Michael POV
Araw ng Lunes at nandirito ako ngayon sa loob nang SSG Office habang abalang nag-lilinis.
Ewan ko ba kung anong nakain ko at gusto kong mag-linis dati naman ay wala sa bokabolaryo ko ang ganitong gawain.
Siguro‘y dahil buntis ako o epekto lang ito ng pag-bubuntis ko?
Habang abalang inaalis ang mga bagay o gamit na hindi na kailangan dito sa loob nang opisina ay may nakakuha agad nang aking atensyon.
Isa iyong picture frame na nakataob sa loob nang drawer na nililinis ko ngayon kaya hindi ko alam kung anong larawan ang naroon.
Nang makuha ko na iyon ay agad ko iyong binaligtad na sana ay hindi ko na lang ginawa.
Larawan iyon ng limang binata na naka-suot nang uniform, larawan iyon ng masayang alaala, larawan iyon naming lima.
Kuha iyon nung unang araw ng eskwela at nag-kasundong mag-picture.
Parang kailan lang ang lahat ang sayang balikan ang mga araw na ang tanging iniisip lang namin ay kung saan ang destinasyon namin pag-katapos nang klase sa hapon.
‘Di ko namalayan na lumalandas na pala ang aking mga luha sa aking pisngi.
“Kung puwede lang bumalik sa umpisa ay gagawin ko, ‘wag lang tayo mag-kakilala...”
Agad kong pinahiran ang aking mga luha na tumakas sa aking mga mata.
Nakalimutan mo ata Michael na hindi ka na iiyak..na hindi ka na iiyak dahil sa kanila? Anang isip ko.
Mapait akong ngumiti at inilagay sa isa sa mga kahon ang nasabing picture frame.
Nang maayos ko na lahat ay nag-papunta ako ng dalawang janitor para ipabuhat ang mga kahon na nag-lalaman ng mga hindi kailangan pa.
“Sir Michael, sa bodega po ba ito ilalagay o susunugin po?”
“Siguro po Manong, piliin n‘yo na lang po ang susunugin at yung itatambak sa bodega ng school.”
“Ah, sige po.”
Agad akong naupo sa swivel chair at hinimas ang hindi kalakihan kong tiyan.
This past few days ay maluluwag na damit ang isinusuot ko halata na kasi kung iyong mga dati kong isinusuot ang susuotin ko pa at isa pa alam na rin ng buong Academy ang sitwasyon namin ni Calvin.
Ang iba nga ay nagulat habang ang iba naman ay masaya para saaming dalawa.
“Sana mana kayo sa‘kin,” huminto ako saglit bago mag-patuloy. “Excited na akong makita ka baby ko.”
Ipaparamdam ko sa‘yo ang buong pag-mamahal ko at hindi mo iisiping may kulang.
Ngumiti na lamang ako at maingat na hinihimas ang aking tiyan bago bumaling ng tingin sa bintanang katabi ko habang kita mula rito ang ganda ng paligid.
“Tok-tok-tok”
Nawala ang tingin ko sa bintana at naibaling ko iyon sa may pinto.
“Come in,”
Agad iyong bumukas at iniluwa sina Calvin kasunod naman nito si Christian na nasa likod habang may bitbit ang mga ito ng mga pag-kain.
“ ‘Wag n‘yong sabihin na lumabas pa kayo ng school?” Tanong ko habang tinaasan ng isang kilay ang mga ito.
Matamis namang ngumiti ang dalawa sa akin indikasyon na tama ang aking sinabi.
Nilapag naman nila ang mga ito sa aking mesa bago inilabas lahat at buksan.
Masaya ang naging lunch break naming tatlo bago mag-paalam ang mga ito.
“Kuya, balik na kami sa room kitakits mamaya sa parking lot.” Saad ni Calvin habang nakangiti at ito na rin ang nag-bukas nang pinto.
“Alis na po kami Kuya Michael.” Si Christian naman iyon bago kumaway sa direksyon ko.
Tanging tango na lang ang iginawad ko sa dalawa bago sila tuluyang lumabas nang opisina kung na saan ako.
Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-scroll sa social media gamit ang aking laptop.
“Rringg! Rringg!”
Agad akong napadilat nang mapag-tanto kong nakatulog pala ako habang nakabukas ang aking laptop.
Kinuha ko ang aking cellphone na kanina pa tumutunog.
Pinindot ko ang berdeng button bago inilagay sa aking tenga.
“Kuya, where na you? Dito na kami sa parking lot.”
Agad kong hinanap ang orasan na nakasabit sa dingding nitong opisina.
Doon ko nakitang 3:00 PM na pala ng hapon.
“I’ll be there.” Ani ko bago i-hung up ang tawag.
Nang mapansin kong wala na akong nakalimutan ay lumabas na ako ng SSG Office.
Agad kong narating ang parking lot nitong school at doon ko nakita na nag-hihintay ang dalawa.
Nakuha ko naman ang attention ng mga ito.
“Pasensya, nakatulog lang ako at hindi ko namalayan ang oras.” Paliwanag ko na lamang sa mga ito.
Wala naman daw sa kanila iyon kaya agad na rin kaming nag-sisakayan sa loob nang kotse para maka-uwi na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...