Chapter 38: Kids?

28 3 0
                                    

Wendell POV

   Nakapikit ako at nilalanghap ang sariwang hangin habang sakay ng karwahe upang makarating sa bayan para mamili ng kakailanganin sa pag-luluto ni Mama.

Unti-unti kong dinilat ang aking mata at doon ko napagmasdan ang magandang kapaligiran, tanaw ko rin sa maliit na bintana nitong karwahe ang asul na langit nang mapansin ko na nasa bayan na pala kami ng Wavell isa ito sa mga bayan na makikita rito saaming mundo kung saan tinatawag na Noterra.

Agad ko namang natanaw ang Algeria Kingdom ang isa sa mga kaharian sa Noterra kung saan namutawi agad sa aking isipan ang mga nang-yari nitong mga nag-daang araw kung paano naging mailap at malamig ang pakikitungo nito saamin.

Nang tumapat naman kami sa malaking gate ng palasyo habang bantay ng dalawang sundalo ang nasabing tarangkahan ay mapapagmasdan mo parin ang loob kahit nasa labas ka lamang.

Sa aking pag-mamasidmasid ay agad akong napaayos nang upo ng may mahagip ang aking mata na tatlong bata at kung pag-mamasdan mo ang mukha ng mga ito ay nag-lalaro lang ang edad nang mga ito sa 10 pa-taas.

Agaran akong napatingin sa driver nitong karwahe na nasa unahan lang ang tingin habang maingat na nag-mamaneho.

“Itigil mo ang sasakyan.” Utos ko na siya namang hinila ang tali ng kabayo upang huminto ito bago ano nito nilingon.

“Kamahalan, may problema ho ba?” Pag-tatanong nito na may bahid nang pag-aalala sa tono ng kan’yang boses.

Hindi ko ito inabalang sagutin at muling tiningnan ang tatlong batang nakita ko na mukhang nag-lalaro sa isang bahagi ng kaharian.

Dalawang batang lalaki at isang batang babae iyon.

Kanino ang mga batang iyon? Anang isip ko at hindi inaalis ang tingin sa mga ito.

Pansin ko rin ang kasuotan ng mga ito at hindi ako puwedeng mag-ka-mali dahil sa ganda ng suot nang mga ito‘y Hindi mo sila mapag-kakamalang tagasilbi sa palasyo dahil iba ang suot nang mga ito sa mga totoong nakatira talaga s palasyo.

Agad naman akong nagulat nang huminto ang mga ito sa pag-lalaro at parang nakikiramdam bago patakbong pumasok sa loob nang kastilyo.

Sa hindi malamang dahilan ay agad kong binuksan ang pinto ng karwahe at mabilis na lumabas.

“Kamahalan, bakit po kayo bumaba? May problema ba?”

Nilingon ko ng driver nang karwaheng sinasakyan ko bago muling sinulyapan ang loob nang palasyo at tiningnan kung saan pumasok ang tatlong batang nakita ko.

“W-Wala may tiningnan lang... tara na sa bayan upang makapamili at makabalik rin ka-agad.” Ani ko bago muling sumakay bago umalis doon.

Agad rin akong nkabalik saamin at napag-tatntong kahit lumilipad ang isip dahil sa aking nakita ay mabili ko ng tama ang mga nakalista sa ipinabibili sa‘kin ni Mama.

“Wendell Villanueva Redriguez!”

Napaigtad ako at muntik nang mahulog sa aking kinauupuan ng sumigaw si LJ sa mismong tenga ko bago ko ito tingnan ng nag-tataka.

“Bakit ka ba sumisigaw?” Tanong ko dito.

“Hello po, pinapunta mo ho kami rito tapos yung kinakausap po pala namin ngayon ay mukhang naiwan sa kung saan ang utak n’ya!” Bulyaw nito habang si Timo ay pinapakalma ng boyfriend nito.

Napangiwi naman ako dahil doon at nang maalala kong pinapunta ko pala ang mga ito.

“Teka nga, bakit kami lang? Asan si David?” Muling tanong ni LJ sa akin.

“Kayo lang talaga pinapunta ko at may sasabihin ako sainyong dalawa.” Saad ko ng seryoso bago sila mag-tinginan sa isa‘t isa.

“Ano ba ‘yon?” Tanong ni Timo sa akin.

Agad kong ikinuwento sa kanila ang mga nang-yari bago ako makabalik dito at ipatawag sila.

“Mga bata?” Takang ani ni LJ na tinanguan ko lamang.

“Ba ka sa mga tagasilbi sa palasyo ang mga batang nakita mo?” Sunod na tanong ni Timo sa akin na ikinailing ko.

“Hindi. Iba ang suot nila kaysa sa suot nang mga tagasilbi ng palasyo.”

“Nakita mo ba ang mukha?” Sunod na tanong ni LJ.

Umiling ako bago sumagot. “Hindi eh— Aray!” Ani ko ng makatanggap ako ng batok sa isang ito.

“Ano porpoise ng cellphone na dala mo lagi! Jusko! Del!” Hiyaw muli ni LJ sa akin.

High blood lagi ang isang ito o marahil Dala ng pag-bubuntis nito na ipinaalam nito kahapon.

“Hahanap ako ng paraan upang makuhanan kahit ilang shots ang mga batang iyon.”

“Mag-ingat ka at ba ka naman may makakita sa‘yo.” Si Timo iyon na tinanguan ko na lamang.

Sino kaya ang mga batang iyon?

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon