Desire 14

236 2 0
                                    

Yannie's POV

Matapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Pumunta ako sa kusina kung saan nakakarinig ako ng tawanan. Ang dining kasi dito ay nasa kusina din.

Napahinto at napatitig ako kay Raphael na nakatawa at nakikipagbiruan sa mga kapatid niya. Kinusot ko pa ang mata ko dahil baka namalikmata lang ako. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil busy sila magkwentuhan at magbiruan.

Ang lola nila ang unang nakapansin sa akin. "Yannie, what are you doing? Come and let's eat." Nakangiti niyang aya sa akin. Maging sa kanya ay bigla akong nanibago.

Kahit kanina ko lang siya nakilala ay alam kong strikta siyang lola. Pero sa nakikita ko ngayon ay napakacareless nila ngayon. Nawala ang seryosong awra nilang lahat. Ganito ba sila sa pamilya nila?

Dahil hindi pa rin ako kumikilos ay tumayo si Raphael para ayain ako. Nakita ko ang pagngisi ng mga kapatid niya. Tumayo siya sa harap ko at nagulat ako nang halikan niya ako sa noo.

"Why are you standing here? Let's eat, I'm hungry. Hindi ako nakapaglunch and I know, you too." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko, pinaupo ako sa tabi niya.

"Bakit di ka pa naglunch?" Nagkibit balikat siya sa tanong ko.

"I'm busy." Napailing ako.

"Nagovertime ako kaya hindi ako nakapagluto." Tumingin siya sa akin.

"Why? Bakit ka nagovertime?" Tanong niya, inirapan ko siya.

"Nainis ako sa'yo." Mahinang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Bakit ka nainis?" Tanong niya pa na parang naaaliw sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Seriously? Tinatanong mo sa akin iyan? Sinabi mo sa akin kagabi na parang kasalanan ko pa at nawalan ka na ng babae. Bakit hindi ka na lang doon sa mga babae mo para tahimik ako sa trabaho?" Nginisihan niya ako.

"Hindi kita sinisisi, I said that because I want to be with you kahit oras ng trabaho mo. I just want to borrow your time. Ang sinasabi ko lang ay ikaw na ang huling babae ko." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ako na ang huli? Maniniwala ba ako sa isang babaerong katulad mo?" Hinawakan niya ang kamay ko.

"I know na wala kang tiwala sa mga babaero pero kahit sa akin ay magtiwala ka. Ako ang huling dating babaero na makikilala mo at magiging tapat sa'yo." Natulala ako sa binitawan niyang salita at napalingon kami nang may mga biglang nag-iritan na parang kinikilig.

Nakalimutan kong may mga kasama pa pala kami sa lamesa. Napatingin ako kay Raphael na nakangisi habang nakatingin sa mga kapatid at lola niya. Totoo ba ang mga sinabi niya o sinabi niya lang iyon para mas maging kapani-papaniwalang nagbago na nga siya? Nagsisinungaling siya para sa pamilya niya.

Umiwas ako ng tingin nang may maramdamang kirot sa dibdib ko na hindi tama. I shouldn't feel it.

"Nakakakilig ka naman, kuya." Sabi ni Allison, bahagyang ngumiti lang si Raphael at hinawakan ang kamay ko kaya pasimple ko itong tinanggal. Wala siyang nahalata at nagsimula na kaming kumain.

Nakita kong pumasok ng kusina si Jinjin kaya tumayo ako pero pinaupo ako ni Raphel at siya ang tumayo. Hinanap niya ang cat food sa cup board. Napabuntong hininga ako.

"Sa kaliwa, bumili ako." Sabi ko sa kanya at nang makita niya ay naglagay siya sa pet bowl.

"May pusa ka rin po, ate Yannie?" Ngumiti ako kay Alliyah.

"Yes, iyan ang huling iniwan sa akin ni Mama bago siya mamatay. Nine years old pa lang ako ay kasama ko na siya." Paliwanag ko kay Alliyah. Napansin kong napahinto sa ginagawa si Raphael at nilingon ako.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon