Yannie's POV
Nagising ako nang may maramdaman akong malamig na hangin. Bumangon ako at sinuot ang roba na nasa tabi ng kama, pumunta ako sa may balcony kung saan tinatangay ng hangin ang kurtina. Nakita ko ang purong buhangin at asul na dagat di kalayuan.
Napangiti ako nang makita ko siyang naglalakad sa may dalampasigan. Bumalik ako sa kwarto at nagbihis ng silk white satin dress. Lumabas ako ng resthouse at pinuntahan siya.
Kagabi dito kami dumiretso sa resthouse nila sa La Union. Hindi ko alam kung bakit namin kinailangan tumakas kagabi sa party basta ang alam ko lang ay handa akong sumama sa kanya saan man siya magpunta.
"Yes, ikaw na muna Chris ang bahala. I'll talk to them tomorrow... Yes, I'll go." Narinig kong sabi niya habang nakatalikod sa akin. May kausap siya sa phone at mukhang si Chris ang kausap niya.
Niyakap ko siya mula sa likod kaya binaba na niya ang cellphone matapos magpaalam sa kausap. Tinanggal niya ang kamay ko at humarap sa akin, nakangiti siya pero napanguso ako.
"Why are you pouting?" Sabi niya at hinalikan ako habang nakanguso.
"Nothing. I just missed you." Natawa siya at naglakad na kami pabalik ng resthouse habang magkayakap kami.
"I miss you too kahit sandali lang tayo nagkahiwalay. Let's eat breakfast." Sabi niya, nang makapasok kami sa loob ay nakita namin si Jeck na nagwawalis sa sala.
"Jeck, kumain ka na?" Tanong ni Raphael sa binatilyong anak ng care taker ng resthouse na si Nanay Minda.
"Tapos na po, young master. Naghanda na po si nanay ng almusal ninyo." Sabi ng binatilyong 16 years old.
Tumango si Raphael at naglakad na kami papuntang dining table. Naabutan naming nakahain na ang mga pagkain. Naupo kami at nagsimula nang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang maglapag ng juice si Nanay Minda.
"Your food is delicious, Nanay Minda." Sabi ni Raphael kaya napangiti ang matanda.
"Naku, mabuti naman nagustuhan mo, Paeng." Nakangiting sabi ng matanda at lumingon sa akin. "Ikaw, iha? Nagustuhan mo ba ang pagkaing niluto ko? Gusto mong ipagluto kita ng iba?" Umiling ako at ngumiti.
"Hindi na po, ang sarap po ng luto niyo." Sabi ko pero napatitig ang matanda sa akin.
"Pero bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalingon si Raphael sa akin. Pinunasan ko ang luha kong 'di ko namalayan na tumutulo na pala.
Ngumiti ako. "Wala po ito, naalala ko lang po si Mama. Hindi ko na rin po naalala kung kailan ako nakakain ng luto ng isang ina na may kasamang pagmamahal." Hinawakan ni Raphael ang kamay ko.
"Natutuwa akong alam mong may halong pagmamahal ang luto ko, iha. Simula bata pa lang iyan si Raphael ay ako na ang nagluluto ng pagkain niya. Anak na ang turing ko sa kanya kaya sinasamahan ko ng pagmamahal ang bawat luto ko na sikreto ng masarap na pagkain. Kung gustp mo ay turuan kita ng iba kong luto para ipagluto mo si Paeng. Sabi nga nila 'a way through a man's heart is through his stomach'." Natawa ako at tumango.
"Totoo po iyan." Natatawa kong sabi kaya natawa na rin si Nanay Minda, nakita kong napangiti na rin si Raphael at nawala ang ang kaninang pag-aalala niya.
*****
"Anong klaseng tao ang Mama mo?" Nagulat ako sa naging tanong niya. Nilingon ko siya pero patuloy lang nilalaro ng daliri niya ang buhok ko.
Nakahiga kami pareho sa duyan na tinali sa magkasalungat na puno dito sa labas ng resthouse. Mula sa pwesto namin ay nakikita namin ang asul na dagat. Ang payapa ng paligid and I hope we can stay here forever but I know it's not possible.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...