Chapter 31: Family bounding

33 3 0
                                    

Calvin POV

  Araw ng Linggo ngayon at nag-kaisa kami ni kuya na mag-relax-relax muna dahil wala namang pasok sina Mommy gano’n rin si Tito Gab ay nag-set kami ngayon na mag-family bounding man lang.

“Oh, mag-ingat sa pag-baba ng kotse.” Paalala ni Mommy saamin ni kuya dahil karga namin ang aming mga anak.

Nang maka-baba ay agad kong tiningnan ang arkong may nakasulat na Amusement Park.

Dito kase namin gagawin ang pick-nik nang family.

Marami ding tao tulad nang isang pamilya, mag- kakaibigan at mga batang nag-lalaro sa iba‘t ibang palaruan na nandirito rin.

Agad nag-latag ng panapin si Mommy upang maging-upuan naming pito bago ilapag ni Tito Gab ang apat na basket na dala namin kung saan doon nakalagay ang iba‘t ibang pag-kain na dinala namin.

Agad kaming nagsiupuan bago ilabas ang mga pag-kaing dala namin.

Maingat namang ibinaba ni kuya ang kambal na nakakaupo na rin ngunit kailangan parin talagang may alalay ang mga ito.

Ang anak ko naman ito at pangko ko sa aking bisig baby pa kase kaya patulog-tulog pa.

Habang abala sa pag-hahanda ng pag-kain sina Mommy at Tito Gab ay bigla na lamang nag-salita si Dash.

“M-Mha,”

Napatingin kaming lahat dito.

“What is it, baby?” Tanong ni Kuya sa anak nitong lalaki.

“Mmha.” Ulit nito sa sinasabi.
Ngunit nagulat na lamang kami ng sundan ito ni Daph.

“M-Mhe..”

“Ow, gosh! Son, do you hear that? Tinawag kang Mommy ng kambal!” Ani ni Mommy na halatang nagulat ngunit nangingibabaw ang saya sa boses nito.

“Mhaa!” Sigaw ni Dash.

“Mmhe..!” Matinis na sigaw naman ni Daph na may kasama pang hagik-gik.

Nakita kong nangilid ang luha sa mata ng kuya dahil sa unang word na binanggit nang kambal bago niyakap ang dalawa habang inusenteng nakatingin sa mga pag-kain.

Agad kong sinulyapan ang anak kong mahimbing na natutulog bago pasimpleng ngumiti.

Hihintayin ko rin yung araw na tatawagin mo rin akong Mommy, anak. Anang isip ko.

“Tara na at kumain dahil kanina pa hindi ma-alis nang kambal ang tingin sa mga pag-kain.” Tito Gab commented na siya namang tiningnan namin bago ang kambal at tama nga titig na titig ang mga ito dahilan upang tumawa kaming lahat.

Masaya kaming nag-salo-salo sa pag-kain at nag-kuwentuha na rin.

Pag-katapos noon ay sinubukan rin namin ang iba‘t ibang palaruan kasama ang mga anak namin inosente at hindi alam ang nang-yayari sa kanilang paligid.

Bumili rin kami ng mga pag-kain na kinakain rin ng kambal.

Nag-pa-picture naman kami sa isang photographer kasama ang buong pamilya.

Ngayon naman ay nag-lalakad-lakad kami ni Kuya Michael habang buhat ang aming mga anak na nakatulog dahil sa pagod habang sina Mommy at Tito Gab ay iniwan namin para kahit papaano ay may bounding rin silang mag-kapatid.

“Alam mo kuya, nag-enjoy ako.”

Napalingon naman ito sa‘kin bago ngumiti.

“Buti naman. Pero mas nag-enjoy ata ang mga bata.” Saad nito bago tingnan ang kambal na tulog na tulog sa bisig nito.

“Mabilis lang ang panahon, makita mo malaki na sila.” Hirit ko pa.

“Tama ka, Calvin.”

Napatigil kami ni kuya sa pag-lalakad ng umilaw ang buong amusement park na lalong gumanda.

Agad kong sinilip ang relong suot ko para tingnan ang oras.

7:00 PM na ng gabi at hindi man lang namin iyon namalayan.

“Mukhang napasarap ang ginawa natin para hindi natin namalayan ang oras.” Saad ni kuya na nilingon ko at nakita ko itong naka-tingin rin sa suot kong relo.

Nag-pasya kaming bumalik dahil ba ka mahamugan ang mga bata.

“Wala na ba tayong naiwan?” Tanong ni Tito Gab na  kakapasok lang ng kotse sa may driver seat.

“Wala na po.” Ani ko rito bago buhayin ni Tito Gab ang makina ng kotseng gamit namin ngayon.

Tahimik naming tinatahak ang kalsada habang ako naka-tanaw lang sa labas nang bintana ng kotse at kalong sa aking mga braso ang anak ko.

8:30 PM na kami nakarating ng bahay  at kakalabas ko lang ng banyo bago sinilip si Aiden sa kan’yang crib at mahimbing na natutulog.
Dumiretso naman ako sa aking higaan upang mahiga na rin dahil ramdam ko na ang pagod at antok.

Agad akong nahiga ng maramdaman kong bumibigat ang talukap nang aking mga mata kasabay ng pag-dilim nang paligid.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon