Chapter 11: Shopping

43 4 0
                                    

5 weeks later

Michael POV

    Nandirito kami ni Calvin sa isang Mall para mamili ng gamit na kakailanganin daw nito para sa project niya sa isa sa mga subject nito sa school.

Yes. Tama ang nabasa n‘yo, balik eskwal na naman kami ng kapatid ko sa daming nang-yari this past few days.

“Kuya,”

Nilingon ko ito ng tawagin ako.

“Dito ka na lang. Punta lang ako sa banda roon at kukuha ng watercolor.” Ani nito at saka tinalikuran ako na tinanguan ko na lamang kahit hindi naman nito nakita.

Pansin kong puro estudyante rin ang nandirito dahil suot pa nila ang kanilang uniform na katulad namin ni Calvin ay ganoon rin.

Habang abala ang kapatid ko sa pag-pili ay nag-tititingin rin ako ng may maalalang dapat bilhin na gamit na kailangan rin gamitin para bukas.

Nang makita ko na ay siya namang damputin ko ng may unang makakuha noon.

Nilingon ko iyon ng mapansin kong estudyante rin ito tulad ko at taga LHSA rin pala ito base sa uniform na suot nito.

“H-Hala, President Michael. Sige po sa inyo na lang po—”

Pinutol ko ang sasabihin ng babaeng ito. “No. Mukhang kailangan n‘yo.”

Pansin ko ang pamumula ng pisngi nito at agad rin namang nagpa-salamat kasama ang mga kaibigan nito na halatang kinikilig pa.

Nang makaalis ay agad akong napabuntong hininga ng mapansin kong last na pala iyon.

Napansin ko ang isang sales man na may inaayos kaya nag-tanong ako.

“Excuse me,”

Humarap naman ito agad at base sa itsura nito na mag-kaedaran lamang kami.

“Yes?” Ani nito sa baritonong boses katulad nang kay David.

Teka..? Bakit naman na iisip ko ang gagong iyon?

“Sir..?”

Nabalik agad ako sa aking sarili ng mag-salita ito. “Sorry, itatanong ko lang kung may stock pa kayo nito?” Agaran kong tanong.

Tumingin muna ito saglit sa lalagyanang itinuro ko at saka ibinalik ang tingin sa ‘kin pag-katapos ay ngumiti.

Shit! A-Ang guwapo niya pag-ngumiti.

“Yes. Ow, wait ikukuha kita.” Sagot nito ng nakangiti at tumalikod bago ako iwan.

Agad ko namang dinala ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko kung na saan ang puso ko na ang bilis nang tibok nito.

“Heto na.”

Agaran kong inayos ang sarili ng may mag-salita.

Nakangiti nitong inilahad ang kamay na may hawak nang bagay na kailangan ko.

Agad ko naman iyong kinuha at nagpa-salamat rito at siya namang gumanti ng matamis na ngiti.

Umalis agad ako roon dahil ramdam kong uminit ang pisngi ko ng may mabunggo naman ako.

“Ouch!!” Sabay naming sabi dahil sa sakit.

Sinulyapan ko agad kung sino ito at nakita kong si Calvin iyon.

“Kuya?”

Kunot noo ko itong tiningnan ano naman akala nito na ngayon lang kami nag-kita at nakalimutan agad nitong mag-kasama kami?

“May ine-expect ka pa bang tao?” Tanong ko rito.

Mabilis itong umiling sa itinanong ko.

Sabay kaming pumunta sa cashier para bayaran ang aming pinamili habang nakapila ay nag-salita ito.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon