Calvin POV
Martes ngayon at abala ang lahat sa pag aayos para sa intrams na magaganap bukas.
Married Booth ang napunta saamin kaya heto at todo ang pag aayos namin pero itong katabi kong si Christian nag i+-imagine na siya ang ikakasal dahil hawak pa nito ang boquei ng bulaklak na hindi totoo at ang belo ayun nasa ulo nito.
May kumalabit sa‘kin na nilingon ko at doon ko nakita ang isa sa mga kaklase kong babae.
“Calvin, anong nang-yayari kay Chris?”
“Ah, ‘yan ba? Wala ‘yan. Nag i-imagine siyang ikinakasal sa crush n‘ya.” Sagot ko rito.
“Sa Kuya mo?” Tanong naman ng kasama nitong babae na kaklase ko rin.
Alam kase ng buong klase kung sinong crush nito habang kami tahimik lang.
Tumango na lang ako rito at sinabi nilang mamayang hapon na nila kukunin ang mga hawak ni Christian.
Nilingon ko naman itong katabi ko at mukhang nasa ‘kiss the bride’ na ang isang ito dahil nakapikit na ito habang ang labi ay humahaba na.
Iiling-iling na lang ako at pumalakpak upang kahit doon lang ay masuportahan ko siya.
Mukhang nakabalik na ata ito sa reyalidad.
“Congratulations!” Masayang sagot ko rito.
Ngumiti ito ng matamis bago ito nag salita.
“Thank you!”
‘Di ba? Tama ako. Bakit kasi ayaw na lang umamin ng isang ito.
“Calvin,”
Napalingon kami ni Christian sa boses na tumawag sa pangalan ko at nang makita kong si kuya Michael pala ito.
Pumasok ang limang SSG Officer sa room nabalitaan kong nag lilibot sila para tingnan kung may mga kulang pa ba sa mga gagamitin ng bawat room kung saan ang mga nakatokang booths.
“May mga kailangan pa ba kayo?” Tanong ni kuya Michael saamin.
“Wala na po, President Michael.” Isa sa mga kaklase at officer nang aming klase ang sumagot.
“Tulungan na lang namin kayo wala rin kaming gagawin. ‘Di ba?” Ani ni kuya at nilingon ang mga kasamahan nito na tinanguan lamang siya.
Habang nag aayos ay siniko ako ni Christian na nilingon ko.
“Bakit?” Tanong ko rito.
“Pansinin mo si Vice David ba ka malusaw ang kuya mo niyan.”
Pansin ko ngang nakatingin si kuya David sa kapatid ko ngunit kakaiba iyon ng may maisip akong kalokohan.
Kina-usap ko ang mga kaklase ko sa pinakadulong bahagi nitong room ang lahat ay pumayag sa gagawin at magaganap iyon bukas.
Wala na rin daw iyon kay Christian dahil noon pa raw ay ganoon na ito sa kapatid ko noong nasa GHU pa raw ako kaya ako ay heto kinikilig sa‘king mga nalaman.
“Kuya,”
Tumingin naman ang kuya sa‘kin at ang apat nitong kaibigan niya.
“What—”
Hindi nito na ituloy ang kung anomang sasabihin nito ng ipatong ko ang koronang bulaklak na may belo sa ulo nito.
“Kuya ang ganda mong bride.”
Palihim kong sinulyapan si kuya David na tumingin rito.
“Hoy, Calvin. Tantanan mo ako. Alam kong may hihingin ka, sabihin mo na at ‘wag mo akong idaan sa mga pagan‘yan mo.” Saad nito at tinaasan ako ng isang kilay.
“At syempre bagay kung si kmjgbm.” Nabigla ako ng agaran nitong tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa labas nang room habang yung iba ay nabigla ata.
Nang makalabas ay binitiwan ako nito at habol hininga naman ako.
Langya naman mukhang papatayin ako ni Kuya.
“Napakaingay mo.”
“Ayaw pa kasing umamin. Ikaw rin, ba ka maunahan ka pa. Sige ka.”
“Hindi ko pa alam kung siya talaga iyon.” Ani ni kuya sa malungkot nitong boses.
“Don't worry, kuya. Nagawa ko na gusto mo at bukas iyon magaganap.” Sagot ko ng tumingin ito sa‘kin.
“ ‘Wag na kaya?”
Tingnan mo itong isang ‘to parang sira lang.
“Sorry ka naipadala na sa locker yung invitation.”
“Michael,”
Napalingon kami ng may tumawag kay kuya ang mga kaibigan lang naman niya ang mga iyon.
“Ayos na sila. Tara na?” Si Kuya Timo iyon.
Tumango naman si kuya at sumulyap sa‘kin na tinanguan ko na lamang pag katapos ay tinanaw silang papalayo.
Nilingon ko ang sarili sa bintana at kita ang repleksyon ko roon para makita ko mula ang mga mata kong nag palit nang kulay mula sa itim naging pula iyon na ikinapikit ko na lang ng mariin.
Muli kong idinilat iyon at bumalik sa dati.
Pumasok na lamang ulit ako sa loob nang aming classroom para tingnan kung meron pang dapat ayusin para hindi na kami gahol bukas.
Sana maging maganda at maayos ang intrams naming lahat lalo na ang GHU.
Kamusta na kaya yung tatlo namimiss ko na rin ang mga ‘yon, sana makabalik ulit ako roon.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...