Chapter 50: Wedding Day

54 4 0
                                    

Calvin POV

  Tatlong araw ang nakalipas ay ngayon ang pinakamahalagang araw para saaming pinsan na si Ate Keylee at sa mapapangasawa nitong si Kuya Shawn.

Nakabihis na rin ako at pinagmamasdan ang sarili sa salamin bago mag-pasyang lumabas at sundoin ang Kuya Michael.

Agad ko itong nakita at kinakausap ang kambal kasama ang anak ko bago tumingin sa direksyon ko ng makuha ko ang atensyon nila.

Lumapit si Aiden sa‘kin bago ko ito bilinan.

“Manang Lydia, kayo na pong bahala sa mga bata.” Saad ni Kuya Michael na tinanguan naman ni Manang Lydia.

Nalaman kong na una na sina Mommy, Daddy sa venue.

“Anong oras na?” Tanong ni Kuya Michael na katabi ko ngayon sa karwahe habang umaandar ito ng mabilis.

Sinilip ko ang relong suot ko at 7:25 PM iyon ng gabi.

“Ewan ko ba, ngayon lang ako nakakita ng kasal na gaganapin ng gabi?” Saad ni Kuya Michael.

Sabagay tama ang kuya pati ako ngayon lang rin naka-expirience ng ganito sa isang kasal na dadaluhan ko.

Pansin kong bumagal ang takbo ng karwahe namin kaya agad ko iyon sinilip sa maliit na bintana ng karwaheng sinasakyan namin.

Agad huminto ang karwahe bago kami pag-buksan ng pinto ng driver nito.

Pag-baba namin ay sinalubong kami nina Mommy at Daddy.

Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang grupo ni Zayden, Kuya David na nakatanaw saamin.

Kasama nina Mommy at Daddy si Christian na bigla na lang lumapit bago kumapit sa‘kin.

Nilingon ko ang kuya na halatang inis dahil alam kong ramdam nito ang mga titig ng grupo nina Kuya David.

Nabalitaan ko rin na okay na ang mga ito ngunit parang hindi mag-kakilala ngayon.

Jusko naman parang mga bata lang, anang isip ko.

Sa dulo ng altar ay nandoon si Kuya Shawn at ang mga magulang nito kita ko rin sina Tito Gab at Tita Alysa na kinakausap ang ibang mga bisita.

Michael POV

  Ang lahat ay magaganda ang suot at sumigaw sa yaman.

Ngunit hindi nakatakas sa‘kin ang mga tingin ng apat at kulang na lang matunaw ako dito.

Agad muna kaming umupo ng kapatid ko kasama ang mga kaibigan nito.

Maya-maya lang ay dumating ang sasakyang karwahe ni Keylee kaya nag-sitayuan ang lahat dahil doon.

Nag-simula ang seremonya ng kasal nang dalawa at habang tahimik ang lahat.

“May tumututol ba sa kasalang ito?” Tanong ng pari na kumakasal sa dalawa ngunit wala namang nag-salita.

“Sa kapangyarihang sa‘king binigay ay kayong dalawa ay mag-asawa na. Now, kiss your bride.” Saad muli ng pari dahilan upang i-taas ni Shawn ang belong suot ni Keylee kasabay noon ang pag-hawi ng mga ulap sa langit at doon nag-pakita ang pulang buwan na animo‘y dugo.

Naibalik ko sa harap ang tingin ng mag-palakpakan ang lahat at doon ko nakita na mag-kadikit ang labi ng dalawa kaya pumalakpak na rin ako dahil doon.

Agad nag-lapitan ang mga kalalakihan dahil may ihahagis daw ang groom ngunit sa nararamdaman kong pag-kabagot ay hindi na ako sumali pa bagkus ay tumayo na lang ako sa kinauupuan ko at inilabas ang cellphone upang may tingnan lamang sa mga ito.

Narinig ko pa ang palakpakan ng lahat at hiyawan ngunit hindi iyon naging dahilan upang lingunin ko ang mga ito.

Nasa gano’n akong kinalalagyan ngunit napahinto ako sa pag-scroll sa social media ko ng marinig kong tinawag ako ng kapatid ko.

“Kuya Michael!”

Agad kong nilingon iyon ngunit may nakakuha ng atensyon ko na ikinatingala ko sa ere na papunta sa direksyon ko kaya agaran ko rin iyong sinalo.

Bungkos nang pulang rosas iyon na kanina lang ay dala ni Keylee.

Naibalik ko ang sarili sa reyalidad nang mag-palakpakan ang lahat at doon ko lang napagtanto ang hawak ko pala ay bouquet.

Agad ko rin na pag-tanto na ang bride na pala ang nag-hagis.

“OMG!” Tili ni Keylee na nandoon sa harapan kasama ng asawa nito.

“Kyaaahhh!” Hiyaw ni Kaleah na kinikilig rin.

“Yown! May isusunod na ikakasal!” Sigaw naman ni Ian.

“My gosh! Soon, ikakasal na ang baby ko.” May pa-iyak epek pa si Mom habang nakatingin at nakangiti sa gawi ko ang Dad.

Agad kong hinanap nang aking mga mata ang puwesto ni David at doon ko nakita na siya ang nakakuha ng sa groom.

Naramdaman ko ang pag-init nang pisngi ko dahil doon bago umiwas nang tingin.

“Hindi naman ako kasali dito!” Ani ko habang nakatingin sa pinsan kong may pilyong ngiti sa labi.

“Pasensiya na insan!”

I roll my eyes to her dahil doon.

Muli kong pinagmasdan ang bouquet na hawak ko ng mabigla ako dahil inilagay ni Calvin ang veil na suot ni Keylee kanina sa ulo ko.

“Nakatitig siya,” bulong nito sa tenga ko.

Napapikit ako ng mariin sa inis bago binalingan ito.

“Calvin!” Sigaw ko bago ito nag-tatatakbo paalis at agad ko namang hinabol.

“Waaahh! Help!” Hiyaw rin nito.

“Bumalik ka dito!”

Hindi alintana ng dalawa ng hinabol rin sila ng grupo ni Zayden, David at nang mga kaibigan ni Calvin upang pigilan.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon