Del POV
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa aking kuwarto at hinihintay ang pag-dating nila.
“Blag!”
Napalingon ako ng biglang bumukas ang aking pinto na siyang ikinaigtad ko sa gulat.
“Hindi ba kayo marunong kumatok?” Tanong ko sa kanila.
“Ano ba ‘yon at pinatawag mo kami dito?” Tanong ni LJ na mahihimigan ang inis sa boses nito.
“About sa sinasabi ko sainyo noon at ka-gabi.”
“Eh, paano mo nga nasabing ka-mukha niya ang mga iyon?” Tanong naman ni Timo.
“Oh kayo na tumingin.” Ani ko bago ibigay ang isang envelope na brown.
Agad itong hinablot ni LJ bago buksan.
“O.M.G!”
“Shit!”
Sabi ng dalawa sa mga larawang kuha ko kung noon ay palpak ngayon ay hindi na.
“Oo nga ano. Kanino kaya ang mga batang iyan? Hindi naman puwedeng kapatid nila?” Si LJ iyon na nakahawak pa sa mga labi nito.
“Hindi naman natin puwedeng sabihin ito sa isa kailangan may sapat tayong ibedensiya.” Ani ni Timo at pinakatitigan ang mga litratong hawak.
“Tama siya,” sang-ayon muli ni LJ.
“So ano nga ang balak natin? Sasabihin ba natin sa isa ito?”
Nag-tinginan naman sina Timo at LJ dahil sa sinabi ko bago ako muling tapunan ng tingin.
“Ano ‘yong sasabihin n‘yo sa‘kin?”
Napalingon kami sa pinto na naka-bukas pala at naka-tayo roon si David na nakakunot noo saamin bago kaming tatlo ay nag-palitan ng tingin.
“Kanina ka p-pa diyan, tol?” Tanong ko dito.
“Oo, ano ba ‘yon?” Balik nitong tanong sa‘kin.
“W-Wala naman, David...” Si LJ iyon.
Pumasok naman ang isa ngunit nagulat ako ng yumuko ito na parang may kinuha sa lapag ng makita ko kung ano ang pinulot nito ay nanlamig ako.
“Sino... itong mga bata?” Tanong nito bago kami tingnan.
“At halata rin sa damit nila na taga-Alegria Kingdom sila ngunit bakit ka-mukha ko ang dalawang bata? Ka-mukha ko sila no’ng kabataan ko...”
Napalunok ako dahil sa sinabi nito.
“T-Tol, hindi namin masasagot ‘yang tanong mo. N-Nakita ko lang sila noon nung inutusan ako ni Mama bumili sa bayan.” Utal kong paliwanag dito.
Kilala kase namin itong magalit noon pa man kaya ramdam ko ang panlalamig ng palad ko.
“T-Totoo yon, David.” Turan ni Timo.
Hinablot ni David ang lahat nang nasa kamay ni Timo at gulat ang rumihistro sa mukha nito.
“Imposible namang... Hindi kaya n-nag-bunga a-ang g-gabing ‘yon...?” Bulong ni David habang nanginginig ang mga kamay na may hawak na mga iba‘t ibang larawan ng tatlong bata.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...