Desire 47

236 2 0
                                    

Yannie's POV

Matapos kong kumalma sa pag-iyak ay bumangon ako para magtungo sa CR. I need to take a shower. Napahinto ako nang nasa tapat na ako ng salamin. Nakita kong namamaga pa rin ang mata ko at pulang pula.

Naligo na ako at naglagay ng concealer sa ilalim ng mata para matakpan na galing ako sa pag-iyak. Lumabas na ako ng CR at nagbihis. Tulog pa rin si Raphael at hinayaan muna siya bago ako lumabas ng kwarto.

Pinuntahan ko muna si Vinny sa kwarto niya at nakitang gising na siya. Maaga siya natulog kaya hindi na rin nakakapagtakang maaga siya nagising. Nakaupo siya sa kama at nagtataka sa paligid. Nakita kong lumiwanag ang mata niya nang makita ang maraming pokemon stuffed toys at ang disenyo ng kama.

Lumapit ako sa kanya kaya nang makita ako ay agad niyang tinaas ang mga braso. Nakangiti ko siyang binuhat.

"Are you hungry, baby?" Tumango siya habang nakanguso.

Sinamahan ko si Vinny na magtoothbrush at maghilamos bago kami bumaba ng hagdan. Naabutan namin si Manang Salome na inaayos ang mga kurtina. Lumingon siya sa amin.

"Good morning, Lady Mistress." Bati niya kaya ngumiti ako. Kailangan ko na sigurong masanay na iyon ang tawag nila. Lumingon siya kay Vinny at ngumiti. "Good morning, young master." Nakangiting bati niya kay Vinny na nagtago pa sa likod ko kaya natawa ako.

"Pasensya na po, Manang. Mahiyain po kasi si Vinny kapag bagong kakilala." Ngumiti siya at tumango.

"Nagugutom na ba kayo? Magluluto na ako ng breakfast." Umiling ako.

"Gusto ko po sana na ako ang magluto. I want to cook for Raphael." Ngumiti ang matanda at tumango kaya naglakad na kaming mag-ina papuntang kusina.

"Mama, san si Papa?" Tanong ng anak ko.

"Tulog pa si Papa kaya magluluto tayo ng breakfast." Sabi ko.

"Dito na tayo titira?" Napangiti ako dahil ang cute niya. Kinurot ko ng mahina ang pisngi niya.

"Yes, baby. Dito tayo titira sa bahay ni Papa." Sabi ko at nagprepare na ng mga iluluto ko.

Nagluto lang ako ng fried rice, omelette, bacon at hotdog. Nagtoast ako ng bread at nagluto ng pancake. Marami akong niluto na nakita ko sa mga stocks. Kumakain na ng hotdog si Vinny at nagtitimpla ako ng milk para sa kanya nang pumasok sa kusina si Raphael.

"Good morning..." Bati niya sa amin, lumingon si Vinny at agad na bumaba sa upuan para tumakbo sa Papa niya.

"Papa!" Agad naman siyang binuhat ni Raphael.

"Kamusta ang tulog ng mga baby ko?" Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Mga?" Natawa siya sa tanong ko.

"Yes, you and Vinny. You are my babies." Inirapan ko siya at nilapag na ang gatas ni Vinny. Gumawa na rin ako ng hot choco para sa akin at coffee para sa kanya.

"Hindi ka na nagkakape?" Napahinto ako sa tanong niya. Umiling ako

"I stopped drinking coffee." Tumango lang siya. Napatitig ako sa kanya habang kandong si Vinny at nag-uusap sila.

I know na lumalala na ang kondisyon ko at kailangan niyang malaman pero natatakot ako. Huminga ako ng malalim, kailangan kong maging matapang para sa kanila.

"Raphael, I need to tell you something later." Nilingon niya ko at kumunot ang noo dahil nakita niyang seryoso ako.

"Why so serious? Is there a problem?" Tanong niya pero umiling ako.

"Let's talk later. May pasok ka ba sa opisina?" Tanong ko.

"Yes, sasama kayo." Kumunot ang noo ko.

"Why?" Ngumiti lang siya at hindi na sumagot.

Love DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon