Desire 3

350 3 0
                                    

Yannie's POV

Kanina pa ako nakatingin kay Cedrick na hindi maipinta ang mukha. Alam kong wala akong ginawa kaya hindi ko alam kung bakit parang galit na naman siya. Dumating siya kanina dito sa restaurant nang nakasimangot. Kasalukuyan kaming naglulunch pero mukhang malayo ang iniisip niya.

"May problema ba?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Magresign ka sa bar ni Fuentes. Ayokong nakikitang kausap mo si Fuentes lalo na ang Villacorta na iyon." Kumunot ang noo ko, Villacorta? Yung lalaki sa Western kagabi?

"Bakit naman? Ced, I need my job." Sabi ko sa kanya, matagal na namin itong pinagtatalunan pero kailangan ko ng trabaho para mabuhay. Wala na akong inaasahan kahit na nagtatrabaho sa ibang bansa ang tatay ko.

"Work at my firm. I don't want to see you with them." Ang dahilan kung bakit ako umalis sa puder ng tatay ko ay dahil ayokong umasa sa iba.

Madalas kapag nagsimula kang maging dependent sa kanila ay magkakaroon ka ng utang na loob. Utang na loob na balang araw kang sisingilin.

Umiling ako at sumandal sa upuan. "No, alam mong ayoko na umasa sa'yo. Baka may masabi pa ang ibang tao, gusto ko ako mismo ang bubuhay sa sarili ko." Sabi ko at sumubo ng kanin.

"Ang sabihin mo, mataas lang iyang pride mo. Ano bang pinagmamalaki mo? Para sabihin ko sa'yo, wala kang ipagmamalaki sa akin kaya 'wag kang magmagaling." Sabi niya kaya napayuko na lang ako dahil nagtaas siya ng boses at madami ang nakarinig, tumayo siya at naglapag ng isang libo sa lamesa bago lumabas ng restaurant.

Pinigilan kong maluha sa mga salitang binitawan niya. Sanay naman na ako dahil mas matindi pa ang mga salita ng stepmother at kapatid ko. Nag-angat ako ng tingin nang may maglapag ng panyo sa harap ko.

"May nagpapabigay po." Sabi ng waiter at tinuro ang bintana pero wala akong ibang nakita kundi ang itim na kotseng paalis.

Tumayo ako at kinuha ang panyo bago nagpasalamat sa waiter. Lumabas ako ng restaurant at kamalasan ko ay biglang umulan ng malakas. Totoo nga yata ang sinabi nila na malas talaga ako.

Lumipas na ang isang oras na nakatayo lang ako sa labas ng restaurant pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Huminga ako ng malalim bago nilagay ang bag ko sa ulo at naglakad sa ulanan.

Tinakbo ko papuntang sakayan ng jeep. Naupo ako sa waiting shed at pinunas ang panyong inabot sa akin ng waiter. Sumakay na ako sa jeep at bumaba sa tapat ng apartment ko. Buti na lang on the way siya pagbaba sa jeep.

Pagpasok sa apartment ay may sumalubong agad na pusa sa akin. Yumuko ako at kinarga siya kaya dinilaan niya ako sa mukha na kinatawa ko.

"Kamusta ka, Jinjin? Ikaw na lang talaga ang karamay ko. Huwag mo akong iiwan, ha?" Sabi ko pero dinilaan niya lang ako.

Si Jinjin ang alaga kong pusa na iniwan ni Mama sa akin. Sabi ni lola, bago mamatay si Mama ay pinulot niya si Jinjin na isang stray cat. Namatay si Mama nang nine years old ako. Simula nun ay si lola Isay na ang nagpalaki sa akin sa probinsya ng ilang buwan baho ako kunin ng tatay ko.

Sabi ni tita Cynthia ay malas daw ako kaya namatay ang Mama ko dahil sa akin. Lahat na lang ng tao sa paligid ko ay minamalas. Simula daw nang mapunta ako sa puder nila ay minalas na ang buhay nila katulad nang maaksidente si Papa sa barko kaya ilang buwan siyang nabaldado at two years ago na lang siya ulit nakasampa sa barko.

Tumayo ako at pumunta sa CR para maligo. Ang pinakaayaw ko ay ang magkasakit. Una, gastos ang magkasakit. Pangalawa, mag-isa lang ako at walang mag-aalaga sa akin. Pangatlo ay wala akong kakainin at ang alaga kong pusa dahil di ako makakapagtrabaho.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon