Chapter 25: Mall

46 4 0
                                        

Michael POV

  Sabado ngayon at kahapon ang graduation namin ni Calvin.

Heto at nag-kayayaan na mag-punta sa Mall at heto kasama ako ni Calvin.

Hindi lamang ako kun‘di kasama rin namin sina Ian, Kaleah, Naomi at Christian dito sa Mall.

Nandirito kami sa department store sa mga gamit nang pang baby dahil kailangan ko rin mamili na ng gamit dahil 8th months na ang tiyan ko habang kay Calvin ay 6th months na.

Maingat akong nag-tititingin ng gamit habang tulak ang pushcart na may iilang gamit na pang baby habang ang isa kong kamay ay sa aking tiyan na malaki na rin.

Bago mag-graduation ay na pag-alaman kong kambal pala ang dinadala ko sa‘king sinapupunan ngunit hindi makita ng OB ko ang gender nang mga ito dahil nakatalikod ang mga ito.

Grabe rin ang lalaking ‘yon sa isang bugahan dalawa agad ang naipunla, kahangahanga. Anang isip ko.

Puro gamit pang baby ang kinuha ko at lalo pa‘t bumili rin ako ng crib na pang twins talaga.

Hindi naman ako nahirapan dahil ibinigay naman ng mga salesman ang hinahanap ko at puwede kong pag-pilian.

“Ito na lang ang kukunin ko,” saad ko at tumingin-tingin pa.

“Okay po.”

“Kukunin ko rin itong stroller.” Pahabol kong sabi na tinanguan naman nila.

“Handang-handa na talaga ang Kuya ko.” Turan ni Calvin na sinisiko pa ako ng mahina.

Napansin kong hindi namin kasama ang apat kaya nag-tanong ako.

“Where they are?”

“Naku, pinag-punch ko sila ng iba nating binili.” Sagot naman nitong kapatid ko.

Tatango-tango ko na lang itong sinagot at nang makuha na namin ang mga items na isasama namin para bayaran sa counter.

“Ma'am ₱3,325.00 po lahat.” Ani nitong babaeng nasa cashier kaya naman ay may ibinigay akong card na siya namang kinuha nito bago ibalik sa‘kin.

“Thank you po!” Pahabol nitong saad bago kami umalis.

Agad naman naming nakita ang apat na kumakaway saamin.

Pag-katapos namin sa department store ay agad namang nag-kaya-yaan para kumain.

Sa Jollibee ang naging destinasyon namin at nang makakita ng mauupuan ay agad nag-order sina Ian at Christian sa counter.

Ilang minuto rin ang pag-hihintay namin ng dumating ang dalawa at bitbit ang dalawang tray na may lamang pag-kain.

Naging masaya ang usapan namin pati ang pag-kain at hindi alintana ang oras.

4:30 PM na kami nakalabas nang Mall at ngayon ay tinutungo ang parking lot nitong Mall para kunin ang kotseng gamit namin nung papunta kami rito.

Agad namang isinakay ng apat ang mga pinamili namin sa likod ng kotse ni Ian bago kami nag-sisakayan sa loob.

Binuhay naman agad ni Ian ang makina ng kotse niya bago ko naramdaman ang pag-andar nito papalayo sa nasabing Mall.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon