Chapter 32: Class-A: Monster (part 2)

32 3 0
                                    

Calvin POV

  Nag-daan ang ilang araw ay nasaksihan naming lahat ang pag-laki ng tatlong bata.

Doon ko nakita at napag-mamasdan ang mga ito dahil habang lumalaki sila ay pansin kong ka-mukha ni Dash ang Kuya David gano’n rin si Daph na girl version nito tanging kulay ng balat lang ni kuya ang nakuha ng dalawang bata.

Iyon ang napansin nina Mommy at Tito Gab lately na siyang ikinasimangot ni Kuya.

Tulad sa kambal ay ganoon rin ang kay Aiden, ka-mukha nito ang kan’yang ama noong kabataan nito tanging kulay lang ng balat ang nakuha ng anak ko sa‘kin.

“Oh, bakit nakasimangot ka d’yan?”

Napalingon ako ng may biglang mag-salita sa likod ko at doon ko nakita si kuya bago tumabi sa‘kin ng upo.

“ ‘Wag mong sabihin na nag-tatampo ka dahil hindi ka nila sinasali sa kanilang laro? Calvin, tigil-tigilan mo ako.” Dugtong nito na ikinakunot noo ko bago ito hampasin sa braso ng mahina.

“Tch! Hindi gano‘n kuya.” Angal ko.

Kumunot ang noo nito bago mag-salita. “Eh, kung hindi iyon ay bakit nakasimangot ka d’yan habang tinitingnan ang mga bata?”

“Eh, paano ba naman kuya. Hindi ka ba sisimangot kung nakuha lahat nang anak mo ang lahat sa tatay n‘ya?” Balik na tanong ko rito.

“Sabagay kahit Ang kambal ay ganoon rin.”

“Paano kung mag-kita sila?— Aray naman Kuya! Bakit mo naman ako hinampas?” Saad ko habang hilot ang brasong hinampas nito.

“Mukha bang mag-kikita ang mga iyan? Calvin, ilang taon na ‘t lahat Wala namang nag-babalik? So, ‘wag kang oa d’yan okay? At isa pa wala silang ambag sa kanila.”

“Kuya, meron naman silang ambag kahit paano,” ani ko.

Kunot noo itong tumingin sa‘kin. “At ano naman ang ambag ng mga iyon?”

“Paano naman mabubuo ang tatlong ‘yan kung hindi nag-labas pasok yung ano nila— Aray! Kuya nakakadalawa ka na!” Angal ko ng kurutin naman ako nito sa tagiliran.

“Saan mo natutunan iyan!?” Mahihimigan ang galit sa boses ni kuya.

“Ang alin?” Takang tanong ko naman dito.

“Y-Yung labas pasok yung a-ano... basta yung sinasabi mong ano.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. “Huh? Anong ano?”

“Arrgh! Ah basta! ‘Wag mo nang uulitin iyan. Isipin mong wala silang ambag!”

Tumango-tango na lamang ako dahil sa naging akto ni kuya.

Minsan hindi ko rin maintindihan ang isang ito laging high blood.

“Mom!”

Napalingon kaming dalawa ni Kuya ng marinig namin ang boses ni Dash.

Nag-taka kami dahil hindi na sila nag-lalaro kundi nakatingin lang ang tatlo ngayon sa gate kaya naman ay agad naming pinuntahan ang mga ito.

“Baby, what's wrong?” Tanong ni Kuya sa anak na hindi parin  tumitingin saamin.

Sabay-sabay namang may itinuro ang mga ito na siya namang sinundan namin ng tingin ni Kuya.

Binundol nang kaba ang buong sistema ko ng makita ko ng tatlong kakaibang nilalang na nasa labas lamang ng gate.

“Class-A,” turan namin ni Kuya bago mag-tinginan.

“Mom, who they are?” Tanong ni Aiden sa‘kin habang inosenteng tumingin sa‘kin bago ibalik ang tingin sa gate.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon