Michael POV
Kinabukasan ay parang hindi ako pinatulog ka-gabi ng muli ko siyang nakita.
“Tok-tok-tok”
Naibalik ko ang aking sarili sa reyalidad nang may kumatok.
Gabi ngayon at may inihandang malaking party ang Lolo ‘daw’ namin.
Oo tama kayo sa inyong nabasa ang ama ng aming Daddy pero hindi ko pa naman nakita sila kahapon pero sure akong makikilala namin iyon.
“Kuya,”
“Huh? Ano iyon?” Tanong ko kay Calvin ng pag-buksan ko ito kanina.
Kunot noo itong tumingin sa‘kin. “Kuya, wala pa naman akong sinasabi.”
Wala pa ba? Anang isip ko.
“Eh, bakit nandirito ka?” Tanong ko.
“Pinapapunta na kase tayo, nasa labas si Kuya Daniel.”
Agad kong inayos ang suot ko na pang-prinsipe gano’n rin ang kay Calvin ngunit parang hindi nga bumagay saamin dahil sa liit nang katawan namin.
Lumabas na kami habang si Daniel ang nauuna sa pag-lalakad sa mahabang pasilyo nitong palasyo.
Muli kaming dinala nito sa bulwagan kung saan ko siya nakita.
“Kaya natin ‘to kuya.” Bulong ni Calvin sa‘kin.
“Enjoy, Young Masters.” Sabi ni Daniel saamin bago kami iwan.
Ang dalawang bantay naman ng double door na pinto ay agad umayos bago nila buksan iyon para saamin.
Nakita namin ang lahat na saamin pala nakatingin at hinihintay kami.
Nahagip nang mata ko ang mga taong iyon ngunit mabilis kong iniwas ang aking mata bago itinuon sa direksyon ni Mommy at Tito Gab na nakangiti saamin.
“Wow! Ang ganda nila,”
“Sila pala ang mga anak?”
Iilan lamang iyan sa mga narinig ko sa paligid habang nag-lalakad kami sa red carpet.
Agad kaming huminto sa gitna ng red carpet.
“Magandang gabi sa lahat nang dumalo at maligayang pag-dating sa bayan ng Wavell, Michael Ethan Alvarez Velasco at Calvin Clarence Alvarez Velasco.” Saad nitong matandang lalaki na tumayo sa pag-kakaupo sa trono.
Nag-palakpakan ang lahat nang nasa paligid namin.
Lumapit naman si Mommy at Tito Gab sa puwesto namin.
“Enjoy boys.” An’ya bago kami kindatan na halatang may ibig sabihin bago umalis.
Tsk!
“Saan tayo ngayon?” Tanong ni Calvin na nakakapit sa kanang braso ko.
“Tara kumain.” Wika ko bago ito hilahin.
Nakarating kami sa mahabang mesa na kung saan nakalatag ang iba‘t ibang pag-kain.
“Puwede n tayong mag-sharon.” Sabi ni Calvin na ipinagtaka ko.
“What? Sharon?” Sunod-sunod kong tanong.
“Kuya, sharon it means mag-uuwi tayo ng food. ‘Di kase nag-pa-party eh.”
Nakikinig ako habang tumitikim lang ng pag-kain.
Agad akong tinapiktapik nito habang pumipili ng puwedeng kainin na. “ Bakit ba?” Tanong ko bago lingunin dahil naiinis na ako.
Ngunit nakatingin ito sa bandang likuran ko habang tulala parin ito kaya walang pag-aalinlangan ko itong nilingon na dapat hindi ko na lang ginawa.
Sa pag-lingon ko ‘y doon ko nakita ang grupo ni Zayden kasama ang grupo ni David.
Ang nararamdamang gutom ay napalitan ng inis at kawalan ng gana.
“Michael, is nice to see you again.” Saad ni Lucas ang panganay sa mag-ka-kapatid na Galvez.
“Tsk! Walang nice sa gabing ito.” Seryosong sabi ko dito.
Pasimple akong siniko ni Calvin dahil sa ginawa ko.
“Calvin!”
Napalingon kaming lahat lalo na at nabigla dahil nandirito sina Ian, Naomi, Kaleah at Christian.
“N-Nandirito kayo?” Tanong ni Calvin na hindi makapaniwala.
“Hindi ba sinabi ni Tita?” Si Ian ang sumagot sa tanong ng kapatid ko.
Umiling lang ang kapatid ko bago mapansin ng apat ang grupong kausap namin.
Ngumiti ang apat sa mga ito bago pumunta sa gawi namin.
“Ikaw pala ang Kuya ni Calvin?” Tanong ng isang babae na bunso sa Galvez.
“I am.” Maikling ani ko dito at seryosong nakatingin sa kan’ya.
Tipid lamang itong ngumiti sa akin.
“David!”
Napalingon kami ng biglang may lumapit na babae sa tukmol at niyakap ito bago hinalikan ang pisngi ng binata.
Palihim akong napa-irap.
“Hi! I'm Keylee.” Nakangiting pakilala nito habang nakalakad ang kamay sa harap ko.
Ramdam ko rin na nakatingin si David sa‘kin kahit hindi ko iyon tapunan ng tingin.
“Michael.” Tipid kong sagot ngunit hindi inabalang abutin ang kamay nito.
“A-Ah, I'm Calvin his younger brother.” Si Calvin ang nakipag-kamay sa babaeng nakapulupot ang braso kay David na nakatitig sa‘kin kanina pa.
“Excuse myself.” Diing sabi ko sa mga ito bago lagpasan ang mga ito.
Umalis ako doon dahil ba ka lalong sumama ang mood ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/338593924-288-k648790.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞
VampireStorya ng dalawang lahing pinahirapan ng tadhana. Kakayanin mo bang harapin lahat ng pag-subok na sasalubong sa inyo? Matatanggap mo ba ang magiging parte ng inyong kapalaran kung ito 'y na isulat na? Lahat ng tao sa mundong ito na ating ginagalawan...