1 year after
Michael POV
Araw ng Lunes ngayon, araw rin ng pag sisimula ulit nang trabaho bilang SSG President at pagiging estudyante ko.
Nag uunat-unat ako dahil sa nakatulog pala ako ng mapansin kong nandirito na rin pala ang apat kong mga kaibigan na nakatingin pala sa akin.
“Good morning, Michael!” Bati ni Del sa‘kin.
“Morning, Mike.” Si LJ.
Tanging matamis na pag ngiti lang ang iginawad ni Timo sa akin habang si Dave seryosong nakatingin naman sa dereksyon ko.
“Kanina pa kayo?” Pag tatanong ko sa mga ito na nandirito na pala sa SSG Office.
Maaga kasi kaming pumasok na mag kapatid 6:30 am nandirito na kami at hindi ko alam na nakatulog pala ako.
“Oo, 7:00 nandirito na kami—” Hindi ko na pinatapos sa pag sasalita si LJ.
“Anong oras na?” Pag tatanong ko.
“8:15 am na—” Sagot muli ni LJ na pinutol ko.
“Bakit hindi n‘yo ako ginising man lang?” Seryosong tanong ko sa kanila.
“Eh, mukhang puyat ka Mike kaya hindi ka na muna namin gini—” Hindi ko pinatapos si Del sa kung ano pang sasabihin nito.
“So, nag titigan lang kayo habang tulog ako?”
“Oo, ba ka kase maistorbo ka nam—” Pinutol ko ang sasabihin ni LJ sa pamamagitan ng pag hampas ko sa aking mesa na ikinaigtad nilang lahat puwera kay Dave na seryosong nakatingin sa‘kin.
“What's wrong, Michael?” Takang tanong ni Timo sa‘kin.
“Kayo.”
“Kami?! Anong ginawa namin?” Sagot nina Del at LJ na napatayo pa sa kanilang pag kakaupo.
“Simple lang. Kanina ko pa kase kayo hinihintay dahil may importante akong sasabihin, tapos nandito nga kayo pero hinihintay n‘yo lang akong gumising.”
“Wala ka namang sinabi sa GC na pumasok kami ng maaga para—” Pinutol ko ang sinasabi ni Del.
“So, kasalanan ko?”
Umiling na lamang ito.
“Ano ba iyong sasabihin mo?” Tanong ni Timo sa akin.
“Last day pa kase ito gumugulo sa isip ko. Umaga iyon kase ‘di ba pumunta tayo sa GHU nung tanghali dahil sa ginanap na pag diriwang.” Paliwanag ko rito.
“Anong point mo?” Tanong ni Del sa akin na nag tataka.
“Nung umaga kase sa History subject ko, alam n‘yo naman hindi tayo mag kaklase sa subject na iyon.”
Tumango naman sila.
“Oh, eh, ano problema? Nahihirapan ka ba sa subject na iyon?” Si LJ ang nag tanong na ikinailing ko.
“Kung hindi? Eh, ano?” Tanong ni Del.
“Sa topics namin.” Sagot ko at bumuntong hininga pag katapos ay sumandal sa sandalan ng swivel chair ko.
“Topics for what?” Tanong ni Dave na ikinatingin ko rito at nakatingin ng seryoso sa akin.
“About... Vampire and Werewolf.”
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampirosStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...