Chapter 39: Shopping

34 3 0
                                    

Michael POV

   Nandirito kaming lahat sa labas nang main door nang palasyo habang nag-paalam ang Lola namin sa father side na mag-sho-shopping daw ito at kasama ang mga apo nito.

“Dash, Daph. ‘Wag pasaway, enjoy.” Turan ko sa mga anak ko.

“I will, Mommy!!” Sabay na saad nila bago sabay na sumakay.

“Ingat, Aiden!”

Napalingon ako ng sumigaw si Calvin habang kumakaway sa anak na nakatanaw sa kan’ya ng seryoso habang kumaway na lamang.

Mana talaga sa ama minsan lang kung mag-salita.

Sabay-sabay naman kaming kumaway habang pa-alis ang mga ito.

Kahit nangangamba ay pumayag ako na sumama ang dalawa kay Lola Victoria ang ina ng aming ama.

Nang mawala sa paningin naming lahat ang karwahe ng mga ito ay agad na rin kaming pumasok sa loob.

Samantalang ay nakarating ng ligtas ang mag-lola sa bayan na dinagsa ng mga tao at kabila‘t kanan ang mga tinda.

Masiglang namangha ang mag-pipinsang sina Dashiell, Daphne at Aiden sa nakikita.

Habang sa kabilang banda ay muling namimili si Wendell nang ipinauutos nang kan’yang ina.

Ngunit napahinto ito na may mahagip ang mata nito na siyang ikinagulat nito dahil muli nitong nakita ang tatlong nasabing mga bata at walang pag-aalinlangan nitong kinuhanan ang mga ito ng litrato ng palihim kahit puro side view lamang ang nagiging resulta nito.

“Tsk! Ano ba naman ‘yan hindi ko man lang matiyempohan ng magandang ang gulo ang mga iyon.” Na-i-wika na lamang ito ni Wendell habang tinitingnan ang mga kuha sa cellphone bago muli itong sumulyap ngunit agad nag-palinga-linga ito dahil wala na Ang tatlo.

Bagsakbalikat itong napabuntong hininga bago tumalikod ngunit muntik na nitong mabitawan ang mga dala dahil sa gulat nang makita ang tatlo na nasa kan’yang likuran.

“Hindi mo ata alam na bawal ang sino man ang kumuha ng litrato kung hindi pumayag o alam nang kinukuhanan mo?” Seryosong turan ng isa sa batang lalaki na napagmasdan kong mabuti upang manlambot ang aking mga tuhod nang makita kong may ka-mukha ito.

“Tama.” Naibaling ko sa batang babae ang tingin ng sinang ayunan ng batang lalaking naunang mag-salita.

I-Imposible, anang isip ko ng mapagmasdan ang dalawang bata.

Ka-mukha ni... David.

Ngunit hindi ako puwedeng mamalikmata sa isa pang batang lalaki na seryoso ang tingin sa‘kin.

May ka-hawig din siya... si.... Zayden, anang isip ko.

“Kids! Lets go!”

Napatingin ako sa taong tumawag sa tatlong bata na ngayon ay patakbong tinutungo ang isang karwahe mula sa Algeria Kingdom.

“Mommy, where here!”

Napalingon ako na nandirito sa garden habang naka-upo at nag-babasa ng libro ng makita ko ang mga ito n patakbong papunta sa direksyon namin ni Calvin habang may mga bitbit na paper bag.

“Mukhang nag-enjoy ata kayo?” Si Calvin ang nag-salita na sinagot nang kambal.

“Super po, Tita Calvin!!”

“Really?” Tanong ko naman na nilingon ng kambal sa direksyon ko.

“Opo, Mommy. Look nga po oh, I have a new dress!” Bibong saad nang anak kong babae bago ipinakita ang paper bag.

“Me too.” Dash commented too.

Agad ko rin itong tiningnan bago pinuri ang ganda ng telang ginamit dito.

Kinagabihan ay maingat ko silang nilagyan ng kumot at hinalikan sa kanilang mga noo.

Kita ko sa mukha nila ang pagod dahil sa nang-yari kanina bago maingat na isinara ang pinto ng kuwarto ng mga ito at tuluyang tinahak ang daan papunta sa aking silid.

Agad rin akong napahinto sa pag-lalakad at tiningnan ang bintana at kita ang napakaliwanag na buwan sa madilim na ulap.

Napabuntong hininga ako bago muling mag-lakad.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon