Chapter 6: Golden Eyes

67 5 0
                                    

Michael POV

     Nandirito ako sa SSG Office at busy sa pag pirma ng sandamakmak na mga papel na kailangan matapos ngayong araw dahil this is the last day of school.

I mean bakasyon na naming lahat kaya heto ako at busy ngayon.

Nasa gano‘ng lagay ako ng bumukas ang pinto nitong SSG Office kaya doon natuon ang atensyon ko.

Doon ko nakita ang pag pasok nang apat.

Agad akong nag-cross arm at mapang asar na ngumiti sa kanila.

Taka naman akong tiningnan ng mga gunggong.

“What's wrong, Michael?” Seryosong tanong ni David sa‘kin.

Wow? Great! Nag tanong pa s‘ya.

“What's wrong? Kayo.” Sagot ko at nag pokerface pa.

Kunot noo naman nila akong tinapunan ng tingin at nag tinginan pa sila sa isa ‘t isa.

“Anong ginawa namin, Mike?” Tanong ni Del sa akin.

“Hindi n‘yo alam ang kasalanan n‘yo sa‘kin?” Balik na tanong ko rito.

Umiling ang tatlo maliban kay David na seryosong nakatingin sa gawi ko.

Hindi ko alam kung saan pinaglihi ang isang ito at laging seryoso sa buhay.

“Bakit hindi n‘yo man lang sinabi sa‘kin na last day na pala ng pasukan?” Ani ko.

“Huh? Akala namin alam mo na dahil ang alam namin sa mga ganitong balita ikaw ang unang nakakaalam?” Saad ni LJ na hindi ko alam kung nag tatanong ba ito o ano.

“Nevermind,” ako.

“By the way, mag o-overtime tayo ngayong araw para sa mga gawaing ito. Ayoko na pag balik natin ay may trabaho tayong haharapin.” Dugtong kong sabi.

“Seryoso ka?” Si David.

Kunot noo ko itong tiningnan dahil sa tanong na ibinalik niya sa‘kin.

“Mukha ba akong nag bibiro?” Balik na tanong ko rin dito.

Naku! Kung hindi ko lang ito kaibigan kanina ko pa ito nasapok.

Self, kalma lang okay? Tandaan mo, kaibigan mo iyan.

“I mean, puwedeng kami na lang ang mag tapos niyan kung hindi mo matatapos.” Sagot ni David sa akin.

Umiling ako rito at sumagot. “May answer is no. That's final. Mag o-overtime tayo ngayon weather you like it or not.”

Bumuntong hininga ito at sumagot.

“Fine.”

Agad silang umupo sa mga upuan nila at hinarap ang sandamakmak na patong-patong na mga papel.

Nag kibit balikat na lamang ako at muling hinarap ang aking ginagawa.

Habang patuloy sa kabila-kabilang pag pirma ng sandamakmak na mga papeles at folder ay may nag baba ng isang supot na may lamang taperware na siyang ikinatigil ko sa ginagawa at nag taas nang tingin sa taong nag bigay noon.

David?

Ibinalik ko ulit ang tingin sa supot na nasa mesa ko at sa kan‘ya.

Taka ko itong tiningnan.

“It's lunch time.” Maikling turan nito at seryosong nakatingin sa‘kin.

Agad dumapo ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding nitong office.

It's already 12:00 na pala ng tanghali hindi ko man lang na pansin siguro dahil sa pagiging busy ko sa ginagawa kaya siguro hindi ko na namalayan ang oras.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon