Warning: SPG! Please, proceed to the next chapter. Bawal po sa bata! 🔞
Sa isang napakalaki at napakagarang bahay na may dalawang palapag ay nag kakasiyahan ang lahat. Sa paligid nito ay ang mga palamuting nakasabit, iba ‘t iba rin ang kasuotan ng mga bisita at sumisigaw sa yaman dahil pinatungan pa ito ng mga alahas.
Sa ibang dereksyon naman ay makikita mo ang tatlong mahabang mesa kung saan nakapatong ang iba ‘t ibang pag kain na puwede mong pag pilian meron ding mga waitress na nag lilibot habang may dalang tray ng alak.
Habang sa isang dereksyon naman kung saan matatagpuan ang nag iisang beranda na nasa second floor nitong mansion ay may isang binata na nakatunghay roon habang pinapanood nito ang ibang bisita na nasa ground floor sa ibaba na nasa labas habang sa kanang kamay naman nito ay hawak ang isang cocktail glass (tall) na may lamang red wine at dahan-dahan nitong iginagalaw iyon ng may mag salita buhat sa kan‘yang likuran.
“Nandirito ka lang pala.”
Nilingon naman niya ang nag mamay-ari ng boses na iyon kahit namumungay ang mga mata nito ay nakilala pa rin niya ang taong iyon kahit wala itong emosyong mababakas sa kabuoan ng mukha nito.
“Dahil wala ako doon.” Sagot naman niya rito at pag katapos ay tinungga ang red wine na nasa basong hawak nito.
“Let’s go. Lasing ka na. May kuwarto akong pinahanda para makapag pahinga kayo.”
Tinuro naman nito ang sarili dahil sa sagot nang taong kaharap nito at nag salita ito. “Ako? Lasing? Hoy, David. Kahit birthday mo hindi naman ako papayag na sa‘ting dalawa ako ang aakusahan mong lasing! Ba ka ikaw. Watch me, mag lalakad ako para maniwala ka na hindi ako lasing.” Ani nito at ininom ang natitirang alak na nasa basong hawak niya at ipinatong sa hawakan nitong beranda ‘tsaka pumuwesto para mag lakad.
Habang ang isang binatang nag ngangalang David ay pinagmasdan lamang ito ng walang emosyon.
Nag simula nga itong mag lakad ngunit nakakatatlong hakbang palang ng ma-out of balance ito na agad naman niyang ikinapikit dahil alam na nito ang mang-yayari.
Ngunit nang wala itong maramdamang sakit ay idinilat nito ang mata at sa kan‘yang pag dilat ay ang mukha ng kaibigan ang nasilayan.
“Let’s go.” Saad nang kaharap nito at inakay na lamang siya papasok.
Nang makapasok ang dalawa sa isa sa mga kuwartong nandirito ay unti-unti nitong iniupo ang taong kanina pa nito akay.
“Mag pahinga ka na, Michael. Bukas na lang kayo umuwi ni Calvin.” Ani ni David at tumalikod para sana umalis nang mapahinto ito dahil sa pag hawak ni Michael sa kanang kamay nito.
Nilingon nito ng walang emosyon ang kaibigan.
Tumayo naman sa pag kakaupo sa kama si Michael at lumapit ngunit nawalan na naman ito ng balanse dahilan upang masalo siya ng kaharap.
Tumawa muna ito at pag katapos ay ipinulupot nang binata ang mga braso sa likod nang leeg ng kaharap.
“Ikaw ah! Nag aalala ka pala sa‘kin.” Saad nito at tumawa ng mahina.
“Matagal na.”
Napahinto sa pag tawa si Michael at tiningnan ang kaharap na seryoso parin ang itsura.
“Ano?”
“Sabi ko. Mag pahinga ka na.”
Inihiga nito si Michael sa kama at handa na sanang umalis ngunit hinatak ito ng binata dahilan upang muntik nang mag lapat ang kanilang labi.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...