Calvin POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pinuntahan pa ako ni kuya rito sa aking kuwarto dahil maaga raw kaming aalis.
Halatang siya pa ang excited sa lakad namin.
Nang makababa ay nag-hihintay na pala ang kuya sa ibaba at kausap sina Mommy at Tito Gab.
“Tagal mo naman, akala ko nalunod ka na sa banyo.” Ani nito at tinaasan pa ako ng isang kilay.
“Eto na nga ‘di ba,”
“Mag-iingat kayong dalawa.” Paalala ni Mommy ng makalabas kaming apat sa main door.
“Tumawag kayo if may problema,” tito Gab said.
Tinanguan na lang namin ito at nginitian sila bago paandarin ni kuya ang kotseng gamit namin.
Nang makalabas nang subdivision ay nag-salita si Kuya.
“Doon na lang siguro tayo kumain.”
Agad naman akong tumango at sinilip ang suot kong relo bago tingnan kung anong oras na.
Its 7:30 AM.
Ang aga pala namin? Okay na siguro iyon para mahabahaba ang bonding namin ni Kuya.
Nag-park lang si kuya ng sasakyan bago kami lumabas.
Namangha ako dahil ang ganda may iba ‘t ibang rides akong nakikita at kabila ‘t kanan ang mga nag-titinda ng mga pag-kain marami ring tao may pamilya yung iba mag-kakaibigan pero mas marami ata ang couple.
“Tara na,” ani ni kuya at hinila na ako.
Una naming pinuntahan ang rides na caterpillar para rin siyang roller coaster pero ang pinagkaiba ay hindi buwisbuhay.
Pumuwesto kami ni kuya sa gitna at doon ko lang na pansin na ang nasa unahan pala namin ay couple.
“Tsk! Dito pa nag-lampungan,” napasulyap ako kay kuya dahil sa sinabi nito.
Badmood na naman po siya. Haysstt!
Nag-simulang umandar ang sasakyan na caterpillar, una ay mabagal pa ito bago bumilis ang takbo.
Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere at pumikit para damhin ang hangin na sumasalubong sa aking balat.
Ang saya!
Nang matapos ay lumabas narin kami habang nag-tatawanan ni Kuya.
“Ano sunod nating sasakyan?” Tanong ni Kuya Michael sa akin habang lumilinga kung ano ang sasakyan namin.
Doon ko nakita ang isang grand carousel yung puro kabayo at tanging pag-ikot at pag-taas baba lang.
“Sige!” Sagot ni kuya at hinila ako akala ko ‘y magagalit ito dahil ito lang ang rides na ayaw niyang sakyan noon.
Pumila agad kami at ibinigay ang ticket namin sa kay kuyang nag-o-operate nito.
Nang mag-simula ito at puro bata ang kasama talaga namin.
Feeling ko bumalik kami sa pag-kabata ni Kuya.
Pag-katapos namin sa grand carousel ay nagulat ako dahil hinila ako ni Kuya.
“Kuya, saan tayo?” Takang tanong ko.
“Doon,” sagot nito at tinuro ang isang rides na may pangalang bumble bee.
Bee or bubuyog ang rides na ito at paikot rin ito at parang lumilipad ka.
“Ang cute kasi, tara sakay tayo!” Sagot pa nito na ikinatawa ko na lang.
Marami rin kaming sinubukan pang sakyan na rides tulad nang bumb car, wonder flight, barn stormer, dream twister, pirate ship (vikings) at drop tower.
Ngayon naman heto kami at kumakain 12:30 PM na kasi ng tanghali kaya kumain muna kami ng puwede naming makain.
Habang kumakain ay bigla na lang nag-salita si kuya habang ang atensyon ay nasa cellphone nito.
“Ang hindi na lang pala natin nasasaktan na rides ay ang ferris wheel,” saad nito at ipinakita ng note pad nito sa cellphone.
May check na kasi ang iba at ibig sabihin ay tapos na namin iyong sakyan.
“Talagang nilista pa talaga?” Tanong ko na ikinatango naman nito.
Palihim akong napangiti dahil doon.
“Minsan isama rin natin sina Mommy at Tito Gab rito.” Suhestiyon ni kuya na ikinatigil ko at tiningnan ito.
Grabe ang sweet naman ng kuya ko ganito pala nagagawa ng pag-bubuntis.
Pag-katapos naming kumain ay nag libot-libot muna kami dahil upang matunaw ang mga pag-kain na kinain namin kanina.
Sinubukan rin namin ni kuya ang pag-huli ng baby gold fish na binabantayan ng isang tindero.
Dito ay ikaw mismo ang pipili sa gusto mong kuning gold fish.
Challenging nga saamin iyon pero kahit papaano ay nakakuha kami ni Kuya.
Pansin kong nag-bukas na ang mga pa-ilaw sa park na ito na lalong ikinaganda ng paligid.
Pati mga rides ay meron na ring ilaw para lalong makita ang mga iyon.
6:30 PM na ng gabi at nag-pasya na kami ni kuya na pumunta sa ferris wheel.
Pansin kong ang haba ng pila sa rides na ito at puro ang kasabayan namin ay puro mag-couples.
Agad ibinigay ni kuya ang ticket sa babaeng namamahala nito.
Nang makasakay sa loob ay maya-maya lang ay bigla kong naramdaman ang pag-galaw nito.
“Wow!” Ani ko habang nakatingin sa labas.
Mula rito sa itaas ay kita ang ibaba at mga ilaw.
Tumingin naman ako sa langit ang ganda dahil sa mga bituin at ang puting buwan.
Nawala ang focus ko sa mga bituin at sa magandang buwan na nasa kalangitan ng mag-kislapan sa iba ‘t ibang bahagi ng langit ang magandang fireworks display.
“Kuya, ang ganda!”
“Oo, ang ganda nga n‘ya.”
Naramdaman kong huminto ito habang nag-pasabog sila ng fireworks para ma-enjoy namin ang panonood.
Pag-katapos ay nag-sibabaan na rin kami para sa mga susunod pa na sasakay.
Hawak ni kuya ang kaliwang kamay ko habang nag-lalakad at masayang nag-ku-kwentuhan ng mga naramdaman sa mga rides na sinakyan namin kanina.
“7:00 PM na pala, Calvin. Tara na at para maka-uwi na.” Sabi ni kuya na tinanguan ko na lamang bago dumiretso sa kotse.
Nang makasakay ay agad naman nitong binuhay ang makina at pinaandar para maka-uwi na para makapag-pahinga na rin kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...