Michael POV
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa biglaang nararamdamang gutom kaya maingat akong bumaba sa hagdan pamunta sa ground floor nitong bahay.
Pag-dating ko sa dinning area ay agad akong dumiretso sa kitchen at pumunta sa freezer para mag-hanap nang puwedeng makain.
Binuksan ko ito at nag-hanap ngunit wala naman doon ang hinahanap nang sistema ko kaya malungkot akong pumunta sa dinning upang maupo.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit bigla na lamang akong naiiyak.
“Michael, what's wrong?”
Mabilis akong napalingon ng marinig ko ang boses nang kung sino at nang makilala ko ito ay si Tito Gab lang pala habang nag-aalala ang mga mata.
Mabilis ko namang pinahiran ang aking mga luha ng mapag-tanto kong lumuluha pala ako.
“Masakit ba ang tiyan mo? May nararamdaman ka ba?” Sunod-sunod nitong tanong at mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito.
Marahan naman akong umiling habang patuloy sa pag-bagsak ang aking mga luha bago ako mag-salita. “G-Gusto ko p-po kasing k-kumain ng green na s-strawberry pero wala po pala sa freezer...”
Napangiti naman si Tito Gab dahil sa sinabi ko bago nito ginulo ang buhok ko.
“Akala ko naman kung ano na ang iniiyak mo d‘yan. Sige, bibili si tito para sa‘yo.” Sabi nito bago ako iniwan at lumabas nang dinning area.
Ngayon ay nandirito ako sa living area kasama si Calvin na nanunuod.
Wala kaming pasok dahil sa biglaang seminar nang mga teacher kaya heto at nandirito na naman ulit kami.
“Nandirito lang pala kayo,”
Napalingon kaming dalawa ng may biglaang nag-salita at doon ko nakita si tito na may dalang dalawang supot nang plastic bag.
“Tito, kayo po pala.” Ani ko at lumapit naman ito bago ibaba ang mga dala sa center table na narito sa living area.
“Kumain na kayo at susundin ko lang ang Mommy n‘yo.” Turan nito bago kami muling iwan.
Doon ko napansin na nangangalkal na ang kapatid ko sa supot na dala ni tito kanina.
“Sa‘yo ba ‘tong green strawberry, kuya?” Tanong ni Calvin at ipinakita ang sinasabi nitong strawberry.
Tumango ako at kinuha agad iyon sa kamay nito dahil gusto ko na talaga itong kainin.
Taka naman akong tiningnan ng kapatid ko dahil hindi ko hilig ang kumain ng maaasim.
Agad ko rin namang napansin kung ano ang kinakain nito na mukhang nag-pabili rin kay Tito Gab.
Nangunot ang aking noo dahil pineapple iyon habang sinasawsaw nito sa ketchup?
“Weird naman ng pag-kain mo?” Tanong ko habang nakakunot parin ang aking noo na agad naman ako nitong hinarap bago bumungisngis nang tawa.
Ano naman ang nakakatawa?
“Masarap ito kuya, tikman mo.” Pag-aalok nito na mabilis kong inilingan bago sumagot.
“No thanks. Okay na ako rito sa kinakain ko.” Pag-tanggi ko sa alok nito at ipinakita ang strawberry na kinakain ko ngayon.
Tatango-tango itong ibinalik ang tingin sa pinapanood namin ngayon ganoon na rin ang ginawa ko.
Kinagabihan ay nandirito kaming apat sa dinning area at kumakain.
Napansin ko naman ang pag-kain na kinakain ngayon ni Calvin.
Nakalagay iyon sa bowl at may laman itong milk drink at nilagyan ng nilagang itlog.
“ ‘Di ko alam kung normal ba ‘yang pamangkin ko?” Ani ko na agad naman akong binalingan nina Tito Gab, Mommy at Calvin na nag-tatakang tingin.
“Bakit kuya?” Tanong ni Calvin sa‘kin.
“Weird nang pag-kain mo ngayong gabi.”
Ngumiti naman ito bago ako sinagot. “Eh, ikaw nga ang mas-weird sa‘tin, kuya.” Turan nito bago tinuro ang kinakain ko.
“Saging na sinasawsaw sa ketchup at spaghetti na may kalamansi, ikaw ata ang mas-weird sa‘kin Kuya Michael.” Saad nito at inismiran pa ako.
“Oh, ba ka naman pag-awayan n‘yo pa ‘yang dalawa?” Si Mommy na napangiti at gano’n rin si Tito.
Pag-katapos nang hapunan ay pumanhik na kaming dalawa ni Calvin sa itaas upang makapag-pahinga na dahil feeling kong parang pagod rin ako dahil sa mga ginawa kanina.
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa aking kama at tumingin sa kisame bago maingat na hinimas ang aking tiyan na may kalakihan na rin.
Maya-maya ay doon ko naramdaman na unti-unti kong nararamdaman ang pag-bigat nang talukap nang aking mga mata kasabay noon ang pag-dilim nang buong paligid.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...