Raphael's POV
"Naks, bakit nakangiti ka?" Nilingon ko si Lyndon at iniwan na siya. Dumiretso ako sa counter para bayaran yung kinuha kong laruan para kay Lance na anak ni Lyndon at kay Alliyah na kapatid ko.
"Bakit ka nga nakangiti?" Pangungulit pa ni Lyndon kahit naglalakad na kami palabas ng toy store.
"Masama na bang ngumiti?" Tanong ko at nagpoker face sa harap niya, tumawa siya.
"Hindi naman masama ngumiti, Raph. Pero para sa'yo, nakakapanibago talaga ang ngumingiti ka. Simula nung araw na iyon, you know ay hindi ka na ngumiti pa ulit. Si Yannie ba ang dahilan?
"Raph, hindi ako tutol o si Inna sa pambabae mo pero sana lang tol. Hindi kasama diyan si Yannie, maaaring nagtatrabaho sa bar ko si Yannie pero pamilya na ang turing namin ni Inna sa mga tauhan namin. Lalo na si Yannie, she's kind and a sweet girl. Bata pa siya at maraming pangarap, Raphael."
Napailing na lang ako. Ang haba ng sinabi niya.
"I know, wala akong balak na isali siya sa collection ko. It's just that natutuwa lang ako sa kanya." Tumango siya.
"Good. Kung wala ka pang balak na magseryoso at maggoodbye sa pagiging bachelor, tigilan mo siya." Pinaningkitan ko ng mata si Lyndon.
"Bakit?"
"Hindi siya panggoodtime lang." Tumango ako.
"Then how about Monteverde? Don't you think na pinaglalaruan lang din siya ni Monteverde?" Nagkibit balikat siya.
"We know that bastard kaya binabantayan namin siya." Sabi niya kaya natahimik na kami at dumiretso na sa kotse niya, nilagay na namin ang mga pinamili sa loob.
"Saan ang kotse mo? Hindi mo dala?" Umiling ako.
"No, dala ni Alliana. May pinuntahan para daw sa kasong hinahawakan niya." Tumango siya kaya sumakay na ako sa kotse niya.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa naiisip na mag-asawa?" Nilingon ko si Lyndon na nagmamaneho sa out of nowhere niyang tanong.
"What? Saan galing iyan? Matagal na nating napag-usapan iyan and why are you always bring it up?" Napailing na lang ako.
"Raph, you're not getting any younger. Ikaw na lang ang bachelor sa barkada well except kay Francis dahil sa'yo. Hindi mo naman siguro gusto na tumandang binata. Come on, ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa inyong magkakapatid at magdadala ng apelyido ng pamilya mo. It's been 2 years, Raph. Are you not still moved on?" Natawa ako sa sinabi niya.
"Una sa lahat, I'm still 28 and I'm younger dahil lalaki naman ako. Pwede pa akong magkaanak. Pangalawa, wala akong balak na tumandang binata dahil tiyak na papatayin ako ng tatay ko. Pangatlo, hindi ko kailangan mag-asawa para magmove-on dahil matagal ko nang kinalimutan ang nangyari 2 years ago." Sagot ko, sumandal ako sa upuan at pumikit.
"Okay sabi mo pero gusto ka lang naman namin ni Inna na maging masaya. Next week ay birthday ng anak ko at siguradong pupunta ang barkada. Hinahanda lang kita sa pwede mong isagot." At tumawa pa siya, napailing na lang ako hanggang makarating kami sa condo ko.
"Salamat, tol." Sabi ko at bumaba na ng kotse niya, kinuha ko na rin ang mga laruang binili ko. Tumango lang siya at umalis na.
Naglakad na ako papasok sa building ng Tower Villa. Bumati ang guard sa akin pero diretso lang ang tingin ko hanggang makapasok ako sa elevator. Pinindot ko ang penthouse.
Paglabas ko ng elevator ay hindi na ako nagulat nang makita ang mga kapatid ko na nasa sala. Nakahiga si Allison habang nagbabasa ng libro at kumakain ng popcorn. Nasa sahig naman si Alliyah nakaupo habang may sinusulat sa notebook na nakapatong sa coffee table.
BINABASA MO ANG
Love Desire
Romance"What are your desire?" Lahat tayo ay may hinahangad tulad ng pagkalinga, pagtanggap at pagibig. Pero saan ba talaga natin ito matatagpuan? Sa kaibigan? Sa pamilya? O sa taong minamahal? Paano kung silang inaakala mong kaya kang tanggapin ay sila r...