Chapter 26: Dashiell and Daphne

32 3 0
                                    

5 weeks after

Michael POV

Nandito ako sa kitchen at nakaharap sa refrigerator para tumingin ng p‘wedeng kainin namin ni baby.

Malaki na rin ang tiyan ko dahil 9th months na ito at sabi ng OB ko anytime ay puwede ng lumabas ang baby.

Masaya na natatakot ang nararamdaman ko dahil doon.

Masaya dahil makikita ko na sila pero natatakot rin dahil ba ka hindi ko kayang magpakamagulang sa kanila.

“Lalim naman ng iniisip mo, kuya. May problema ba?”

Naibalik ko ang sarili sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Calvin na nandito na rin sa tabi ko.

“Kanina ka pa ba d‘yan?” Balik kong tanong rito.

Tumango muna ito. “Yup! Nakiki-join na nga ako sa cookies na kinakain mo.” Sagot nito habang ngumunguya pa.

“Ano nga? Hindi mo pa sinasagot ang tano—” Hindi ko na ito pinatapos sa pag-sasalita at pinutol iyon.

“I'm okay.” Maikling sagot ko.

“Okay, okay. Tara nuod na lang tayo ng TV.” Ani nito at tinalikuran na ako para lumabas ng kusina.

Sumunod na lang din ako rito ngunit agad din akong natigilan ng may maramdamang tumutulo sa may paa-han ko kaya tiningnan ko iyon dahilan upang lalo akong matakot.

“Tubig,” I whispered.

Pero kasunod nito ang panginginig ko ng ang sumunod na tumutulo sa binti ko‘y pulang likod na lalo kong kinaalarma.

“C-Calvin,” tawag ko dito na may kasamang panginginig sa boses.

Agad itong huminto at lumingon sa‘kin na may inosenteng tingin.

Ngunit agad rin itong nag-baba ng tingin at doon rumihistro ang gulat na may halong takot.

Agad rin nitong nabitawan ang plastic nang cookies na hawak upang mag-kalat ang laman nito sa lapag bago ako pinuntahan at inalalayan.

“Manang Emma!” Sigaw ni Calvin upang agad sumulpot ito sa kung saan.

“Young Master Calvin, ano po— Ay d‘yos ko! Young Master Michael!”

“Ida!” Sigaw pa ni Manang Emma.

“Manang Emma, bakit po— OMG!” Si Ida iyon.

“Tawagin mo si Samuel at Joseph!” Sigaw na utos nitong muli.

Pumasok naman sa kusina sina Ate Helen, Ate Ivy at Ate Claire na natigilan rin.

“At kayo naman tawagan n‘yo sina Sir at Ma'am!”

Nag-kagulo naman ang tatlo palabas nang kusina.

Dumating naman sina Mang Samuel at Mang Joseph bago agaran akong maingat na buhatin.

“Aaahh!” Sigaw ko dahil sa nararamdamang sakit.

“Kuya, tiis lang d-dadalhin ka namin sa hospital!” Pag-aalalang sigaw ng kapatid ko sa kung saan.

“Daniel! Ihatid mo sila sa hospital, madali!” Utos ni Manang Lydia na narinig ko rin.

Nang maramdaman kong naka-upo na ako sa loob ng sasakyan ay nakahawak naman ako sa‘king tiyan na hindi ko maintindihan ang sakit habang ramdam kong may tumatagas sa‘king binti.

Ramdam ko rin na ang bilis nang takbo namin.

“Kuya, t-tiis lang...” saad ni Calvin na nasa tabi ko habang ako mariing nakapikit.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon