Michael POV
Linggo ngayon at abala sina Mommy at Tito Gab sa pag-ba-bake ng cake sa kusina habang pinapanood ito ni Calvin.
Samantalang ako nandirito sa living area at naka-bukas ang TV habang kasama ang kambal na nanunuod.
Agad nawala ang paningin ko sa cellphone na hawak ko ng may maramdaman akong humihila sa panjama na suot ko ngayon kaya tiningnan ko naman iyon at doon ko nakita ang kambal na nakatingin pala sa‘kin.
Ibinaba ko ang cellphone sa aking tabi bago harapin sila.
“Ano gusto ng mga baby ko?” Tanong ko bago ko sila nginitian.
Nawala ang ngiti ko ng sinusupirtahan nila ang isa‘t isa sa pag-tayo bago hawakan ang kamay ng bawat isa.
“Mha,” ani ni Dash na ikinagulat ko.
“M-Mhe..” Si Daph naman iyon na siyang ikinahawak ko sa labi.
“Kyaahhh!!”
Napalingon ako ng may tumili at doon ko nakita sina Mommy, Calvin na sila palang sumigaw habang si Tito Gab ay hindi makapaniwalang tumingin sa puwesto ko.
Narinig ba nila?
“Gosh! Kuya, tinawag kang Mommy ng kambal!” Sigaw ni Calvin at mahihimigan ang kasiyahan sa boses nito.
Binuhat ko pakandong ang kambal at niyakap ang mga ito.
“Yes, Mommy's here.” Bulong ko habang yakap sila.
Agad din akong bumaba sa hagdan upang pumuntahan ang tatlo na nasa living area.
Nang makapasok ay agad akong tumabi sa mga ito.
“Ano pakiramdam na tinawag kang Mommy ng kambal, kuya?” Tanong ni Calvin upang ngumiti ulit ako.
“Masya pero soon ikaw naman.” Ani ko sa kapatid ko at tiningnan ang tiyan nitong bilugan.
“Excited na nga ako eh,”
“Ilang months na pala iyan, Calvin?” Tito Gab ask.
“ 7th months na rin po tito.”
“Malapit na rin pala,” si Mommy nahalatang excited ang boses.
Natigilan na lamang kami ng biglang malakas na nag-bukas ang pinto ng main door para doon kami mapatingin lahat.
Doon pumasok ang limang mga nakaitim na hoodie na siyang nakapagpatayo saaming apat.
Doon ko nakilala ang isa sa mga nakaitim na hoodie ang misteryosong lalaki.
“We met again.” Ani nito saamin.
“Ano ang kailangan n‘yo?” Tanong ni Tito Gab sa mga ito.
“Gusto ko lang ipaalam na nanganganib na rin ang mundong ito na inyong ginagalawan dahil sa mga halimaw na gustong pumaslang sa inyo. Makakaya n‘yo bang manganib ang iba kung hindi parin kayo babalik?”
Nasa harap namin sina Mommy at Tito Gab habang kaming dalawa ay nasa likuran lang nila at nag-tinginan.
Nabigla na lamang kami ng bigla na lang silang nag-laho saaming harapan.
Nandito naman ako sa aking kuwarto habang nakahiga rin ang kambal sa aking kama at mahimbing na natutulog.
Kasabay ng pag-iisip ko sa mga nang-yari kanina ay agad akong nakaramdam nang antok bago ako lamunin ng dilim.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...