Desire 21

276 2 0
                                    

Yannie's POV

"Here..." Napatingin ako kay Raphael nang may iabot siyang ice cream sa akin. Nakita kong kumakain na rin ng ice cream si Alliyah.

Hindi ko namalayang nakabalik na pala siya. Masyadong malalim ang iniisip ko kanina. May nangyari sa amin kagabi at marami siyang magagandang salitang sinabi sa akin. Pero sapat na ba iyon na mapanatag ako sa nararamdaman niya kahit hindi niya sinabi ang tatlong salita na gusto kong marinig? I know hindi ko dapat bigyang isyu iyon dahil mag-asawa naman kami at hindi ito ang unang beses.

We had a honeymoon but it is the first that we remember and we both wanted that. Pareho kaming nasa katinuan kagabi kahit na medyo lasing kami.

Nawala ako sa iniisip nang may biglang humalik sa akin. Nilingon ko si Raphael at nabasa ko ang pag-aalala sa kanya.

"Hey, what's wrong? Are you sick or something? Do you want to go home?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya pero umiling ako.

Home. Before I don't know where my home is. Ang alam ko sa home ay tahanan kasama ang mga taong totoong nagmamahal sa'yo. Taong kayang iparamdam na pamilya kayo. Simula nang mamatay si Mama at kinuha ako ng tatay ko ay hindi ko na muli pang naramdamang may tahanan ako.

"No, I'm fine. Gutom lang siguro." Sabi ko at umiwas ng tingin, pakiramdam ko kasi ay may super powers siya. Nababasa niya ang iniisip ko.

"Are you sure?" Tumango ako at inabot na sa akin ang ice cream na natutunaw na pala sa kanya. Kinuha ko ito at sinimulang kainin. May nakita rin akong pizza.

"Are you thinking something or rather someone?" Kumunot ang noo ko at lumingon sa kanya.

"Someone?" Umiwas siya ng tingin.

"Your ex..." Mahina niyang sabi, inubos ko na ang ice cream dahil natutunaw na siya. Pinunasan ko muna ng tissue ang kamay ko bago hawakan ang mukha niya at iharap sa akin.

"I was thinking about you." Honest kong sabi kaya tumingin siya sa mga mata ko, he's trying to read me using my eyes.

"Me?" Tumango ako.

"How you gave me home when I feel lost. Raphael Vincent Villacorta, you are my home." Nakangiti kong sabi, nagulat ako ng halikan niya ako matapos takpan ang mata ng kapatid na kumakain ng pizza.

"Marianne Tesoro-Villacorta, you are my home too." Sapat na ba ang mga salitang iyon para mapanatag ako sa kanya? I'm his home means he likes me too, right?

*****

Akala ko matapos naming umalis sa amusement park ay uuwi na kami pero huminto kami sa isang Italian restaurant. Nagulat pa ako na marinig na may reservation na pala siya. Hinatid kami ng staff sa isang VIP room.

Kakaupo pa lang namin nang may pumasok na isang lalaking may suot na chef uniform. Tinapik niya sa balikat si Raphael at kinawayan si Alliyah bago nakangising tumingin sa akin.

"Kamusta, bro." Sabi ng lalaki, tumayo si Raphael at nakipagbro-man hug.

"Francis..." Bati pabalik ni Raphael dito.

"So you were together, huh?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaki at tiningnan kami ng salitan ni Raphael. "I mean, you don't remember me? Pinagpatuloy niyo ba ang kasal-kasalan?" Agad na tinakpan ni Raphael ang bibig ni Francis at sinenyas si Alliyah na nagtatakang tiningnan kami.

"Alli, don't mind him. Yan, you don't remember him?" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang sinabi nila.

"Ah, isa ka sa mga kaibigan niya na nandoon sa 'kasal' namin." Natawa si Francis nang idiin ko ang salitang kasal.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon