Raphael's POV
I remove my aviator when I went outside the airport. Huminga ako ng malalim. It's been almost 5 years nang huli akong tumapak dito.
"Kuya, what's wrong? Nasa parking na raw si Chris." Tinapik pa ako sa balikat ni Allison. Tumango lang ako sa kanila ni Alliana.
Almost 5 years ago nang pumunta kaming Denmark dahil lumala ang kondisyon ni Dad. Hindi natuloy ang paghahanap namin sa kapatid namin sa ama. Nalaman namin na pinahahanap pala siya ni Dad dahil malala na ang sakit niya.
Nacomatose na si Dad nang magpunta kaming Denmark at last year ay tuluyan na siyang namaalam sa amin. Hindi rin kami agad nakauwi dahil kinailangan pang asikasuhin ang kumpanya sa Denmark at ang paglipat sa akin ng posisyon bilang Chairman.
Nagpalinga-linga ako. "Where is mom and Alliyah?" Tanong ko sa mga kapatid ko.
"Naiihi daw si Alliyah kaya sinamahan ni Mommy." Tumango ako.
"Let's wait for them." Tumango sila. After an hour ay nainip na ako.
"Allison, sunduin mo na sila." Ngumuso si Allison at hinawakan ang paa niya.
"Kuya, I can't. Masakit na ang paa ko." Sabi ni Allison at nang lingunin ko si Alliana ay ganun din ang arte.
Napabuntong hininga ako sa mga kapatid kong nakaheels pa. Ako na ang pumasok sa loob para pumuntang CR, I'll just wait for them outside the restroom. Paliko na sana ako sa restroom nang may makita akong batang lalaki na umiiyak. I think he's 4 years old.
Nilapitan ko ito at naupo sa harap niya. "Hey, what's wrong? Why are you crying?" Tanong ko sa bata.
"I can't see my tito and tita." Umiiyak niyang sabi, kinuha ko ang panyo sa bulsa na may nakasulat pang RVV.
"Here, I just help you to wipe your tears. Stop crying." Napatitig siya sa akin.
"Why? Dahil po papangit ako?" Dahil sa ginawa niyang pagtingin diretso sa mata ko ay napatitig din ako sa mata niya.
"Hindi, ayoko lang na may umiiyak na bata. I can help you find them." Ngumiti na siya sa akin at sa unang pagkakataon makalipas ang limang taon ay napangiti ako.
"We have the same eyes. Sabi po ni Mama ay paborito niya ang mga mata ko." Napangiti ako at bahagyang ginulo ang buhok niya.
"Really? Our eyes are unique so always take care of that, okay?" Tumango siya.
"Vinny..." Napatingin kami pareho sa babaeng tumawag sa batang kasama ko.
"Tita Ashley." Nakangiting sabi ng bata, napatingin sa akin ang babae at nanlaki ang mata niya bago lumingon sa pinanggalingan nila.
"Saan ka ba nagpupuntang bata ka? Kanina ka pa namin hinahanap ng tito mo." Sabi ng babae.
"Sorry po, nagCR lang po ako tapos tinulungan ako ni kuya." Nilingon niya ako. "Ano po pala pangalan niyo? My name is Vincent." Napangiti ako.
"We have the same name." Nanlaki ang mata niya.
"Really? Vincent din po ang pangalan niyo?" Tumango ako.
"Vinny, let's go. Malalate tayo sa boarding. Sige po, salamat." Sabi ng babae kaya napatango na lang ako at tinanaw silang naglalakad palayo. Kumaway pa sa akin ang bata kaya kumaway din ako.
"We have the same name and same eyes. I wish I have a son like you." Mahina kong bulong.
"Kuya..." Nilingon ko ang tumawag at nakatingin na pala sa akin si Mom at Alliyah.
"Are you done? Let's go at didiretso ako sa kumpanya." Tumango sila kaya naglakad na kami palabas.
"Next week ang uwi ng lola mo. She can help you being a Chairman. Mahirap kausap ang board." Tumango lang ako sa sinabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...