap nang klase.
Calvin POV
“Kringg! Kringgg!”
Naihinto ni sir ang pag-sasalita ng biglang tumunog ang bell hudyat na tapos na ang klase ngayong umaga at lunch break na namin ngayon.
“See you tomorrow, section A. Goodbye!” Wika nito bago lumabas nang room.
“Waahh! Calvin, na-miss ka namin!” Si Kaleah na bigla na lang akong niyakap.
Nag-tungo kaming lima sa cafeteria upang kumain.
Nang makahanap nang mauupuan ay agad nag-order si Ian kasama si Kaleah habang ako, si Naomi at Christian ay naiwan rito sa table at hinihintay ang dalawa.
Agad rin namang nakabalik ang dalawa at may dalawang tray na may lamang pag-kain.
Masaya naming pinag-saluhan iyon at nag-kuwetuhan.
Masaya nga rin sila ng malaman na ang Kuya Michael ang gumawa ng paraan para makabalik ako sa GHU.
Ngunit nagulat at hindi makapaniwala naman ang tatlo ng sabihin ko ang kalagayan namin ni kuya.
At isa pa sila pa nga ang nag-prisinta na sila rin ang magiging ninang at ninong ng aming anak.
Kahit nakalabas ay napakaingay parin namin sa hallway dahil sa mga kuwento at chismis nang apat.
Napangiti ako sa loob-loob ko dahil hindi parin talaga nag-babago ang mga ito buhat nang iwan ko sila rito.
Hindi ako makapaniwala na nandirito ulit ako sa paaralang ito at hindi ako mag-sasawang mag-pasalamat kay Kuya Michael dahil sa naging surpresa nito sa‘kin.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampirosStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...