Michael POV
Maaliwalas ang panahon kaya masayang mamasyal ngayon kabila‘t kanan ang nag-ta-trabaho sa labas nang palasyo.
“Prinsipe Michael,”
Nilingon ko ang tumawag sa aking pangalan at doon ko nakita na isa sa mga dama na babae sa palasyo ito.
“Yes?” Takang tanong ko rito.
“May gusto po sanang kumausap sainyo.”
“Sino raw?”
Agad itong gumilid at doon ko nakita si Keylee.
“Maaari ba tayong mag-usap, paki-usap importante lang talaga.” Ani nito kaya naman ay sinenyasan ko ang mga damang kasama nito na iwan muna kami.
“Ano ang gusto mong pag-usapan? About ba ito sa wedding? May nakalimutan ka pa bang isama sa listahan ng mga gusto mong gawin sa kasa—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin n‘ya iyon.
“About kay David.”
Napabuga ako ng hininga ng sabihin nito ang pangalan ng lalaki.
“May nakalimutan ba siyang sabihin sa mag-o-orga—”
“Hindi ito tungkol sa kasal. T-Tungkol ito kay D-David tungkol sa k-kalagayan n-nito...”
Natigilan ako dahil sa sinabi nito habang lumuluha na sa harap ko si Keylee.
“W-What do you mean...? May nang-yari ba...”
Agad hinawakan ni Keylee ang dalawa kong kamay habang walang tigil sa pag-tulo ang luha nito.
“Michael, you misunderstanding ang mga nang-yayari this past few days simula ng mag-patawag ng dinner ang family ko.”
Hindi ko alam pero wala man lang akong masabing salita ngayon.
“D-David is my b-boy best friend, Michael. A-Ako ang human diary n‘ya since childhood days. Wala a-akong narinig sa kan’ya kun‘di pangalan mo lamang... Mahirap makuha ang loob nang i-isang iyon pero ng makilala ka niya doon ko nakita ang mga ngiti n‘ya sa tuwing hindi ka nakatingin o ‘di kaya ‘y p-pinagmamasdan ka lamang ng best friend ko. He's not my groom because he's my best man on my wedding..”
Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili kong lumuluha kaharap si Keylee na patuloy ang pag-luha sa harap ko.
“Nasa point ang kaibigan ko sa sakit na anytime p-puwede n‘ya t-tayong i-iwan... Michael.” Humina ang boses nito sa huling sinabi ngunit narinig ko parin iyon.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng pinsan ko.
“Gusto n‘yang mag-paliwanag pero hindi n‘ya magawa dahil hindi mo siya kayang pag-bigyan manlang sa kung anong gusto niyang sabihin sa‘yo.”
“Umpisa pa lang M-Michael, David is y-your m-mate ngunit this day hinarap ni David yung sakit nang i-reject mo ang nararamdaman mo for...him. Anytime puwede siyang mag-l-laho, Michael.”
Napaluhod ito upang alalayan ko dahil sa buntis ito.
“A-Asan siya?” Tanong ko rito.
Tangina ang tanga ko sa parteng ito hindi ko manlang pinakinggan ang sasabihin nito.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa puting kabayo at tinatahak ang bayan ng Qeorin kung saan matatagpuan ang palasyo ng Elphame Kingdom kung saan si David nakatira.
Sinabi rin sa‘kin ni Keylee na kung hindi ako mag-mamadali ay ba ka hindi ko na ito abutan.
Nalaman ko rin kanina na alam na pala nina Daddy, Mommy ang lagay ni David kahit ata si Calvin ay gano’n rin.
“Damn it!” Mura ko habang tinatahak ang daan patungong Elphame Kingdom.
Kanina ko rin nalaman na kung ang mate ng isang Dominant o Alpha ay ni-reject ay ba ka mag-laho ito at muling maipapanganak sa susunod na henerasyon upang mag-mahal ulit hanggang matagpuan nito ang taong mamahalin sila.
Hindi naman ako nahirapan makapasok sa tarangkahan ng palasyo ng makita ako ng isa sa mga kawal nito.
Pag-pasok ko ay namangha ako dahil sa pagitan ng daan ay makikita mo ang dalawang taniman ng dandelion na sumasayaw sa hangin habang nililipad nito ang ibang petals nito na lalong ikinaganda ng palasyo.
Kahit dito ay tanaw ang kakaibang estraktura ng palasyo.
Agad kong naalala kung bakit nga ba ako naririto kaya agad kong muling ipinatakbo ang kabayo kung saan ako nakasakay ngayon.
Sa pag-takbo ng kabayo sa daan na napapagitnaan ng mga dandelion ay nasasagi ang iba nito dahilan upang lalong mag-liparan ang ibang petals nito.
Sa loob nang palasyo ay lumuluha ang isang ginang kasama ang asawa nito sa gilid nang silid ay ang tatlong binata na mga kaibigan ng taong nakaratay sa kama nito at nang hihina na ngunit tanging nasa imahe lamang nito ay ang isang binatang kan’yang minamahal.
“Ilang oras na lang ang itatagal ng Prinsipe, mahal na hari at reyna.” Ani ng isang doctor nang palasyo.
Dahil doon ay mas lalong narinig ang pag-tangis ng reyna habang hawak ang kamay ng binatang nakahiga sa isang kama.
Nang makapasok sa palasyo ay agad akong sumunod sa isang dama at ihatid ako kung na saan si David.
Nang nakarating sa harap nang pinto ng silid nito ay agad itong kumatok upang may mag-bukas doon.
Nabigla naman ako ng gumilid ito ang babaeng sinusundan ko kanina pa.
Doon ko nakita si Timo na nabigla ng makita ako ito pala ang nag-bukas nang pinto.
Wala akong sinayang na oras ay agad akong pumasok na ikinabigla nilang lahat.
“Michael!”
Nilingon naman ako ng dalawang tao na hindi katandaan sa tingin ko‘y ka-edad lang nina Mommy at Daddy.
“Iho,” gulat na bulong na sabi ng ginang.
Sa suot pa lang nito ‘y alam kong ito ang reyna at ina ni David.
Bumagsak ang tingin ko sa kama at doon ko nakita ang mga mata nito na gulat na gulat sa pag-dating ko.
“Ang hina mo sa parteng iyan!” Bulyaw ko kasabay ng pag-luha.
“Tangina naman eh! So, ano mang-iiwan ka na lang?! A-Akala ko ba...mahal mo a-ako? Sinungaling ka.” Saad ko dito.
“Oo! Inaamin ko na! Mahal kita, umpisa palang D.” Saad ko habang patuloy sa pag-luha ang mga mata ko.
“Sige! Iwan mo ako! Diyan naman kayo magaling eh...” Ani ko.
Nagulat ako ng umilaw ang suot kong kuwintas kung saan ibinigay ng binata sa akin iyon.
Pag-katapos noon ay unti-unting nag-laho ang puting liwanag na ng galing sa kuwintas.
“Hindi ko na iyon gagawin.”
Muli kong sinulyapan si David na ngayon ay naka-upo na sa kama nito na akala mo‘y nag-dahilan lang.
Kita ko ang gintong dilaw nitong mata at ang pangil nito pati na ang mahaba nitong kuko.
“David, anak!”
“David!”
“Ewan ko sa‘yo!” Ani ko bago pahiran ang mga luhang natuyo.
Sa isang kisap mata ay nasa harap ko na ito bago ako mahigpit na niyakap nito na siya namang ginantihan ko.
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...